Pangdalawampu't-dalawa.

965 82 22
                                    

Pangdalawampu't-dalawa.

//Rona's//

"Bakit kasama na naman natin siya?" Hindi ko mapigilang tanong ng makita si Kat na kasama na naman namin sa lamesa ngayong hapunan. Kaninang tanghali din kasama namin. Kaya imbes babawi sana ako sa pagkain binilisan ko na lang.

Why is she here? Why is she acting like she never broke our heart with all the words she uttered.

Napatingin si Kat sa akin, naramdaman ko naman ang paghawak ni Jeremy sa kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Upo na." Sabi niya. Kaya umupo na ako.

Tulad kaninang tanghalian tahimik na naman kami. Ang mga nagsasalita lang si Rodmar at Sehun. Si Louie rin nakikipagusap kapag tinanong at ang nakakainis pa she's talking to Kat too!

Nakalimutan niya na ba? She seems okay with Kat joining us!

Napailing na lang ako at binilisan ulit kumain. Nang matapos agad akong tumayo at lumabas ng kusina. Dumiretso ako sa second floor at naghintay sa tapat ng kwarto nila Louie. I need to talk to her!

Hindi nagtagal nakita ko ang parating na si Jeremy palapit sa akin.

"You okay?" Tanong niya ng makalapit sa akin.

Tumango ako.

"Hindi ko lang siya feel makasama."

"I think she's trying to reach out."

I snorted.

"Don't try to be funny she's not trying to reach out! Hindi nga nagsasalita!"

"Narinig ko siya kaninang umaga na tinawag ka. But when you didn't answer maybe she thinks that you still need time."

"I don't think so! Ano kaya nakain niya? At isa pa 'to si Louie!" And speaking of nakita kong parating na sila Louie at Blake.

"Ron bakit?" Tanong ni Louie ng makalapit sa akin.

"I hope you're not forgetting what she did." Diretso kong sabi sa kanya.

"Ron I know. Pero nakapagusap na kami ni Kat."

Nagulat ako.

"When?"

"Kahapon."

"And by the looks of it, it turned out okay. She's with us samantalang noong nakaraan never natin siya nakita."

"Yeah, I chose to forgive."

"That fast?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Nakalimutan mo na ba ayaw niya na tayo maging kaibigan and she pushed you!"

"I know those things Ron, pero mas gusto ko na lang na payapa kami ni Blake while grieving."

"I can't believe you!"

Naiinis na nilagpasan ko sila. Dumiretso ako sa kwarto namin at umupo sa kama.

Hindi ako makapaniwala na agad-agad niya napatawad si Kat! Pagkatapos ng masasakit na salita na binato niya sa amin. Pagkatapos siya itulak kaya nawala 'yong baby nila ni Blake. Tapos biglang okay na kasi nakapagusap na sila?

Left (Season 4): Fear.On viuen les histories. Descobreix ara