Panglabing-lima.

901 83 15
                                    

Panglabing-lima.

//Kat's//

Nagising ako sa panibagong araw. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Wala akong ginawa kahapon, natulog at umiyak lang ako. Hindi rin ako bumaba para kumain kahit na alam ko na makakasama sa akin ang hindi kumain. Ayaw ko na makita sila sa ibaba.

"Good morning Kat! Hindi ka pala lumabas ng kwarto kahapon?"

Napairap ako ng marinig ko ang boses ni B. Aga aga kanya boses agad maririnig ko.

"Nagdala ng pagkain yung kaibigan mo dito."

Umupo ako sa kama at tiningnan ito. Itinuro niya ang dalawang tupperware sa isang tabi. Tulad ng tupperware na pinaglagyan ni Logan at Rodmar.

"Isang lunch at isang panghapunan. Pero malamang panis na yang mga yan!"

Tumayo ako at nilapitan ang mga baunan. Binuksan isa-isa. Muntik ako masuka sa baho kaya tinakpan ko agad. Sayang naman.

"Sayang malulungkot si Papa Logan kapag nalaman niyang hindi mo nakain 'yang mga pinadala niyang pagkain para sayo!"

Pinanlisikan ko siya ng mata ng marinig ko ang pangalan ni Logan. Tas ano daw? Papa?! Aba'y putangina! Tama pa ako na si Logan ang gusto niya!

"Chill!" Sabi nito at iniwan na ako sa kwarto.

Nakakainis talaga 'yong babaeng 'yon!

Naiinis na naligo agad ako para makababa at maitapon ang mga nasayang na pagkain.

Nang makalabas ng kwarto agad akong napatingin sa paligid kung nagkalat ba sila. So far hindi ko naman sila nakita hanggang makarating ako sa kusina.

Hindi humihingang binuksan ko ang tupperware at agad na tinapon ang napanis na pagkain sa tapunan ng pagkain dito sa kusina.

"Hindi ka kumain?"

Nanigas ako ng marinig ko ang boses na iyon. Naramdaman ko ring nanginig ang mga kamay ko.

"Hindi mo kinain pareho."

Oo nga pala siya pa pareho ang nagbigay nito.

Binilisan ko ang pagtatapon sa mga panis na pagkain at mabilis din na hinugasan iyong mga baunan.

"Kat." Malambing nitong tawag na nagpapikit sa akin. "Babe."

"Shut up." Mahina kong sabi at agad lumabas ng kusina.

"Babe eat first."

"Go away."

Nagmamadaling pumunta agad ako sa likuran ng bahay para magpakain na ng manok.

Pero natigilan ako ng makita sila Louie, Rona at Michael sa labas ng kulungan.

After what happened to the brawl cage ngayon ko na lang sila nakita ulit ng malapitan. Hindi tulad ng dumating sila na malayo sila sa akin. Agad na napababa sa tiyan ni Louie ang mga mata ko. Nanginig ako ng maalala ko ang sinabi ni Rodmar. Louie lost her baby.

Left (Season 4): Fear.Место, где живут истории. Откройте их для себя