Part 3

8 0 0
                                    

Ilang buwan na ang nagkalipas at bumalik ako sa bayan. Masama raw ang kalagayan ng pakikipaglaban ng mga espanyol sa hilaga. Ayon sa usapan sa bayan, maraming mga kalalakihan ang namatay at kasama na rito ang babaeng heneral. Kaya't kahit ang mga di kasama sa gyera tulad ng mga ilang kakababaihan, mga may sakit, kapansanan at mga matatanda, at maging mga nagbayad ng Falla upang di makasama sa digmaan ay sapilitang isinabak na sa gyera. Kaagad ko sinabi kay Antonio ang masamang balita. Kita sa kanyang mga mata ang pagaalala at takot. Nagaalala siya sa kanyang tatay na retiro na at mga kapatid na babae. Bilang kaibigan ay inalok ko na rin siya ng tulong.

"Tara pumunta sa Hilaga at ipakita sa mga tribo ang kahalagahan ng relihiyong katolisismo." Alok ko sa kanya at alinsunod sa utos sa akin ng Diyos.

"paano natin gagawin yun" sagot niya.

"Ang pananampalataya sa diyos ay nagbibigay proteksyon sa mga masasamang elemento, tulad ko. Kung ipapakita ko ang aking sarili sa mga tribo matatakot sila sa akin at makikita ang kahalagahan ng sibilisadong paniniwala"

"Papatay ka ba ng tao?" tanong niya.

"Wag ka magalala. Pusong tao ako. Di ako kakain ng mga taong katulad ninyo. Tatakutin lang natin sila. Tama ba?" postibong sagot ko.

Pagtalikod ko, bigla kong naramdaman ang aking pagalala. Ang sadyang pagpapakita sa mga tao ay kakain ng napakaraming enerhiya sa aking kapangyarihan. At ang mga ritwal na magpapataboy saakin ay pawang napakasakit sa aking pangangatawan. Marami pa naman akong naipon na kapangyarihan dahil sa nagkalat na takot, galit, lungkot ng mga tao sa bayan. Pero unting-unti nang nababawasan ang buhok at pagtanda ng aking balat dahil sa positibong pakikipagsimpatya ng mga tao sa pagkamatay ng babaeng heneral. Pero wala akong pakeelam sapagkat gagawin ko ang lahat para sa aking kaibigan. Ang kaunting sakripisyo para sa kaibigan ay di naman gaano kasama. Ganito naman talaga ang pagkakaibigan diba?

Gyera ang inabot namin sa mga kabundukan sa hilaga. Mga sunog ng palaso, himlayan ng mga mandirigma ng parehong pwersa at mga prayleng nagdadasal sa panginoon. Kita mo rito ang mga sunog na simbahan, base militar, at mga barangay. Mga nagkalat na bangkay at sugatan sa paligid. Di kaaya-ayang tanawin kapag may gera. Tulad ng napagplanuhan, bigla akong lalabas sa eksena sa anyong may pakpak at tatakutin ang parehong pwersa. Kita sa mga mata ng mga madirigma ng mga kastila at mga tribo ang takot na maari ko silang mapaslang. Masakit sa aaking damdamin ang makita silang matakot dahil gusto ko lang maging payapa at magkaroon ng kaibigan. Pero dahil kaibigan ko si Antonio ay tutulungan ko siya at tutuparin ang kanyang mga kahilingan. Tinukso ko ang mga tribo na lumapit sa mga prayle. Habang ang mga prayle naman ay nagdadasal upang itaboy ako palayo sa laban. O kay sakit ng aking katawan dahil sa kanilang mga orasyon pero ayos lang, ito ay upang maging payapa ang kalooban ni Antonio. Hanggang sa lahat ng mga mandidirigma ng tribo ay nasa panig na ng kastila, tumakbo ana ko palayo tulad nang napagusapan namin ni Antonio. Nakita ng tribo ang kahalagahan ng Diyos. Nagtagumpay ang mga kastila laban sa mga tribo. Sinakop ng mga kastila ang kanilang mga lupain at naging katoliko ang tribo. Ang di ko lamang nagustuhan ay nakikita kong sinunog ng mga kastila ang isang tribo maging mga mamayanan nito dahil sa pagtanggi na magpalit ng relihiyon. Pagsunog ng kanilang mga rebulto, mga libro at sining dahil sa gawa raw ito ng mga demonyo. Sapilitang pagtrabaho at pagalipin sa kanila ng mga kastila. Pagkasira ng kanilang kultura at kalaayaan ang kaparusahan sa kanilang pagkatalo sa gera.

Nagbalik ang mga mandirigma sa kamaynilaan. Tunog ng kasiyahan ang maririnig sa bayan. Ang mga mandirigmang nahiwalay sa pamilya ng ilang buwan ay nagsibalik na. Mukha ng tagumpay ang makikita sa muka ng mga Espanyol at maging sa mukha ni Antonio. Pinalaya ko na si Antonio dahil tapos na ang gera.

Paglabas niya ay nakaramdam ako ng matinding sakit sa damdamin sapagkat maaaring di na siya bumalik pa at nagsimula na ko maghina... Dahil sa kakulangan ng mga masasamang emosyon sa bayan, ang pinanggalingan ko ng lakas ay nawawala na. Ang dating bayan na puno ng galit, lungkot, selos at takot ay napalitan ng tuwa, saya at pagdiriwang. Kahit na alam kong maaring magsanhi ng aking paghina ang pagtulong ko sa pagkapanalo ng gera, masaya ako basta masaya ang aking kaibigan. Ganito naman talaga ang isang kaibigan diba?

Aking KaibiganWhere stories live. Discover now