Chapter Five

101 7 0
                                    

[Mayumi]

"Pasok ka muna. Humingi na rin ako ng tulong sa isang investigative agency para kung sakali na mapabilis ang paghahanap natin," paliwanag ni Marco habang sabay kaming pumapasok sa kanyang apartment.

Bumungad sa akin ang panlalaking amoy sa buong lugar at ang kulay gray na pintura sa buong apartment. Katulad ng aking apartment ay napaka-minimalist lang ng disenyo.

"Matagal ka na ba dito sa Japan?" Tanong ko nang makaupo ako sa couch. Napansin ko naman sa isang maliit na table ang printed na larawan ni papa.

"Almost ten years na rin. Halos malibot ko na rin ang buong Japan pero mas pinili ko rito sa Osaka," sagot naman niya nang may kalakasan ang boses dahil naroon siya sa kanyang kwarto.

"Never ka pa umuwi sa Pilipinas?" Naramdaman ko ang mga hakbang niya patungo sa sala. 

"Hindi pa."

Lumingon ako sa kanya. "Bakit?"

Umiwas siya ng tingin sa akin at saka kinuha ang printed copies ng picture ni papa. 

"Okay na ba 'to?" Tanong niya habang hawak-hawak ang mga iyon. Naalala ko tuloy 'yung time na sinabi niyang tutulungan niya ako sa paghahanap kay papa.

*****

Habang naglalakad kami pabalik sa apartment ay 'di maalis ang tingin ko sa picture ni papa. Gusto ko na siya makita. 

"Is that your father?" Tanong ni Marco na nasa aking gilid.

Tumingala ako ng kaunti at tinitigan siya. "Yhep. 'Yan ang huling itsura na naaalala ko sa kanya."

"Hawig mo naman siya eh," saad niya.

Napangiti naman ako at muling tumingin sa picture. "Talaga?"

"Basta every day off ang araw ng paghahanap natin. Pupunta tayo kahit saan pero tuwing day off lang, maliwanag ba?" Pag-iiba niya ng usapan.

'Di ko namalayan na nakapasok na kami sa elevator at paakyat na kami sa apartment.

"Walang problema."

Ilang araw na ang lumipas simula nang sinabi ni Marco na tutulungan niya ako. Ilang araw na simula rin nang malaman ko na nasa tabing apartment ko pala ang apartment niya. Iyong gabi na tumakas ako sa kanya ay ang unang gabi na sabay kaming umuwi.

Mabilis lang na lumipas ang mga araw. 'Di ko nga namalayan dahil tinuon ko ang oras ko sa pagtatrabaho. Nakakapag-adjust na rin naman ako nang kaunti kahit papaano.

Linggo ang araw ng day off namin at katulad ng napag-usap ay ngayon ang araw ng linggo.

"Sapat na siguro 'yan ngayong araw," sagot ko naman sa kanya.

"Tara na," aya niya nang matapos siyang magsuot ng sapatos. 

Bago ako tumayo ay kusang tumitig ang mga mata ko sa kanya. Isang simpleng black t-shirt na nakapaloob sa kanyang jacket ang kanyang suot at saka jeans. Ang nga buhok niya ay sakto lang na nakataas dahil sa pagkakabasa nito. 'Di ko maitatanggi na gwapo siya at 'di bakas sa itsura ang pagiging trenta.

Tumayo na ako nang bumalik siya ng tingin sa salamin. Nagsimula na akong maglakad palabas. 

"Kahit anong ayos ng buhok mo, mukha ka pa rin matanda," pang-aasar ko sa kanya at saka na siya hinintay sa labas.

Wala pang isang minuto ay lumabas na rin siya pero bakas sa mukha na ang masamang tingin sa akin.

"Sinong matanda?" Tanong niya habang hindi inaalis ang titig sa akin.

FINDING YOUWhere stories live. Discover now