Part 5

3 0 0
                                    


May isang artikulong nagkalat sa bayan. Isang lalaki ang nahuling nakipagsabwatan sa mga demonyo. Galit ang taong bayan sa di matukoy na lalaki at takot ng mga kalakakihan na maari silang ipapatay nang dahil sa maling akala. Muling nabalot ng masamang element ang bayan. Panibagong anyo nanaman ang aking naranasan. Isang lalaking nasa edad dalawampu at mukhang Pilipino. Di nagbago ang aking alaala, damdamin at paniniwala. Meron parin akong pusong tao. Sana makilala parin ako ni Antonio.

Nagbalik si Antonio sa a aking tahanan. May dala na namang bulaklak. Gusto ko sanang supresahin si Antonio at ipaalam na isa na kong lalaki at nagbalik ang aking sigla. Kaya nagtago ako sa aking silid.

(knock-knock) Maria? Maria? Andyan ka ba?

"Kung naririnig mo ko, sana sumagot ka." Salita niya pero rinig sa kanyang boses ang kanyang pagkakaalala.

"Salamat sa iyong kabutihang loob. Lalo na sa pagtanggap sa akin kahit na isa akong tao. Naging isa kang mabuting kaibigan. Kaya nang nalaman ko na ika'y nanghihina..." at siya'y umiyak.

Natuwa ako sa kanyang sinabi sapagkat parehas kami ng nararamdaman. Isa nga siyang tunay na kaibigan. Nang magpapakita na ko...

"Pero ayaw na kita maging kaibigan!" wika niyang di ko mawari.

Ako'y nagulat. Nagtataka ako kung ano ang masamang nagawa ko na pwede niyang ikagalit. May bago na ba siya? O naniniwala siya na ako ay patay na? Gusto ko na siyang kausapin

"Kasi..." sigaw niya... Bumigat ang pagtibok ng aking puso sa kaba....

"Kasi nahulog na ang kalooban ko sayo! Iniibig na kita, Maria. Ayaw ko nang maging iyong kaibigan dahil gusto ko ng maging iyong kasintahan," paiyak na sabi nya. "Pero wala ka na saaking tabi. Ang sakit noh? Biglaang mawawala ang taong iniibig mo? Kaya sana kung naririnig niyo ko diyos, kahit na kapalit pa ng buhay ko, sana'y ibalik niyo siya muli sa akin at ipagtatanggol ko siya sa abot ng aking makakaya" umiiyak siya at iniwan nalang niya ang dala niyang bulaklak, pagkain at kanyang paboritong gitara sa aking pintuan at naglakad ng palayo sa aking bahay.

Gulat na gulat ako. Ano ba ang pag-ibig? Nililigawan? Ang ginawa ko lang naman ay pakikipagkaibigan. Sumobra ba ako sa aking ginawa? Lumagpas ba ako sa hangganan ng pakikipagkaibigan kaya't nahulog ang loob niya sa akin? Sa pagkagulat ko, aksidente kong nahulog ang paso. Dinig sa buong bahay ang pagkabasag nang paso. Nakita ko sa aking bintana na biglaang tumakbo pabalik ng bahay si Antonio. Sumisigaw na... "Maria! Maria! Buhay ka? Gusto kitang makausap" sumagot ako na "WAG!!??" nagulat siya dahil boses lalake na ko. Sinira niya ang aking bintana at nakapasok sa aking bahay.

"Sino ka?" pagalit na sigaw niya.

"Ako ito si Maria, Sa ngayon Juan na nga pala ang aking pangalan. Ito na aking katawang tao" mahinahon na sagot ko.

Ayaw niyang maniwala. Kaya sa aking kapangyarihan bilang aswang, ako'y nagpalit anyo sa dati kong katayuan. Nagulat siya at ako'y muling nagtanong.

"Pagibig? Ano ba yun?" nagtaka ako sa kahulugan na salita na yun at patawa kong sinabing "Pero natuwa ako sa iyong katagang ipagtatanggol mo ako"

Inaasahan ko na magiging masaya siya sa aking muling pagbabalik dahil sa kanyang mga sinabi pero pagkadismaya at galit ang makikita sa kaniyang muka.

"Niloko mo ko? Isa ka talagang lalaki? Sinungaling ka! Nililinlang mo ang mga tao para... kainin at pagsamanthalahan!" pagalit na sabi niya.

"Nung panahon na yun. Isa talaga akong babae. Pero..." nagtakip bigbig ako

"Pero??? Ano wala kang masabi... Magsalita ka at ako'y makikinig. Sa pagkakaibigan, hindi dapat nagsisinungaling at kalian man ay walang itatagong lihim" sumbat niya akin

Wala akong maisagot dahil isa itong lihim na di pwedeng ibunyag sa mga tao.

"Wala? Sinungaling. Kahit kalian ay di ako magmamahal ng isang tulad mo" Sinisigaw niya habang siya'y umaalis ng aking tahanan.

Nang pauwi siya sa bayan. Nahuli siya ng guardia sibil. Tinanong siya kung anong ginawa niya sa isang gubat na tinitirahan ng mga engkanto. Ayon sa kanilang paniniwala, ang ganyang mga akto ay pinaniniwalaang labag sa mga turo ng relihiyong katoliko. Nagkalat sa buong bayan ang balita na si Antonio raw ang taong nakikipagsabwatan sa mga demonyo. 

Aking KaibiganWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu