Pangapatnapu't-anim.

764 55 27
                                    

Pangapatnapu't-anim.

/Bebang's/

Nang makauwi kami agad akong dumiretso sa taas para magpahinga na. Ang sakit ng katawan ko. Kaloka 'yong takbo namin today palayo sa mga lefters.

"Thank you for the cover Bella."

Nilingon ko si Dos.

"Walang problema."

"Pahinga ka na."

"Ikaw rin."

Tinapik nito ang balikat ko bago kami maghiwalay sa hagdan.

Nagiinat ako habang binubuksan ang pinto ng magulat ako sa nadatnan ko.

Si Michael na tulog sa kama ko. Topless pa at mukhang payapa.

Anong ginagawa nito dito?

Ahh, syempre ano pa ba!

Sinarado at nilocked ko ang pinto habang naghuhubad ng damit at pantalon.

Nang underwear na lang ang suot ko tinanggal ko ang kumot ko na nakakumot sa kanya, akala ko pati pang ibaba wala siyang suot pero may suot pa itong jeans.

Sumampa ako sa kama at umupo sa tiyan niya. Yumuko din ako para bigyan ito ng magaang halik sa labi.

Hinaplos ko ang dibdib niya habang hinahalikan ito sa pisngi pababa hanggang leeg.

Pero nagulat ako ng itulak nito ang mukha ko.

"What the fuck?" Tanong nito sa paos na boses.

Nagtataka itong nakatingin sa akin, halatang nagulat mula sa pagkakatulog.

Napatingin pa 'to sa paligid tapos mayamaya napapikit.

"Oy oy oy oy." React ko ng hilain nito ang ulo ko pababa sa dibdib niya.

"You're home." Bulong nito.

Hindi ko alam pero may something sa boses niya na nagpalakas sa tibok ng puso ko.

"Hindi joke lang 'to." Pagbibiro ko para pagtakpan ang nararamdaman ko.

"Tss."

Napabangon ang ulo ko ng hilain nito ang kumot na inalis ko kanina at kumutan ako at binalik na naman sa pagkakahiga ang ulo ko.

"Tulog ka na. Hindi ka ba napagod anong oras na ngayon lang kayo umuwi. Bakit kasi sumasama ka pa sa mga 'yon." Napapikit ako. Bakit siya ganito?

"Kailangan nila ako para tingnan ang likod nila."

"Are they weaklings to have you as their cover?" Napadilat ako.

"No, but we're used to it."

"Tss tulog ka na nga."

"Eh ikaw bakit nandito ka? 'Wag mo sabihin na papatulugin mo lang ako."

Tinaas ko ulit ang ulo ko at itinukod ang baba ko sa mga kamay ko na nakalapat sa dibdib nito.

Nagkatinginan kami. Tinaasan ko ito ng kilay. Tiningnan niya lang ako ng seryoso. May something rin sa tingin niya ngayon na nagpadagdag sa paglakas ng tibok ng puso ko.

Kaya naman inabot ko na lang ang labi nito para halikan pero tinulak niya na naman ako sa mukha ng mahina.

"Aray." Reklamo ko kahit di naman masakit.

Left (Season 4): Fear.Where stories live. Discover now