Chapter Twelve

93 6 0
                                    

[Mayumi]

Dear Mayumi,

I know that I am not a perfect father for you. I left you when you were child. Leaving you was the biggest mistake I've made in my life. I know that you've grown already. I may not see you from my last breath but I want you to know that I love you so much. 

I hope that you'll forgive me. Forgiveness is the key for acceptance, Yumi. Take care of your Mama and your sister. I love you.

Love,

Papa

*****

Sinarado ko ang papel na aking hawak habang ang mga luha sa aking mata ay muli na naman bumuhos. Sa sulat na iyon ay naramdaman ko ang lubos na pagmamahal mula sa isang ama. Dumadaloy sa aking buong pagkatao ang pagmamahal na nangulila sa kanya. 

"I love you so much, Papa," bulong ko at saka tinignan ang katawan niyang unti-unting tinutupok ng apoy.

Naramdaman ko ang mga kamay na dumapo sa aking braso at ang ulo na pumatong sa aking balikat. Yumuko ako at nakita ang magang-maga na mata ni Megumi.

"He's happy now. Let's be happy for him, Yumi." Simpleng ngiti ang ginawad niya sa akin.

Ibinulsa ko ang papel na aking hawak at saka siya yinakap. Kasabay ng mga yakap namin sa isa't isa ay siya rin pagkawala ng apoy sa aming harapan.

Inipon ng isang lalaki ang mga abo na nagkalat at saka iyon inilagay sa isang kulay puting lalagyan. Pagkasara ng lalagyan ay bumitaw kaming dalawa hanggang sa ibigay na sa amin ang lalagyan kung nasaan ang abo ni papa.

Nagkatitigan kami ni Megumi at saka siya ngumiti. Sabay kaming naglakad palabas ng silid at dala-dala ang mga abo ni papa.

Kaliwa't kanan ang mga tinginan ng mga tao sa hospital kaya napapayuko na lang kaming dalawa dahil hindi pa rin maalis ang pamamaga ng aming mga mata.

Nang makatapak kami sa labas ng hospital ay bumungad sa amin ang itim na sasakyan. Sa harapan no'n ay may larawan ng aking ama at sa taas ay may puting bulaklak na nakapatong.

Binuksan iyon para sa aming dalawa ni Megumi at saka kami pumasok sa loob. Na-discharge din ako kahapon sa hospital matapos sabihin ng doctor na wala naman naging problema sa aking katawan.

Pinayuhan lang ako na magpahinga at kumain ng tama. Pagkalipas lang ng ilang oras ay nagdesisyon na kami na ipa-cremate si papa. Hindi ako iniwan ni Megumi mula nang malaman ko lahat ng katotohanan. Nanatili siya sa aking tabi hanggang ngayon na ililibing na namin si papa. 

Na-meet ko kahapon ang mama niya at wala itong ibang sinabi kung mag-sorry. Sinabi ko naman na ayus lang at wala na siyang dapat alalahanin pa.

Habang sinusunog ang bangkay ni papa kanina ay binasa ko lahat ng sulat na binigay niya sa akin. Tila isang storya iyon ng kanyang buhay noong wala ako sa kanyang piling. Nakakagaan ng pakiramdam dahil masakit man ay kailangan kong tanggapin ang lahat.

Nilingon ko ang babaeng nandyan nung panahon na hindi ko kapiling si papa. Alam ko na naging mabuting anak siya dahil ramdam ko sa puso niya kung gaano niya kamahal ang aming ama.

Nang magtama ang mga mata namin ay nakaramdam ako ng pagmamahal mula sa kanya. Pagmamahal ng isang kapatid at kapamilya. 

Ilang minuto ang lumipas at tumigil ang sasakyan sa isang malawak na lugar. Napapaligiran ng damo ang paligid at ang mga  bahay tuluyan ng mga patay ay nagkalat din sa paligid. 

FINDING YOUWhere stories live. Discover now