Kapitulo XXVI - The Chosen One Part 1

3.3K 218 25
                                    

I felt the energy from the sword spreading profusely throughout my body. Unti-unti ring bumilis ang aking paghakbang papalapit sa kanya kaya nagmamadali siyang umatras papalayo sa akin. I gathered all my remaining strength and aimed the sword toward his chest. In one swift move, I forcefully threw the sacred sword of Nephos directly in his direction. The sword immediately pierced through his stomach and knocked him out. Hindi na niya nagawa pang makapagsalita dahil mabilis na hinigop ng aking espada ang kanyang kapangyarihan.

I pulled out the sword and slowly turned toward the acid magic user. Pinadausdos ko sa lupa ang talim ng aking espada at unti-unti nitong hinigop ang asidong nadaraanan nito. I sliced the acid giant in half in one swift move, and its mana slowly disappeared. Agad kong itinutok ang aking espada sa kanyang dibdib kaya nanginig ang kanyang mga labi. "P-Princess Astra, please spare my life..." pagmamakaawa ng babae sa akin.

Nanatiling malamig ang tingin ko sa kanya ngunit pinagbigyan ko ang gusto niya. Bilang kapalit ay hinablot ko ang pulang bandilang nakatali sa kanyang belt bago naglakad palapit kay Garethe. Pinulot ko ang isa pang bandilang nakakalat sa lupa na sa tingin ko ay nagmula sa ice magic user na nakalaban ko kanina. Habol-habol ni Garethe ang kanyang paghinga habang pinipilit kumawala, ngunit nang makita akong naglalakad palapit sa kanya ay bahagyang umaliwalas ang kanyang mukha.

The mercury magic user from the Maverick clan immediately disappeared from sight kaya madali kong natanggal ang mahikang nakapalibot kay Garethe. Nang tuluyang mawala ang mercury na nakabalot sa kanya ay napaluhod siya sa sahig at napaubo nang sunod-sunod. 

Lumapit ako at nilahad kay Garethe ang isa ko pang hawak na red flag kaya dahan-dahang napaangat ang kanyang tingin sa akin bago ito tanggapin. "We're even now," nakangising sabi ko.

I slowly lifted my sword to the sky and collected all the smoke covering the whole area. Kasabay ng paglalaho ng usok ay unti-unti ring naglahong tila abo ang hawak kong espada sa hangin. Nanlambot ang aking mga tuhod at nabuwal ako sa pagkakatayo nang maramdaman ang tuluyang pagkaubos ng aking natitirang lakas.

"Astra!" Naramdaman ko ang bahagyang pag-angat ng aking katawan mula sa lupa at natunugan ko ang nag-aalalang boses ni Garethe. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng buzzer na umalingawngaw sa buong paligid at ang pagputok ng isang kanyon na hudyat ng pagtatapos ng ikalawa at huling bahagi ng preliminaries.

Nang imulat kong muli ang aking mga mata, ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame ng isang pamilyar na silid. I parted my dry and trembling lips and gasped for air. "Princess Astra, gising ka na ba?" tanong ng isang hindi pamilyar na tinig sa akin.

"Garethe..." I muttered. Pinilit kong bumangon ngunit agad akong napabaluktot sa kama at napahawak sa aking sentido nang maramdaman ang matindi nitong pagkirot. "I-I need to save Garethe!"

"Calm down, Astra! Ginagamot ka na ngayon ng royal healer sa infirmary," rinig kong sabi ni Steffy. "The preliminaries are already over..."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at pinasadahan ng tingin ang paligid. Agad napadpad ang tingin ko sa isang lalaking nakasandal sa pader at nakahalukipkip habang nakatingin sa akin. Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong-hininga at hinayaan ang royal healer na ibalik ang lahat ng lakas na nawala sa akin.

For some reason, my entire body aches, and I have bruises all over it despite being under a powerful illusion earlier. Muling bumalik sa aking alaala ang nangyari kanina kaya muli akong napasulyap kay Garethe na nananatili pa rin ang tingin sa akin.

If I remember correctly, Headmistress C once said that being able to wield the sacred sword is considered a 'miracle' in the prophecy, and the person who wielded it was said to be 'blessed by the gods of Galaxias.' Did I really wield the sacred sword of Nephos for the second time to save Garethe? But the sword automatically disappeared as soon as the illusion was gone... Was it just a fluke?

Nexus Academy: The Enchanted HomeWhere stories live. Discover now