Part 8: Ending

6 0 0
                                    


Kay saya naman balik-balikan ang mga alaala ng aking ika-dalawampu't pitong biktima. Isang lalaking nagpahulog sa aking bitag. Sabi ko nga ako ay pusong tao: May damdamin, paniniwala, at batas na sinusunod. Bilang tao, di ako gagalaw para sa isang tao na walang interes. Bakit ba hindi sineseryoso ng mga tao ang mga pangakong kanilang binibitawan? Bakit ba kasi di nalang sila maniwala sa diyos, edi sana ay ligtas sila sa mga katulad ko? Ang mga matatalino ay mangangako sa mga taong alam naman nilang di kayang tuparin ito hanggang dulo para masunod ang kanilang mga harangin at motibo. Habang ang mga mahihina naman ay magpapaloko. Kahit ang pinakasimpleng pangako ay di matupad-tupad.

Sa uulitin. Ang pangalan ko ay Maria. Ay. Kathlene na pala ang ngalan ko ngayon. Isang bata at mukhang inosente. Ang mga pangalan na yaan ay gawa-gawa, depende sa aking kaanyuan. Kinakain ko ang mga negatibong emosyon ng tao:

Galit, lungkot, takot, selos at iba pa. Kasing tanda ko ang panahon at hangang ngayon ay buhay pa. Marami na ring nakakakita saakin... Hay!??

"LA..LA..LA..LA.." himig ko. Sino kaya ang susunod na biktima ko?

-The End-

Aking KaibiganWhere stories live. Discover now