Pangapatnapu't-dalawa.

1K 70 15
                                    

Pangapatnapu't-dalawa.

//Ron's//

Agad kong niyakap si Louie ng makita itong gising na at nakaupo sa ibabaw ng kama nila ni Blake.

Pagkagising at ng makapagayos para ngayong umaga, agad kaming pumunta ni Jeremy sa kwarto nila.

Buti na lang okay na ito!

"Pinagalala mo ako!" Sigaw ko.

"I'm okay now."

"Pinagalala mo kaming lahat!"

Hindi lumipas ang ilang minuto nandito na rin lahat ng mga nandito kagabi. Asking Louie if she's okay. She assured us that she's okay at wala namang siyang nararamdaman sa katawan niya na kakaiba maliban sa tiyan niya na masakit pero hindi na gaano.

"Please guys always be cautious sa paligid niyo. Laging mag-iingat lalo na 'yong mga tao dito halang ang kaluluwa." Paalala ni Louie.

Tumango tango ako. Nakakatakot!

Kailangan lagi kang may kasama! Dapat walang maiiwan na mag-isa.

"Thank you Rodmar and Sehun!" Louie said na tumayo para yakapin silang dalawa.

"Please take care Louie." Rodmar said.

"Kayo rin."

Nagulat na lang kami ng bigla itong umiyak. Naiyak din tuloy ako. Gosh!

"Grabe guys natakot talaga ako kahapon." Humihikbi na sabi nito pero nakangiti. Kita ang takot sa kanya. Kaya naman agad ko siyang niyakap. Alam ko naman na most of the time matapang siya but there are times na tapang-tapangan lang 'yon. Na mahina rin siya. She just take away all the fears she's feeling para magawa ang isang bagay.

"Kaya salamat talaga Rodmar and Sehun. Kaya ngayon kasama ko kayo dito."

"Don't cry Louie, we got you all. If I can guard you girls 24/7 I will!" Sehun said.

"Kaya officially si Sehun na ang bodyguard niyo." Si Michael na tumatawa.

"Okay lang." Payag ni Sehun. "I got scared when I saw Louie and thinking that it will happen to Rona and Kat is making me scared too."

"Hoy ano ka ba! 'Wag mo nga imaginin sakin 'yan!" Saway ko.

Natatakot ako. Just thinking that it will happen to me parang ayoko na lumabas ng kwarto namin ni Jeremy. Baka ako ang sunod na mapagtripan nila. Sigurado ako hindi ako makakalaban. Baka manigas na lang ako sa takot.

"Kaya nga babantayan ko pa kayo! Kahit na nandyan naman sila Jeremy sa tabi niyo."

"Thank you Sehun." Jeremy said.

Kaya naman napagkasunduan na dapat lagi kaming may kasama.

Nang matapos mag-usap bumaba na kami para tumulong sa gawain ngayong araw.

Si Blake nga ayaw pa sana na palabasin si Louie at gusto niyang pagpahingain muna pero nagpilit ito para pag nakita niya 'yong mga lalaking ginawan siya ng masama madali niya matuturo.

Left (Season 4): Fear.Where stories live. Discover now