Chapter Four

110 10 0
                                    

[Mayumi]

"Okay lang po ako, Mama. Ang ganda nga po ng tinutuluyan ko eh mas maganda pa sa bahay natin," natatawang saad ko sa kabilang linya ng cellphone.

"Malamang, anak! Japan 'yan eh, Pilipinas dito." 

Mas natawa ako sa sinaad ni mama. "Sana nga po madala ko rin kayo rito."

Sandaling tumahimik sa kabilang linya ngunit maya-maya ay naiba na ang naging usapan namin ni mama.

"Ngayon na ba ang first day mo sa work?"

Mapait akong napangiti sa pag-iiba niya ng usapan. "Yes, Ma."

Ilang saglit ay nakarinig ako ng mga sunod-sunod na katok sa may pintuan.

"Ma! Mamaya na lang ulit. Pasok na ako sa work," paalam ko kay mama at saka mabilis na pinatay ang tawag sa cellphone.

Agad naman akong tumungo sa may pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang matipunong lalaki na naka-uniform pang Thuk-Thuk.

"G-Good morning, M-Marco."

"Good morning. Magbubukas na ang resto. Bumaba ka na in just a minute," utos ni Marco sa akin habang ako ay 'di man lang makakurap sa aking nakikita.

Tila natulala ako sa kagwapuhan niya dahil sa kanyang suot. Bagay na bagay niya ang suot niyang uniform. Mas nagmukha siyang matured at hot sa paningin ko. Napamulat ako nang mapagtanto ang aking nasabi sa isipan. 

"Mayumi?" Tawag niyang muli sa akin.

"Ah! Y-Yes. I'm going."

Hindi niya naman pinansin ang aking itsura dahil agad siyang tumalikod at naglakad na papaba. Dali-dali kong dinampot ang aking maliit na bag na naglalaman ng ilang gamit mula sa kwarto.

Mabuti na lang ay nakabihis na ako nang dumating siya. Sinuot ko ang doll shoes na lagi kong ginagamit at saka mabilis na lumabas ng apartment. Katulad nang ginawa ni Marco kagabi ay ni-lock ko ang pinto gamit ang card.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang sa ground floor. Tumigil sandali ang elevator nang bumukas ito at may pumasok na isang lalaki. Sa pananamit pa lang niya ay alam ko na waiter din siya sa Thuk-Thuk.

"Konnichiwa!" (Hello!)

Bati ko sa lalaki habang bumababa ang elevator. Lumingon siya sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"A new waitress?" Tanong niya. 

Ngumiti naman ako sa kanya. "Yes. I'm Mayumi."

"I'm Tristan. Nice to meet you." Umangat ang kanang kamay niya at nilahad ang kanyang palad sa akin.

"Nice to meet you too," saad ko at saka kami nag-shakehands. 

Ngumiti siya sa akin at saka dumiretso nang tayo. Pinasadahan ko siya ng tingin at sa pakiwari ko ay siya ang manager ng Thuk-Thuk. Hindi naman siguro bawal makipag-close sa manager dito. Mabait naman eh.

Bumukas ang pinto ng elevator at saka ako nilingon ni Tristan. Sumenyas siya na lumabas kaya sumunod na ako pagkatapos niyang humakbang palabas. Wala pang isang minuto  ay lumiko kami at tumigil sa harapan ng resto.

Kita na ang glass wall ng restaurant pero nananatiling closed ang nakakabit sa sign nito sa pinto. Sumunod ako kay Tristan pagpasok at tila naakit na naman ako ng buong paligid. Mas maganda ito kumpara sa Thuk-Thuk sa Tarlac. Mas elegante dahil may mga chandeliers sa ceiling at may pagka-romantic ang atmosphere pagpasok. 

FINDING YOUWhere stories live. Discover now