Chapter One

248 55 13
                                    

[Mayumi]


ABOT tenga ang ngiti na inihandog ko sa sarili nang makita ang aking reflection sa salamin. Ang salamin na iyon ay nakadikit sa pader na malapit sa may pintuan. Tinitigan ko ang aking sarili mula ulo hanggang paa.

Ang maikli kong buhok na kasing haba ng kay Dora ay tumutugma sa pagkabilog ng aking mukha. Dagdag mo pa ang paninigkit ng aking mga mata na siyang nakuha ko sa aking ama.

"Ma! Alis na po ako," paalam ko kay mama na nasa kusina namin. Inalis ko ang tingin ko sa salamin at saka kinuha ang aking hand bag na nakapatong sa may sofa.

Nang makarinig ako ng mga hakbang papunta sa akin ay liningon ko ang pinanggagalingan ng mga hakbang na iyon. Isang ngiti naman ang ginawad ko kay mama nang makita ko siya na nag pupunas pa ng kamay sa kanyang damit.

"Pasok ka na ba sa trabaho mo?" Tanong niya.

Tumango naman ako agad at saka muling inayos ang aking suot na skirt.

"Sige. Mag-ingat ka ah," bilin niya.

"Sila ang mag-ingat sa akin," biro ko naman. 

Naglakad naman ako sa kabilang banda ng pintuan at saka sinuot ang doll shoe na lagi kong ginagamit sa trabaho.

Bago ko pinihit ang door knob ng aming pinto ay lumingon muli ako kay mama. Winagayway niya ang kanyang kanang kamay at saka naman ako muling ngumiti. Tumalikod na ako saka tuluyan nang lumabas ng bahay. 

Tama lang ang laki ng aming bahay at meron lang itong dalawang palapag. Sa taas n'on ay ang kwarto namin ni mama at sa baba ang kusina at sala.

Naglakad mula sa bahay namin palabas ng kanto kung saan naroon ang sakayan ng jeep. Habang naglalakad ay 'di nakatakas sa akin ang maaliwalas na bungad ng haring araw. Tumingala ako at sandaling tumitig sa langit.

"Concepcion! Concepcion!" 

Naibalik ko ang aking tingin sa daan nang marinig ang paulit-ulit na sigaw ng manong driver. Sa isang malaking tent na nakatayo sa labas ng kanto ay makikita ang sakayan ng mga sasakyan na ang ruta ay mula sa barangay namin patungo sa bayan ng Concepcion, Tarlac. 

'Di pa gaanong puno sa loob ng jeep kaya sumakay na ako agad pagkatapos ko magbayad at saka umupo sa pinakadulo ng jeep.

Ganito ang araw-araw na buhay na aking kinakaharap. Gigising ng maaga. Papasok sa trabaho. Uuwi ng gabi. Limang taon na ang lumipas simula ng tumigil ako sa pag-aaral at nagsimula nang magtrabaho. 

Simula kasi ng iwan kami ni Papa ay wala na kaming natanggap ni singko mula sa kanya. Makalipas din ang isang taon mula nang umalis siya ay nawala ang connection namin ni Mama. Wala man lang akong natatanggap na tawag o message sa kanya at ang tanging meron na lang ako ay ang larawan ni Papa na naiwan sa akin.

"Mayumi. Anak. Alam ko napakatagal bago mo naintindihan at na-realize yung pag-iwan sa atin ng papa mo. Alam ko na mahirap para sa 'yo tanggapin ang pag-alis niya at alam ko na nahihirapan ka sa sitwasyon natin."

Hinawakan ko ang kamay ni mama habang kami ay nakaupo sa kama. Ganito ang madalas namin na ginagawa tuwing gabi bago matulog. 

"Mula nung umalis si papa ay namulat na po ako sa reyalidad. Alam ko na nasa tamang edad na rin ako para maintindihan ang lahat. Hayaan mo, Ma. Balang araw makakapunta rin ako ng Japan at hahanapin ko si papa."

Nagtama ang mga mata naming dalawa at saka sumilay ang mga ngiti niya. Ngiti na alam kong hindi sigurado. Alam ni mama na walang kasiguraduhan na makita ko ulit si papa.

FINDING YOUWhere stories live. Discover now