It's already 9pm in the evening. Inaantok na rin ako kaya habang nasa byahe kami ng sinasakyan namin ngayon ay nakapikit ang mga mata ko. Hindi naman malayo ang resort na pupuntahan namin pero nagawa ko pa ring umidlip. Naramdaman kong hinawakan ni Aldrich ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya at pagkatapos 'non ay mahimbing na akong natutulog.

Kinabukasan ay nagising na lamang ako dahil sa sikat ng araw malapit sa bintana dito sa loob ng k-kwarto. Wait! Paano ako napunta dito? Hindi ko akalain na magigising na lang akong nasa loob na ng kwartong ito.

Bumangon ako para tignan ang buong paligid nang masilayan ko ang mukha ng taong nag mamay ari ng puso ko. Naka upo siya sa isang upuan habang nag aayos ng mga gamit niya. Napansin niyang gising na ako kaya lumingon siya sa kinaroroonan ko.

"Bakit hindi mo ako ginising ka gabi? Huwag mong sabihin na binuhat mo ako habang tulog patungo dito sa kwarto? Ang bigat ko pa naman," lumapit muna siya sa'kin at umupo sa tabi ko.

"Sinong nag sabing ako ang nagbuhat sayo?" seryoso nitong sagot kaya napanganga ako at gulat na tumingin sa kaniya.

"H-huwag mong sabihin pinabuhat mo ako sa iba? Hoy Aldrich! Ang sa—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang yakapin niya ako bigla.

"Biro lang, syempre ako ang nag buhat sayo. Ayaw kong may ibang makakahawak sayo kaya bakit kita ipapabuhat sa iba?" sinampal ko siya sa kaniyang dibdib dahil sa ginawa niyang biro. Nakakainis kasi naisahan niya ako, hindi ko man lang naisip na nagbibiro lang siya.

"Sana ginising mo na lang ako, umidlip lang naman talaga ako sasakyan e." usal ko at inis siyang tinignan.

"Bakit ko 'yon gagawin? Mahimbing kang natutulog at ayaw kitang abalahin kaya naisip kong buhatin ka na lang. Ayaw mo 'non? May experience na ako sa pagbuhat sayo bago tayo ikasal pero tulog ka nga lang." natatawa nitong sambit. Bigla akong nakaramdam ng kilig nang banggitin niya ang salitang kasal. Ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang gustong pakasalan ng taong gusto mo ring pakasalan.

"Pakakasalan mo ako?" malambing kong tanong. Matamis naman itong ngumiti sa akin at inayos ang mga buhok ko na nakakalat sa aking mukha.

"Oo naman, wala na akong ibang ihaharap sa altar kundi ikaw lang." he whispered. Namumula na naman ang mga pisnge ko dahil sa nararamdaman kong kilig.

"Oo na, sige na, tama na ang pagpapakilig sa akin baka hindi ko na kayanin. Maliligo muna ako pero teka muna, saan tayo kakain?" kuryos kong tanong. Tumayo na muna ako para kunin ang tuwalya sa maleta ko para makaligo na.

"May maghahatid sa atin ng pagkain kaya hintayin na lang muna natin." napatango ako sa kaniyang sagot.

"Okay, ligo muna ako." pag papaalam ko bago pumasok sa loob ng shower room.

I almost done taking a bath when our breakfast was already delivered in our room. 5 minutes ang lumipas bago ako lumabas at nakalimotan kong magdala ng susuotin ko kaya nakatapis lang ako ng tuwalya nang lumabas ako sa shower room.

Nagulat ng konti si Aldrich nang makita ako kasi ito ang unang beses nang makita niya akong nakabalot lang ng tuwalya sa katawan. Wala siyang imik habang nakatingin sa akin samantalang nagmamadali ako sa paghahanap ng susuotin ko.

"I forget my clothes to wear so please wait for a minute, magbibihis lang ako." sambit ko bago pumasok ulit sa loob ng shower room na dala ang susuotin kong damit at short.

Pagkatapos kong magbihis at magsuklay ng buhok ay lumabas na ako para makakain na kami ng breakfast. Sea foods ang nakahain sa mesa namin kaya nakakatakam tuloy kasi ilang linggo rin akong hindi nakakain nito.

"You like these foods? O may gusto ka pa?" umiling ako bilang tugon sa huli niyang tanong.

"Wala na akong ibang gusto kundi ikaw lang—I mean, sapat na sa akin ang mga nakahain dito, tulad mo, sapat ka na sa'kin." sagot ko sabay kindat sa kaniya. Ang saya naman ng umaga ko, puro pagmamahal 'yung nararamdaman ko.

"I love you," he whispered. Napa angat ako ng tingin nang marinig ko ang tatlong salitang binitawan niya. Mas naging malawak ang matamis kong ngiti.

"Mahal din kita," tugon ko. Hindi mawala wala ang ngiting nakabalot sa mga labi ko.

I love you always and in our life time Aldrich.

"Parang ayaw ko na tuloy kumain, busog na ako sa pagmamahal mo e," wika nito.

"Kumain na nga tayo baka kasi lalanggamin na itong mga pagkain natin," natatawa kong sambit sabay subo ng isang kutsarang kanin na may sabaw ng seashells.

Nagbihis ulit ako sa loob ng shower room pagkatapos naming kumain kasi kailangan kong suotin ang one piece na dala ko dahil malapit na kaming e tour ng mga mag totour sa amin ngayong araw.

First day Inland tour are in 8 places. Parang nakakapagod ito mamaya pag uwi namin, baka makatulog na naman ako agad at hindi na namamalayan ang nangyayari.

"Ready?" excited na tanong ni Aldrich sa'kin. I nodded at him and hold his hand tightly.

"I'm ready," I gulped.

Maglalakad na sana ako pero nagtataka ako nang mapansin kong nakatayo lang si Aldrich habang titig na titig sa akin.

"May problema ba? May nakalimotan ka?" nagtataka kong tanong pero hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya.

"Your eyes are the sky, your lips are my sea and your body is the land where I want to live. Be with me forever," he uttered and slowly knelt his knees on the floor, "Will you be my girl?" he added.

May inilabas siyang isang malapad na box at nang buksan niya ito ay lumantad sa'kin ang isang kwintas na may nakaukit...

My love

I slowly read.

Is he courting me? Or asking me to be his official girlfriend?

O no, I'm not ready for this moment.

My heart beat was beating so fast.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now