Part 1

98 3 0
                                    

Malalim na ang gabi, akoý nasa kalooban ng isang kagubatan sa may Laguna, lumapit ako sa kaunting sinag ng liwanag na nanggagaling sa buwan at unti-unting nagpalit ng anyo – akoý nagkatawang tao, isang dalagang mistisang babaee na may onlandes na buhok, masasabing itsuraý tila Kastila ngunit pusong Pilipino. Ang pangalan ko nga pala ay Maria. Hindi ako isang tao. Ako ay isang misteryosong nilalang na nagkatawang tao dahil sa mga masasamang emosyon na nararamdaman ng tao – galit, lungkot, takot, selos at iba pa. Nilikha ako ng diyos upang kainin ang kanilang mga masasamang emosyon at nang di mapuno ng galit ang puso ng tao. Tulad ng karaniwang tao, mayroon akong mga batas at tungkulin dapat sundin: Una, hindi ako maaaring pumatay ng inosenteng tao. Ikalawa, Hindi ko maaaring sabihin kanino man ang lihim ng mga aswang. Ikatlo, Di ko maaaring gambalain ang sinumang naniniwala sa kanya. Ika-apat, Ang tungkulin ko lamang ay panatilihing balanse ang kasamaan at kabutihan sa puso ng tao. Ika-lima, dapat ako maging mabuting halimbawa sa pananampalataya sa diyos at paggawa ng kabutihang loob. Ika-anim, pinagkalooban ako ng abilidad na magpalit ng anyo upang matugunan ang aking mga tungkulin. Ika-pito, hindi ako isang tao, parte ako ng kalikasan. Nang dahil na rin sa ikatlong utos, hindi ako nakikita ng mga pangkaraniwang taong namamanpalataya sa Diyos. Dahil na nga rin sa walang nakakakikita sa akin, malaya akong nakakalabas-pasok ng Intramuros – nakikita ang kagandahang ugali ng mga Pilipino at mga pangyayari sa kapaligiran. Ngunit may isang bagay lang, ang dahilan kung bakit ko kailangan kong pumupunta sa bayan, kailangan kong makahanap ng isang taong makakakita sa akin at kailangan ko syang kaibiganin. Naniniwala ako na kahit na pinanganak ako nang dahil sa mga masasamang elementong dala ng tao; binigyan ako ng pusong tao – may damdamin, paniniwala at mga alituntuning dapat sundin.

Iyak ng mga kababaihan ang iyong maririnig sa gabing yoon sa bayan. Pinagutos kastilang heneral na babae na tipunin ang mga kalalakihang may edad labing-walong taon at pataas, upang isabak sa gyera laban sa mga tribo sa hilaga na siyang di pa nababasbasan ng relihiyong kristyanismo. Ang pagtanggi sa utos na ito ay papatawan na pasrusang kamatayan. Iyakan ng pamamaalam, takot ng mga kalalakihan at galit sa babaeng heneral ang nadama ng buong bayan. Isang lalaking tumatakbo papalayo sa bayan ang nagpunta sa kagubatan at siya'y nalunod sa lawa. Siya ay humingi ng saklolo para sa kanyang buhay. Gusto ko man siyang tulungan pero di ko magawa dahil di ko pwedeng gambalain ang sinumang naniniwala sa diyos tulad niya. Pero sa di inaasahang pangyayari, tumingin siya sa akin at muling humingi ng tulong. Nagulat ako sapagkat nakikita niya ko. Kagad kong nilabas ang aking mga pakpak upang tulungan siya.

"Salamat at ako'y iyong niligtas" sagot niya.

Napaluha ako sa tuwa sapagkat siya ang kauna-unahang taong sa bayan na nakakita at kumausap sa akin. Nang sa tingin ko'y ayos na siya, natanong ko na nga kung bakit sya tumatakbo paalis ng bayan.

Nang bumalik na ang buong kamalayan nya, napansin niyang di ako mukhang Pilipino. Di ko pwedeng sabihin sa kanya kung bakit ganito ang aking itsura. Kaya't ang sinagot ko ay:

"Isa akong kalahating Pilipino. Galit ako sa mga kastila sapagkat pinagsamantalahan lamang ng dating heneral ang aking kawawang ina. Iniwan ito ng may sakit at namatay," isang kasinungalingan.

Ang pangalan raw niya ay Antonio. Isang binatang lumaki sa bayan. Siya ay tumatakbo palayo para makatakas sa gera. Gusto pa raw niyang makasama ang kanyang magulang at mga kapatid. Pinatay ng mga kastila ang kanyang nobya sa paghinalang isa itong erehe kaya ayaw niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa taong nagpahirap sa kanya at galit rin siya sa simbahan dahil sa pagpatay sa kanya nobya para sa kasalanang di naman nito ginawa. Gusto niya magtago habang nagaganap ang gyera sapagkat kapag siya'y bumalik ng biglaan sa bayan – siya ay tutugisin at papatayin sa pagtalikod sa kautusan ng mga kastila.

"Papatirahin kita sa aking tahanan hanggang matapos ang gyera pero kailangan mong mangako. Makikipagkaibigan ka sakin at kailanman ay di mo pagsasabi na isa akong aswang bilang kapalit," ang sabi ko kay Antonio.

"Aswang???" takot na tanong niya...

"Wag ka magalala. Ako'y pusong tao rin tulad nyo. Sana di nalang kita iniligtas at kinain ko na lang ang malamig mong bangkay" sagot ko, pero biglaan lumabas sa bibig ko ang mga mahinahong salita ang mga ito, "Sana protektahan mo ko at pagtatapos ng gyera ito ay dalawin mo pa rin ako paminsan bilang iyong kaibigan"

Sa kanyang pagiging desperado, tinaggap niya angaking mga hinihiling. Bilang tanda ng aming pagkakaibigan kinagat ko siya perokaagad din naman itong naghilom dahil sa aking kapangyarihan at lumipad na kamipalayo sa bayan. 

Aking KaibiganWhere stories live. Discover now