Pangapatnapu't-isa.

1.4K 79 25
                                    

Pangapatnapu't-isa.

//Rodmar's//

Nasa fourth floor kami ni Sehun. Sa kwarto namin ni Michael. Inutusan kasi ako ni Kat na kuhain ang katana niya sa ilalim ng kama ni Michael kasama ang baril na doon niya inilagay. She forgot to get it at ngayong naalala niya kukuhain niya sana. But I volunteer to get it lalo pa at pupuntahan ko rin sila Louie at Blake na sana bati na para sabihin na dinner na. Isasabay ko na rin na ilagay ang katana ni Kat sa kwarto nila bago katukin sila Blake na ka-floor na nila.

"Is that a scream?" Sehun asked.

This guy is always bored. Kung kani-kanino sumasama sa amin kapag may bigla kaming pupuntahan. Well I like his company. We always talk.

Pinakikinggan ko ang narinig nitong sigaw pero wala naman na akong narinig.

"Wala naman." I said at kinuha na ang katana at baril.

"That's the second scream I heard. It's a scream of a girl." Sehun said.

"Tara baka sa labas." Inaya ko na ito lumabas. Agad akong naghanap ng tao. Baka 'yon ang sumisigaw na narinig ni Sehun. Pero nanlaki ang mata ko ng may makita nga! At naramdaman ko ang galit ng undayan ng suntok ng isang lalaki ang isang babae na nakahiga sa lapag. Habang ang isang lalaki ay hila ang isang paa ng babae. What the fuck are they doing hurting a girl?!

"Shibal!" Sigaw ni Sehun na hindi ko naman naintindihan. "Louie noona!"

Nanlaki lalo ang mata ko ng makilala na si Louie pala ang babae na pinagtulungan ng dalawang lalaki! Nasaan si Blake?!

Tinakbo ko ang pagitan namin lalo na ng makitang hinihila nila si Louie papasok sa isang kwarto.

Hinugot ko ang katana sa lagayan at mas binilisan ang takbo. Rinig ang malalakas na yabag ng mga paa kong tumatakbo kaya agad napatingin ang dalawa sa akin pero ang isa agad nabitawan ang paa ni Louie at pumasok sa kwarto, 'yong isa naestatwa at ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para hatawin ito ng katana na dumaplis lang sa braso nito. Dumugo iyon ng grabe kahit daplis lang dahil sa talim ng katana at agad tumulo ang dugo pababa sa kamao nito na naalala kong sinuntok si Louie. Kaya hahatawin ko sana ulit ito pero agad tumakbo. Iyong lalaki naman na pumasok sa kwarto agad nagsara ng pinto buti nahila na ni Sehun si Louie paalis sa pinto, dahil naipasok na ang paa nito paloob sa kwarto, kung hindi naipit ito sa mabilis na pagsarado ng lalaki sa pinto.

"Open this damn door!" Kinalabog ko ang pinto lalo na ng pihitin ko ang doorknob at nalamang lock na iyon.

"Balikan na lang natin sila! We need to give Louie to Blake." Sehun said.

Kaya ibinalik ko ang katana sa lagayan at tiningnan si Louie. Napapikit ako ng makitang punit ang damit nito. Kita na ang panloob nito. Buti naghubad si Sehun ng t-shirt at nagtulungan kami na isuot ito sa kanya.

Agad kong ibinigay kay Sehun ang katana at baril ni Kat. At agad na binuhat si Louie.

"Let's go!" Aya ko dito.

Mabilis kami bumaba ng hagdan at tinungo ang kwarto nila Louie pero hindi na kailangan. Nasalubong namin ang bagong gising na si Blake pagkababa pa lang sa second floor. Nanlaki ang mga mata nito ng makita kung sino ang buhat ko.

Left (Season 4): Fear.Where stories live. Discover now