Simula

20.8K 580 92
                                    

"Sage, halika rito! Tingnan mo 'to!" excited na sabi ko habang hinihila ang laylayan ng magarbong damit ng aking kakambal.

"Ano na naman ba 'yan, Astra?" napapagod na aniya bago patamad na bumaling sa itinuturo ko.

"Tingnan mo na lang kasi!" nauubos ang pasensyang sabi ko.

Huminto ako sa paglalakad at humalukipkip habang nakatingala sa higanteng puno kung saan nakapatong at nakatayo ang aming kaharian dito sa Nephos. Ngayon ay hatinggabi na kaya naman sobrang dilim na ng paligid at ang tanging nagsisilbing liwanag na lamang ay ang buwan at mga alitaptap.

"You dragged me all the way here just to show me our palace? Parang hindi ka nakatira riyan, ah?" may bahid-sarkasmong sabi niya.

Inilabas ko ang aking pakpak at umikot-ikot sa ere. Patalikod din siyang lumipad habang nalilito akong pinapanood. Itinuro ko ang tuktok ng higanteng puno bago ngumiti nang matamis sa kanya. "I'll let you win the throne this time, Sage. Pero hindi pa tapos ang kompetisyon nating dalawa," mayabang na sabi ko bago huminto sa ere at humalukipkip.

May multo ng isang ngiti sa kanyang labi nang pumantay siya sa akin. "Ano na namang binabalak mong abutin ngayon?" tanong niya.

I smirked. "Ako ang susunod na Queen o kaya naman ay Empress ng Kingdom Galaxias," I said with pure conviction.

Humalukipkip siya. The expression on his face told me that he didn't believe my ridiculous statement. "Empress? Ang taas naman yata ng pangarap mo, Astra? Namatay na ang dating Emperor ng Galaxias kaya naiwan pa rin kay Empress Gaia ang pamamahala ngayon. To become the Queen of Galaxias, you need to bear the King's child or become the crowned princess of Galaxias. Imposible lalo 'yang pinapangarap mo dahil una sa lahat, apo ka ni King Sherbet kaya lalong hindi p'wede yung option one. Pangalawa, si Grand Prince Neraios ang nakatakdang sumunod sa yapak ni King Sherbet," he explained.

Napairap ako sa mahaba niyang paliwanag. "Mahirap lang naman, pero hindi imposible! Napaka-negative mo talaga, Sage!" iritadong sabi ko.

He chuckled softly. "Imposible nga kasi, Astra. Lalo na kasi..." he trailed off. Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at bumuntonghininga.

Simula pagkabata pa lang ay malaki na talaga ang lamang sa akin ng kakambal kong si Callix Sage. Nakitaan agad siya ng malaking potensyal at malakas na kapangyarihan sa mura niyang edad. Ayon sa nakasaad sa propesiya namin, malaki ang tiyansa na ang magmamana sa trono ng aming ama ay magmumula sa aming pamilya. And, of course, our father, Grand Prince Ostes of Nephos, thought it would be my twin brother.

My brother's exceptional magical abilities grew stronger as he grew older. Sa aming rehiyon, ang mga bagong panganak na bata ay wala pang mahika dahil lumalabas pa lamang ito kapag sila ay umabot na sa edad na labing-walong taong gulang. Of course, Sage was different from us. He already possessed his magical powers when he was born. Lalo lang itong lumakas ngayong labing-walong taong gulang na kami.

On the other hand, I was born with a weak body. I'm the exact opposite of my gifted and extraordinary twin brother. In this world where magic is everything, I was born with nothing but fairy wings and royal blood. Akala ko noong una ay katulad lang ako ng iba, ngunit nang sumapit ang ika-labing walong kaarawan ko ay wala pa ring senyales na mayroon akong umuusbong na kapangyarihan.

Despite having no magical powers and exceptional abilities like my twin brother, I did not give up on my dream. I still dreamt of becoming the next ruler of Camp Nephos to bring peace and prosperity to our region, just like how my father led Nephos for so many years.

Matapos ang naganap na preliminaries kung saan ang mananalo ay maaaring mapili bilang susunod na tagapagmana ng trono ng aming ama, itinanghal ang kakambal ko bilang crown prince ng Nephos alinsunod sa nakasaad sa propesiya. Dahil doon, tuluyan akong nawalan ng pag-asang makamit ang aking minimithi. Ngunit dahil din doon ay nag-iba ang aking pinapangarap.

Nexus Academy: The Enchanted HomeWhere stories live. Discover now