Part 2

22 0 0
                                    


Natunton di naming ang aking tirahan kung saan malayo sa bayan at iniiwasan ng mga tao. Ayon sa mga kuwento, ang kagubatan raw na ito ay pugad ng mga enkanto. Isa itong simpleng bahay kubo ngunit payapa dito. Tanaw mo rito ang magagandang mga bituin at buwan. Malamig ang simoy ng hangin. Sa aming pagdating, siya ay nakatulog.

Mataas na ang sikat ng araw nang ako'y magising sa ingay nang nagtataga ng mga kahoy. "Magandang umaga, binibini!" bungad ni Antonio sa akin. Kuyamangi ang kanyang balat, itim ang buhok, may kapayatan at medyo malamya kung gumalaw. Mahahalata mong lumaki sa medyo mayamang pamilya: Di sanay magbanat ng buto. "Paumanhin na akoý nakatulog pagdating natin sa iyong tirahan. Umupo ka diyan at pagseserbisyuhin kita bilang tanda ng aking pasasalamat". Nakakatawa siyang panoorin sapagkat madalas siyang pumapalpak at nakakabagsag ng aking mga plato. Kita mo ang kanyang pagiging malamya at inosente. Pero laging siyang humihingi ng tawad dahil aminado naman siyang di siya sanay sa mga ganitong gawain. May pera naman ang kanyang pamilya, kaya't nakakabayad siya ng falla at di obligadong mag trabaho sa bayan. Ang talento niya ay pagluluto, pakikipagkalakaran, simpleng pagsasaka at pagtututog ng paborito niyang instrumento.

Di ko alam ang aking gagawin sapagkat kailanman ay di pa ako nakipagkaibigan pero wala akong magawa kundi tumawa at ngumiti, na ni minsan ay di ko pa nararanasan. O ka'y init sa damdamin. Ito ba ang tinatawag nilang pagkakaibigan? Paano ko kaya mapapanatili ang masayang pakiramdam na ito? Kailangan ko bang tanggapin ang kanyang alok na siya'y aking magiging alipin? O Kailangan ba ako ang magsilbi sa kanya? kailangan ko ba ibigay ang lahat sa kanya? Yaan ang mga tanong tumatakbo sa aking isipan.

Habang siya'y naninirahan sa akin, gumawa siya ng maliit na pananiman, upang kami'y makakakain. Siya ang bahala sa pagaalaga ng pananim. Ako naman ang bahala sa pagaasikaso ng mga alagang hayop. Kay saya ng mga panahong magkasama kami. Sana kalianman ay di ito maglaho.

Isang araw, biglaang napatanong si Antonio sa akin,

"Totoo ba na isa kang aswang? Bakit mukha kang Espanyol?"

Natahimik lamang ako sapagkat hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang mga detalye. Kahit naman na isa akong aswang ay mga batas akong dapat sundin. Ayaw ko na basta na lamang mawala ang una kong kaibigan sa bayan na ito. Lahat naman ng tao ay may tinatagong lihim.

Nilabas ko ang aking mga pakpak at iniwasan ang paksa.

"Isa nga kong tunay na aswang pero pusong tao ako. Naniniwala ako dun. Wag kang matakot sa akin at di kita sasaktan. Isa lang naman ang hiling ko, ang magkaroon ng mabuting kaibigan.".

Aking KaibiganWhere stories live. Discover now