Chapter 27: GE;GE√ Headquarters

Comenzar desde el principio
                                    

Saglit akong natigilan. Science? How did he know where my place is? That's something. Hmm. "How?" Tumalikod ako at tumuloy sa kusina. Wala akong hilamos at toothbrush. Pero wala akong pake. Hehe.

"Uhmm... because he's the Emperor?" Parang nag-aalinlangan na sagot ni Amarie naman ngayon. Umupo siya sa isang upuan na nakaharap sa'kin at tumabi naman sa kanya si Garet. Bahagya siyang napaiwas pero hinayaan na lang rin habang may naiilang na tingin.

My forehead creased but I immediately don't mind it. Magkaaway naman kasi talaga ang dalawang 'yan. Malamang maiilang sila sa Isat-isa dahil magkalapit sila.

Muling tumaas ang kilay ko habang binubuksan ang ref. I got a box of fresh milk and cereals and place it on the countertop. Isang segundo ko palang na inilagay doon ang mga box ay nahinuha ko nang kukunin yun ni Garet. Kaya bago niya pa mapakialaman ang natatanging umagahan ko ay malakas ko ng tinampal ang kamay niya.

She immediately take her hand back when I glared at her. Katakawan talaga nito, "He's the Emperor, huh? Does that mean he tends to know everything?" Pagpapatuloy ko habang kumukuha na nang puting bowl at isang kutsara. Humarap ako sa kanilang dalawa at sinimulang ilagay ang cereals ko sa bowl.

"Apparently." Tumatangong ani ni Amarie. Hindi ko na ito dinugtungan at nagsimula nang sumubo. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko'ng nakapangalumbaba si Garet sa'kin. Para bang takam na takam siya sa kinakain ko. Lihim akong napasinghal.

Wala bang pagkain sa bahay nila? Animal, taga lingon ko nalang sa isang to ay lagi na lang siyang nagugutom.

"Tss. " Mahinang utas ko. Nakita ko'ng tumayo si Amarie at palundag-lundag na pumunta sa harap ng ref ko. Nakita ko rin kung paano siya sundan ng tingin ni Garet. Ipinagkibit balikat ko nalang yun.

"So this is your bahay?" Tanong ni Amarie habang inililibot ang paningin. Tumingin siya sakin kaya tamad akong tumango. "It's malaki, huh? How many kayo dito nakatira?"dagdag tanong pa niya.

"Me," simpleng ani ko. Tumitig siya sa'kin at nag-aantay pa nang sasabihin kaya napangiwi ako. "It's just me. I live on my own in this apartment." Sabi ko pa.

"Apartment?" Narinig kong mahinang bulong ni Amarie pero hindi ko na pinansin. Pasimple ko ring inilibot ang paningin ko sa buong apartment ko. Actually, it looks like a mini condominium unit. Hindi ko na rin yun pinansin nang tumira ako dito, ang importante para sa'kin ay may matutulugan.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa gitna ng katahimikan.

Nag-angat ang nakangangang mukha ni Garet mula sa paninitig niya sa pagkain ko at tumingin sa'kin. Napapalunok siyang nag-iwas ng tingin. I tsked.

Hindi pa ba sapat na inubos niya yung isang gallon ko'ng ice cream? Nak'ng! Bahala siya diyan!

"Do you want me to make you a....hmm," nagsalita si Amarie kaya nilingon ko siya. Nakasandal na ito sa lamesa sa gilid ko habang ang hintuturo niya ay nakatusok sa pisngi niya at mukhang nag-iisip.

Sumubo ako ng isang beses nang bigla siyang pumitik sa hangin. Lumiwanag ang mukha niya at tumingin sa'kin. "Do you want me to make you a juice?" Tinitigan ko siya. Pati si Garet ay nginiwian siya. Seryoso? Ang tagal niyang nag-isip ha!

Yun lang pala, kingina!

"Huwag na!" Nasindak ata siya at bigla siyang napahakbang paatras dahil sa sigaw ko. "So, bakit nga kayo nandito?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

Nakangusong tumabi sa'kin si Amarie nang maka-recover siya sa sigaw ko.

Isa rin ako'ng may saltik e! Bigla-bigla ring sumisigaw.

Gangster Empress:Gangster Evolution (SLOW UPDATE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora