Chapter Two

219 50 39
                                    

[Mayumi]


"HINDI na ba talaga kita mapipigilan?" Tanong ni Mama habang dala-dala ang maleta ko papunta sa labas ng bahay.

Tumayo ako pagkatapos ko isintas ang aking sapatos at saka pinagpag ang aking damit. Tinignan ko naman si Mama na kanina pa ako pinapasadahan ng tingin.

"Ma, sayang naman yung opportunity 'di ba?" Nakangiti kong saad at naglakad palapit sa kanya.

I wrapped my arms on her body and hugged her tightly.

"Mag-iingat ka doon. Mahanap mo man ang papa mo o hindi, just enjoy your stay in Japan," rinig kong bulong niya habang mas hinihigpitan ang masasarap na yakap mula sa kanya.

Kumawala ako sa mga yakap at saka muling ngumiti kay mama habang nanatili ang mga hawak ko sa may balikat niya.

"Mag-iingat ka rin ah, Mama."

Umuwi ako sa bahay namin nang may tuwa at galak sa aking puso. Mas mabilis pa sa kabayo ang aking mga takbo papasok ng bahay.

"Mama! Mama!" Masigla kong tawag kay mama nang hindi man lang nabibitawan ang aking bag at hindi man lang naaalis ang aking sapatos.

Paulit-ulit kong tinawag si mama habang nasa kamay ko ang envelope na bigay sa akin ng manager.

"Mama!" Muli kong tawag habang pabalik-balik ako mula sa sala papuntang kusina.

Nakarinig ako ng mga hakbang mula sa hagdan at nagmadali akong bumalik sa sala para hintayin siya.

"Yumi! Napano ka? Anong nangyari?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala nang makalapit sa akin.

Tiningnan ko naman siya at saka naluluhang ngumiti. Mabilis akong yumakap sa kanya at saka tuluyan nang lumabas ang mga luha. Luha na punong-puno ng tuwa.

Ilang saglit ay bumitaw siya sa mga mahihigpit kong yakap at saka ako hinarap.

"Anong nangyari?" Nag-aalala pa rin na tanong niya.

Umiling naman ako habang naluluha pa rin. Yumuko ako at saka tinignan ang aking hawak na envelope. Sinundan niya naman iyon nang tingin at nakita ko ang pagmulat niya ng mata nang makita ang mga laman n'on.

Bumalik ako ng tingin sa kanya at saka malapad na ngumiti. "Ma! Magtatrabaho na ako sa Japan!" Pag-amin ko.

Bakas pa rin sa mukha niya na 'di makapaniwala sa aking sinambit. "Anong ibig mong sabihin? Wala ka naman nabanggit sa akin na may pinag-applyan kang trabaho doon." Puno ng pagtataka ang mga boses niya.

"Thuk-Thuk gave me an opportunity to work in Japan. I will be an exchange employee in one of their branch in Japan. Next week na ang flight ko, Mama," paliwanag ko sa kanya.

Nakikita ko ang pag-iiba ng kanyang expression. "Tinanggap mo?"

Mabilis naman akong tumango. "This is my chance para mahanap ko si papa."

Mapait naman siyang ngumiti sa akin. Natapos ang araw na 'yon na alam kong hindi payag si mama sa desisyon ko. Ngunit sa bawat paglipas ng araw ay unti-unti kong pinaramdam sa kanya na buo na ang desisyon ko.

Nakarinig kami ng sunod-sunod na pagbusina mula sa isang sasakyan na kakarating lang sa harap ng aming bahay. Sabay kaming napalingon ni mama doon kasabay nang pagbukas ng bintana sa sasakyan.

"Yumi! Tara na! Baka mahuli ka pa sa flight mo," rinig kong tawag ni Ate Sha.

Sabay naman kaming natawa ni mama at saka mabilis na ginuyod ang maleta na aking dala. Isang malaking maleta at isang backpack ang pinaglagyan ng mga dadalhin ko sa Japan.

FINDING YOUWhere stories live. Discover now