Kapitulo XI - Connection

3.2K 237 5
                                    

Sigurado akong si Amaia Maxine ang nakikita ko sa panaginip na ito, pero ano ang koneksyon ng babaeng ito kay Amaia? Kilala niya ba si Amaia o... siya mismo si Amaia?

Napailing ako sa naisip. Mas imposible naman yata iyon! Nasa Camp Sunne naninirahan si Amaia at mas lalong hindi siya isang manna! Natigilan ako muli nang may ibang maisip. Noong mga nakaraang buwan ay natunugan ko ang tungkol sa trahedyang nangyari sa kanilang rehiyon. Nagkaroon daw ng isang malaking kaguluhan kaya hindi muna ako pinayagan ni Papa na bisitahin ang aking mga kaibigan doon. Wala rin akong natatanggap na kahit anong balita mula kay Angelina at Amaia kaya medyo nag-aalala na talaga ako. May koneksyon kaya itong panaginip ni Janica Guevarra sa kaguluhang nagaganap sa Sunne ngayon?

Anong uri ng panaginip ito? Is it a prophetic dream or a recurring dream? Kung titingnang mabuti, maaari din itong ma-consider na isang nightmare. Though, I think it has a deeper meaning behind it.

Ang babae sa panaginip niya ay patuloy na lumulubog sa isang madilim at malalim na karagatan. Ma'am Silva's explanation about this type of dream may suggest that she was overwhelmed by her unresolved issues or possibly a current crisis. Its significance suggests that letting go of the past is necessary to emerge a new beginning. Maaaring gustong ipahiwatig ng panaginip niyang ito na kailangan niya nang gumising at tanggapin ang katotohanan.

Muli kong ibinalik ang tingin sa babaeng nasa loob ng panaginip. Ma'am Ayessa also said that dreaming of drowning in deep water suggests being overwhelmed by his or her unconscious thoughts and feelings. Generally speaking, dreaming of suffocation may indicate that the person feels burdened by excessive responsibilities in life. Maaaring ipinapahiwatig nitong kailangan niyang magpahinga dahil nahanap niya na ang limit ng kanyang lakas o potensyal.

"What's your interpretation of that dream, Ms. Gray?" tanong sa akin ni Ma'am Silva nang madaanan niya ako.

Inangat ko ang tingin sa kanya. "It's just like what you said earlier, Ma'am. Maybe she feels overwhelmed by her thoughts and emotions. Maaaring ipinapahiwatig po nito sa kanya na kailangan niya nang gumising sa katotohanan at harapin ang kanyang mga kinatatakutan. Maaari rin pong ipinapahiwatig sa kanya na hindi niya dapat sarilihin ang kanyang mga problema o responsibilidad sa buhay," I concluded after my thorough analysis.

"Very well said, Ms. Gray," aniya na nagpangiti sa akin. "If a person dreams of drowning in dangerous waters, he or she might be afraid to be absorbed by the hidden power of his or her unconscious mind. In this case, tama ang sinabi mo na maaaring ipinapahiwatig nito na kailangan niya ng ibang tao na maaari niyang pagsabihan ng kanyang problema o kinatatakutan sa buhay upang sa gano'n ay mabalik ang kanyang sense of reality."

"Ma'am, ano po ba ang ibig sabihin ng tubig bilang isang dream symbol?"

"Water symbolizes birth and life, so a dream of drowning may suggest a selfish desire to be reborn in another life or to live again. Katulad nga ng sinabi mo kanina, maaaring marami siyang dinadalang problema ngayon at kailangan niya ng isang taong sasagip sa kanya sa patuloy na paglubog sa madilim at malalim na kawalan," sagot ni Ma'am Silva.

Ibinalik ko ang tingin sa babaeng patuloy na nalulunod sa kanyang panaginip. "Nabanggit niyo po kanina sa discussion na mayroong few cases kung saan maaaring may koneksyon ang isang panaginip sa observer nito. Mayroon po bang ipinapahiwatig ang panaginip na ito sa akin?" seryosong tanong ko sa kanya.

Nang mapansing hindi agad nakasagot ang aking guro ay inangat ko ang tingin sa kanya. Nakita ko ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa kanyang mga mata kaya napakunot ang noo ko.

She shifted her weight a bit before speaking. "In rare cases, drowning in the ocean of clean water suggest that the observer of the dream will probably "drown" in matters of sovereignty. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay may koneksyon ang ganitong panaginip sa observer nito, but I hope you'll take this as a warning, too. Maaaring magkakatotoo ito sa ibang paraan o mangyari pagkalipas ng matagal na panahon."

Nexus Academy: The Enchanted HomeWhere stories live. Discover now