Kapitulo XVII - Demote

3.1K 215 8
                                    

Kinabukasan, pinilit kong bumangon kahit mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Ilang saglit pa akong nag-isip kung paano ko haharapin ang mga tao sa ibaba na maaaring naghihintay sa akin sa hapagkainan. Nang maka-ipon ng kaunting lakas ng loob ay lumabas na ako sa aking silid at bumaba kasama si Manang Wanda. Sa kalagitnaan ng pagbaba ko sa hagdan ay napasulyap agad sa gawi ko si Sage. Lumipat ang tingin ko sa upuan ni Papa at hindi na napigilan ang pagbuntong-hininga nang makitang bakante ito.

Nang tuluyan akong makababa ay dumiretso na agad ako sa hapagkainan at sinulyapan lamang ang mga kasambahay na nagmadali pang luminya sa ibaba ng hagdan upang sumalubong at bumati sa akin. Lumipat ang tingin ko kay Sage nang tumayo siya upang ipaghila ako ng upuan sa hapagkainan. Tipid akong ngumiti sa kanya at nagpasalamat. Nang umupo siya ay nginitian niya ako nang matamis at sinenyasan akong mauna nang kumain.

Pinagsilbihan ako ni Manang Wanda mula sa pagkain hanggang sa pagbibihis ng aking uniporme. Si Sage naman ay umaktong tila walang nangyari kagabi at tila naging normal lang ang pakikitungo niya sa akin habang sabay kaming kumakain ng almusal. Si Papa naman ay hindi na sumabay sa amin at hindi ko na rin namataang lumabas mula sa kanyang silid bago ako umakyat muli sa aking silid. Batid ko'y maaga siyang tumungo sa kapitolyo ng Galaxias upang ilahad ang buong detalye ng nangyari kagabi.

Habang sinusuklayan ako ni Manang Wanda ay pinagmamasdan ko ang kanyang repleksyon sa salamin. Walang bahid ng simpatiya o pag-aalala sa kanyang mukha para sa akin kahit nasaksihan niya ang nangyaring kaguluhan sa aming kaarawan. Somehow, her silence comforted me. Nang mapansin ang paninitig ko ay napahinto siya agad sa kanyang ginagawa at nagtatakang napatingin sa akin. "Gusto mo bang baguhin ko ang ayos ng buhok mo, mahal na prinsesa?" nalilitong tanong niya.

Tipid akong ngumiti bago mabilis na umiling. I want to be less noticeable as possible. I know it won't be possible because I am a royal figure, but I want to keep it lowkey today. Masama ang kutob ko sa mga mangyayari mamaya kaya hangga't maaari ay gusto ko munang umiwas sa lahat, kahit sa kaibigan kong si Estefania. Ayokong madamay rin siya sa panghuhusga ng mga tao dahil lang sa kaibigan ko siya. I'm pretty sure the citizens of Camp Nephos and the students of Nexus Academy have already heard a glimpse of the whole story about what happened that night. At napatunayan nga ang lahat ng kutob ko nang dumating na kami ni Sage sa aming paaralan.

All eyes were glued on me, and I could almost hear them talking about me behind my back. Ramdam ko ang panghuhusga at pagkadismaya sa kanilang tingin sa akin. Mayroong ibang halatang naaawa sa akin na siyang pinakaayaw ko sa lahat.

Nabitin sa ere ang pagbuntong-hininga ko nang marinig ang isang malalim at pamilyar na tinig mula sa aming likuran. "Lower your eyes and respect the prince and princess of Camp Nephos!" mariing sabi ni Garethe habang pinupukulan ng masamang tingin ang lahat ng nagbubulungan habang mapanghusgang nakatingin sa akin. Agad nagsiyukuan ang mga estudyante at halatang napipilitang magbigay-pugay sa amin.

Dahan-dahan kong nilingon at sinalubong ang malamig na tingin ng panganay na anak ng duke. Bahagya rin siyang yumuko upang magbigay-pugay sa amin. "Greetings, Your Royal Highnesses..." aniya bago idinirekta ang tingin sa akin.

Napagtanto kong bahagya palang napaawang ang aking bibig sa kanyang inasta kaya agad ko itong itinikom at nag-iwas ng tingin. Nilipat ko ang tingin kay Sage nang kaswal niyang batiin pabalik ang anak ng duke. Dahan-dahan ding nagsi-angat ang ulo ng lahat ng nakapanood sa amin kanina at halos magtulakan sa pag-alis sa aming harapan.

Garethe slightly cocked his head a bit when he noticed my weird reaction. Agad niya ring inilipat ang tingin sa aking kapatid na seryosong nakatingin sa kanya. Ilang minuto silang nagtitigan gamit ang nangungusap na mga mata na siyang nagpakunot ng noo ko. Sa huli ay bumuntong-hininga si Garethe at tumango bago sumulyap sa akin. "As you wish, Your Royal Highness," pormal na tugon niya kay Sage na mas lalong nagpalito sa akin.

Nexus Academy: The Enchanted HomeWhere stories live. Discover now