Part 7

4 0 0
                                    


Sa kanyang pamumuno, kasama niya ang buong bayan sa may kagubatan papunta sa aking bahay. May dala silang mga sulo, mga itak, at mga pari. Dahil ilang beses nang dumadalaw si Antonio sa aking tahanan, alam niya ang pasikot-sikot ng mga daanan rito. Pero sa kanyang paglalakbay napansin niyang kakaiba ang kanilang dinadaanan. Ang dating maliit na pananiman na ginawa niya ay biglaang nawala at iba pa. Pagpunta nila sa eksatong pinagtatayuan ng aking tahanan, wala silang nakita ng isang bahid ng bahay. Isang walang katapusang na kagubatan ang kanilang nilalakbay.

Madaling araw na at pagod na ang lahat, napagtanto na ni Antonio na di na niya ko makikita sa kagubatan, hinatak ni Antonio ang dalawang kapatid at tumakbo na papalayo sa mga guardia sibil at sa prayle. Iniwan ni Antonio ang kanyang ina at ama, iniwan ang huling mga salitang "patawad" sa kanila. Sa galit ng pagod na mga guardia at mga prayle, tumakbo ang ilang mga guardia sa kagubatan para habulin sina Antonio, ang iba naman ay bumunot ng kutsilyo. Pinaluhod ang kanyang ina at ama. Nilaslas ang kanilang mga leeg na parang nangangatay. Rinig mo ang masakit na sigaw ng mga ito, at nagkalat ang kanilang mga dugo sa kalupaan. Sa huling paglingon ni Antonio nakita niya ang mga pugot na ulo ang kanyang mga magulang. Napaluha nalang siya at nagpatuloy sa kanyang pagtakbo.

Ilang minuto na silang tumaktakbo. Ang kanyang kapatid ay pagod na pagod na. Pero ang distansya ng mga ito sa mga humahabol sa kanila ay sobrang lapit lamang. Nakatapak ng ahas ang isang kapatid ni Antonio at tinuklaw ito, napatili sa sakit at nahuli sila ng mga tanod. Di na siya makagalaw at ang pagbuhat sa kanya ay nakakadagdag lang ng oras. Di na siya nagaksaya ng oras pa sa taong mamatay rin sa lason ng ahas, kaya tumakbo nalang ito palayo. "Kuya!? Kuya!? Wag mo kong iiwan" habang umiiyak ang huling mga salita ng kanyang kapatid. Kumuha ng itak ang ilang guardia at initak ang kapatid na naiwan. Rinig sa buong kagubatan ang kanyang pagsigaw.

Dalawa nalang silang natira, si Antonio at ang isa pa niyang kapatid. Hawak-hawak ni Antonio ang kanyang kapatid sa kanyang mga kamay. Pero sa di inaasahang pangyayari, sa bilis ng kanyang takbo, di niya namalayang hindi na pala niya kasama ang kanyang kapatid at sila'y nagkahiwalay na. Kita sa mata niya ang lungkot, pagsisisi, at takot, hinahanap-hanap siya... Sumigaw nalang siya "Maria!? Este Juan!? Patawad sa aking nagawa. Ako nalang ang iyong parusahan". Di ako sumagot at kanino-kaninong diyos na siyang nagdadasal humihingi ng tulong at humihingi ng kapatawaran. Hangang sa may narinig siyang oso, nagtago siya sa may damuhan at nakita niya ang kanyang kapatid na kinakain ng oso. Napaluha na lamang siya.

Ilang minuto na lamang ay maguumaga na at sisikat na ang araw, wala na ang mga guardiang humahabol sa kanya. Di na mapinta ang kanyang mukha. Sa misteryo ng kagubatan na ito, bumalik lamang siya sa lugar kung saan pinugutan ng ulo ang kanyang mga magulang. Naroon pa rin ang mga natuyong dugo at naiwan ang kanilang mga malamig na katawan – wala ang ulo. Nakita niya kong pinagpye-pyestahan ang kanilang mga bangkay. Kinuha ko ang kanilang mga puso at ilang mga lamang loob at pinasok sa aking bunganga.

"Kamusta ka, Antonio? Tagal nating di nagkita. Tara, samahan mo ko kumain"

Inagaw niya ang kamay ng kanyang ina at sinabing,

"Hayop ka!? Bakit mo dinamay ang buong pamilya ko?"

"Di ko sila dinamay. Bawal ako pumatay ng innosenteng tao. Labag yun sa mga batas na binigay sa akin. Ang kaya ko lang ay manipulahin ang kagubatang ito at hayaang patayin ng mga gwardia ang buong pamilya mo. Ang paglabag mo sa pangako mo sa akin noon ang dahilan nang kanilang kamatayan. Kasalanan mo." pagsumbat ko sa kanya.

"Ginoong Antonio, sa paglabag sa iyong pangako na itago ang lihim tungkol sa mga nilalang na tulad ko, Malaya na ako ngayong patayin at kainin ka," pagbabanta ko pa.

"Pero ginawa ko yun dahil kailangan ko protektahan ang aking sarili at pamilya. Naniniwala din ako na kaya mo namang manlaban, tumakbo at mag tayo ng panibagong tirahan dahil isa kang aswang" katuwiran niya.

"Ano man ang iyong dahilan. Ang paglabag sa pangako ay isa paring paglabag na may nararapat na parusa. O kay tagal ko tong hinintay."

Kinuha ko ang mukha niya at kinagat ko siya sa leeg. Hinatak ang kanyang mga ugat sa leeg at aking kinain. Kay sarap kumain ng gwapong tao. Mahinhin, masarap at galit sa diyos. Magsasama na sila ng kanyang pamilya sa impyerno.

Kinabukasan, dumalaw ako sa bayan. Ang mga ulo ng buong pamilya ni Antonio ay nakasabit sa isang puno sa may bayan, kasama nilang nakapaskil ay ang sulat na "Pamilya ng erehe, Wag tularan." 

Aking KaibiganWhere stories live. Discover now