Part 4

6 0 0
                                    


Ilang buwan na ang lumipas at dumating na ang bagong heneral sa bayan. Isang lalaking kastila na laki sa espanya, lumaking mayaman at nagsilbi bilang isa sa mga sundalong lumaban sa tribo sa hilaga. Malaki ang kanyang paniniwala sa diyos, umabot pa sa pagkakataong naging sunod-sunuran siya ng simbahan. Sa kanyang panahon ay mas lalong naging matindi ang mga polo'y servicio sa bayan. Sa pagpapagawa ng simbahan, mga bise militar at mga tanim na pampalasang ibebenta sa bansang Espanya.

Isang araw, naramdaman kong papalapit si Antonio sa aking tahanan. Laking tuwa ko sapagkat babalikan niya ko. May dala siyang mga bulaklak at gitara. Ayaw kong makita ako ni Antonio ng ganito, kaya hangangat sa pinaka huling kapangyarihan ko ay sinubukan kong magmukhang normal. Pagpasok ni Antonio sa tahanan ko, nagtaka siya kung sino ang kanyang kausap. Nagulat siya na isa na kong matandang babae, kulobot ang balat, umuubo at iba pa. Malayong malayo sa dating Maria na kanyang nakilala.

"Sino ka?" sabi niya...

"Ako ito si Maria. Patawad kung ganito na mukha ng lola mo." Sagot ko ng pabiro

"Ganto talaga ang kalagayan ng mga tulad ko kapag nagiging masaya ang mga taong katulad mo pero ayos lang ito dahil ang kahilingan ko lang naman ay maging masaya at payapa ang mundo"

"Ayos ka lang ba, Maria?" tanong niya.

"Syempre naman."

Sa kasamaang palad biglaan akong nawalan ng malay. Pagising ko ay nakahiga na ako sa aking kama habang nililinisan ni Antonio ang aking katawan. Kita sa kanyang mukha ang lungkot sa aking kalagayan. Pero masaya ako sapagkat nagalala siya sa aking kalagayan.

"Gusto mo ba tumawag ako ng albularyo?" Tanong niya sa akin.

"Wag na. Nakalimutan mo na isa akong aswang? Ang ganyang mga ritwal ay mas lalo ko pang ikapapahamak," natatawang sagot ko sa kanya.

Umiyak sa lungkot si Antonio.

"Wag mo kong iiwan?"

"Syempre naman. Handa ako itong gawin para sa aking kaibigan. Ganito naman talaga ang mga pagkakaibigan diba? Handang saluhin lahat ng sakit para sa kaibigan."

"Hangga't may kasamaan sa puso ng tao. Kailanman ay di ako mamatay."

"Tandaan mo. Nagsasanhi lang ng mas malalang digmaan ang isang digmaan"

Sumapit na ang dilim at kailangan niya nang umalis. Bago siya umalis, ito ang mga huling salita ko sa kanya:

"Ikaw ang pinaka-una kong kaibigan sa bayan na ito. Kaya kahit na anong mangyari, sana wag mong kalimutan ang ating mga alaala. Tatanggapin ako kahit gaano pa kasama ang aking ginawa"

Kumaway ako at siya'y umalis na ng gabi na yoon. Iniwan ang kanyang mga dalang bulaklak sa aking paso, may pagkain sa aking lamesa at sulat ng pagpatawad.

Ang katawang kastila ko ay namatay na.

Aking KaibiganWhere stories live. Discover now