Kapitulo V - Inferior

4.4K 252 3
                                    

"Astra Calliope, bakit ba napakatigas ng ulo mo?!" Sage's voice thundered.

Noong araw na iyon ay pinagtalunan namin ng kapatid ko ang tungkol sa nangyari sa akin. Sinundo niya ako agad sa infirmary at diretsong dinala pauwi kahit mayroon pa kaming klase mamayang hapon. Habang nakasakay kami sa isang karwahe pauwi sa aming palasyo ay panay pa rin ang sermon niya sa akin.

I sighed heavily. "I was just bored, Sage—"

"Bored? Bored ka lang kaya nilagay mo sa panganib ang buhay mo!? Naririnig mo ba ang sarili mo, Astra?" galit na putol niya sa pagpapaliwanag ko.

Pinagmasdan ko ang bahagyang pamumula ng mukha niya dahil sa pagpipigil ng galit. He always looked calm and collected all the time, yung tipong parang kahit anong gawin mo ay hindi siya magagalit. Ako lang talaga ang may kakayahang magpainit nang ganito sa ulo niya. Sa t'wing pinapagalitan o sinesermonan niya ako kapag may nagawa akong hindi kaaya-aya o mapanganib ay nasasaksihan ko ang pagkapigtas ng kanyang mahabang pasensya.

"Kaya nga mayroong infirmary sa Nexus Academy, Sage—"

He immediately scowled at me, so I immediately pursed my lips. "Eh, paano kung wala noong oras na iyon si Garethe?! Paano kung hindi ka niya sinundan doon? Paano kung walang sumagip sa buhay mo roon sa loob? Sa tingin mo ba ay magagamot ka pa ng healer sa infirmary, huh!?" may bahid sarkasmong sabi niya.

Ibinagsak ko ang tingin sa aking mga kamay na nakapatong sa kandungan ko at itinikom na lang ang aking bibig. Wala talagang point makipagtalo o magpaliwanag kay Sage kapag alam niyang nasa tama siya. Alam kong wala akong laban sa kanya ngayon dahil bukod sa galit siya sa akin ngayon ay alam ko ring mali talaga ang ginawa ko.

Marahas siyang suminghap bago pinasadahan ng daliri ang kanyang buhok. Sinulyapan ko siya at nakita ko ang pagpipilit niyang pakalmahin ang sarili. Nang tumingin siya sa akin ay mas mahinahon na siya kumpara kanina. "Huwag na huwag ko nang makikita o mababalitaang pumasok ka pa roon sa restricted area, kung ayaw mong ipasunod ko palagi sa'yo sa school si Garethe..." he warned me.

My lips protruded as I slowly nodded. Mas lalo kong iniyuko ang aking ulo upang itago ang aking mukha. "Paano ka magiging pinuno ng isang rehiyon kung ikaw mismo ay lumalabag sa sarili nitong batas?" makahulugang sabi niya na siyang tumatak sa aking isipan hanggang sa sumapit ang ikalabing-anim naming kaarawan.

I watched how my twin brother's exceptional magical ability became fiercer than it ever was as days passed by. His magic greatly resembled our royal father's ability. Halos lahat ng miyembro ng royal family ay mayroong light attribute. Hindi ko man naabutan dahil namatay siya sa panganganak sa akin, I think our deceased royal mother, Grand Princess Akami Gray, also must have owned a powerful light attribute. Kaya siguro sobrang lakas ng magic attribute ng kakambal ko ngayon ay dahil pinagsamang light magic ang kapangyarihan ng mga magulang namin. Even Ate Callista is almost as powerful as our father now.

At this age, nakatakdang unti-unting lumabas ang mga sintomas o senyales ng pagkakaroon namin ng kapangyarihan. Nagsisilabasan na rin ang magical attributes ng mga kaklase at kaibigan ko at nakatakda pa itong lumabas nang tuluyan kapag tumuntong na kami sa tamang edad. Well, everyone except for me, I guess...

Another year has passed, but I still do not see any visible signs of any magic attribute coming from my body. Sa tuwing nagte-training akong mag-isa ay patago kong sinusubukang palabasin ang mahika sa aking katawan, ngunit wala talagang kahit kakarampot man lang na enerhiyang lumalabas mula sa akin.

"You're just overthinking it, Astra... Lalabas din ang kapangyarihan mo sa tamang panahon. You just have to be patient. What's meant for you will always arrive at the right time. Focus on the step in front of you instead of focusing on the whole staircase," sabi ni Sage sa akin nang maikuwento ko sa kanya ang bumabagabag sa akin.

Nexus Academy: The Enchanted HomeWhere stories live. Discover now