Chapter Ten

88 6 0
                                    

[Mayumi]

"I'm sorry," pa-ulit-ulit niyang sinasaad pagkatapos kong idapo ang aking palad sa kanyang mukha.

Yumuko ako at saka dinampot ang folder na naglalaman ng mga bagay na tinago niya sa akin. Masama ko siyang tinignan habang hawak-hawak ko ang folder na iyon. Pinakita ko iyon sa kanyang harapan habang nanlilisik ang aking mga mata na may bakas pa rin ng mga luha.

"Sabihin mo! Totoo ba 'to? Totoo ba na matagal mo ng alam kung nasaan si Papa?!" Pagtataas ko ng boses at halos mapatakip na siya ng tainga sa narinig.

"I'm really sorry, Yumi."

"Sabihin mo, Marco!!! Totoo ba lahat ng 'to?!"

"Y-Yes. Totoo lahat 'yan! Totoo na matagal ko ng nakita si papa mo," naiiyak niyang sagot at bakas sa mukha niya ang konsensya.

Tinapon ko sa pagmumukha niya ang folder at mga papel hanggang sa magkalat muli sa sahig ang mga iyon.

"All this time, Marco! Alam mo kung gaano ko kagustong makita si Papa! Alam mo kung gaano ako kauhaw sa presenya niya! Pero anong ginawa mo?! Pinagkait mo siya sa akin! Tinago mo siya sa akin! At higit sa lahat nagsinungaling ka sa akin!" 

Nanatili lang siyang nakayuko habang patuloy pa rin ang paghingi niya ng sorry sa akin. Samantalang ako ay patuloy lang sa paghagulgol sa kanyang harapan. 'Di rin naman nakatakas sa akin ang mga mata ng tao sa labas ng office. 'Di ko sila pinansin at pinagpatuloy lang pagbugso ng sakit mula sa aking puso.

"Bakit, Marco? Bakit mo nagawa sa akin 'to? Anong nagawa kong mali para ipagkait mo sa akin ang taong matagal ko ng gusto makita? Bakit mo nagawang alisin yung karapatan ko na makita siya? B-Bakit?" Muling paghagugol ko kasabay ng mga malalakas na pagsuntok sa kanyang katawan.

"Ginawa ko iyon para sa 'yo, Yumi. I want to make you happy at alam ko na magiging masaya ka kapag naging okay na si papa mo!"

Natigilan ako sa pagsuntok sa kanya at saka muling dumapo ang isang malakas na sampal sa kanyang mukha. Halos namula ang kanyang mukha dahil mas masakit pa iyon sa sampal na ibinigay ko kanina.

"Tingin mo masaya ako ngayon, ah?!" Sigaw ko sa kanya.

"Pinagmukha mo akong tanga sa tuwing maghahanap tayo sa kanya! Halos mabaliw ako sa tuwing may hinahabol ako na maling tao!"

"Patawarin mo 'ko, Yumi," pagmamaka-awa niya at saka siya lumapit sa akin. Sinubukan niyang yakapin ako ngunit bago niya pa nagawa ay lumayo na ako sa kanya.

"Don't ever touch me again! Tama ka! Sinayang ko lang nga ang oras ko sa 'yo! Sinayang ko lang lahat ng puyat at pagod ko sa sinungaling na katulad mo!"

Malalaking hakbang ang ginawa ko palayo sa kanya. Nagsi-alisan naman ang mga empleyado na kanina pa nakikinig sa aming dalawa. Pagod na ako. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong lumuha. 

Akala ko mabubuo na ang sarili ko kapag nahanap ko na si Papa ngunit tila mas nadurog pa ang buong pagkatao ko sa nangyari. Gusto ko lang naman na makasama si papa pero bakit tila pinagkakait iyon ng mundo sa akin. Ganito na lang ba ako habang buhay?

Di pa ako nakakalabas ng office ay natigilan na agad ako sa paglalakad.

"Alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ko, Yumi. Una pa lang alam ko na isang pagkakamali na ang ginawa ko pero sana pakinggan mo muna ako..."

Hindi naman ako humarap sa kanya ngunit nanatili lang akong nakatayo at nakatalikod sa kanya. Lumunok naman ako habang hindi pa rin tumitigil ang aking pagluha.

FINDING YOUWhere stories live. Discover now