Panganim.

1.4K 94 26
                                    

Panganim.


//Kat'//


"Calum."

"Kat?" Kita ko ang mangha sa mukha ni Calum ng makilala niya ako. "Seryoso ba to?"

Hinawakan niya ako sa kamay. Nang maramdaman niya sigurong totoo ako at nakikita niya talaga ngayon, ngumiti ito at niyakap ako.

Napangiti rin ako. Kahit naman kasi saglit na panahon lang kaming nagkasama dati bago sila makuha ng mga armadong lalaki na hindi na namin nakilala, may pinagsamahan din kami. Parehas kami ng paaralan na pinasukan at kami ang magkakasama bago sila kinuha.

"Kumusta? Sila Jeremy? Michael? Iyong ibang natira? May nakaligtas ba ng makuha kami ng araw na iyon?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Ayos lang sila," Mahina kong sagot sa sunod-sunod na tanong niya.

"Sila? Sinong sila? Ano sino mga natira? I saw in my very own eyes when my family murdered them, killed them with raining bullets. So who survive? Who got left? And why are you here? Are you alone? Fuck! I want answers!" Sunod-sunod na tanong niya na napabuntong-hininga na lang ako.

"I'm alone. Nahiwalay ako sa kanila." Tangi kong sagot sa sangkaterba niyang tanong.

"So my friends are fucking alive? Who?! Was it Michael? I know Jeremy is with you that day so I know he's still alive or is he?"

"Yes buhay pa silang dalawa." Sagot ko.

"Hah! I fucking knew it!" Sigaw nito at tumawa. "Masamang damo 'yong mga 'yon eh! Sino pa?"

"Kami na lang lima, kasama si Louie at Rona." Hindi ko alam pero may pait akong naramdaman sa pagbanggit sa mga pangalan nila.

"Kayo-kayo na lang din pala ang magkakasama."

"Oo at mga bagong kai-" Natigilan ako. "Kakilala." Gusto ko sana sabihin ang kaibigan ang kaso alam ko na hindi na nga pala kami magkakaibigan.

Tumango ito at ngumiti ng malaki.

"Marco needs to know about this."

Ikinagulat ko ang sinabi niya. He's still with Marco.

"Magkasama pa rin kayo?"

"Yup! Since the day we got caught by the fam up until we escape from them hanggang sa tinutuluyan namin ngayon. Sounds romantic right?" Ngising tanong nito.

Umiling lang ako hindi magawang ngumiti sa biro niya.

"Corny ba?" Nagtanong pa. Hindi na lang ako umimik.

"Naging cold ka." Sabi niya ng hindi man lang ako umimik. "Anong nangyari sa inyo? Sayo? Para maging ganyan ka?"

Hindi ko alam kung sasagot ba ako. Kung sasabihin lahat ng mga nangyari sa amin sa akin. Pero ayaw ko magsalita kaya mas pinili ko na lang na manahimik.

"I don't know what happened to you at kung bakit o paano ka nahiwalay sa kanila. But I won't dig more. Tara!"

Hinawakan ako nito sa kamay at hinila ng marahan palakad kung saan.

Left (Season 4): Fear.Where stories live. Discover now