Panglabing-pito

946 82 14
                                    

Panglabing-pito.

//Kat's//

"Pero mahal kita. Sapat na iyon para manatili ako sa tabi mo!" Sigaw ni Logan na umalingawngaw hindi lang sa buong palapag kundi sa buong pagkatao ko.

How can he love the mess that I am? Hindi niya na dapat ako mahal! I'm being too much. Even me I can't understand myself.

Hindi ko kinaya ang narinig ko sa kanya kaya sinaraduhan ko siya ng pinto. At sumandal padausdos sa likod nito habang pinipigil na umiyak ng malakas. Ayoko marinig niya ang pag-iyak ko.

Bakit ba kasi lumabas pa ako ng marinig ko ang tawa ni Bebang. I was thinking that Logan is outside para magbigay ng pagkain at dahil palabas siya she saw him and she's flirting with Logan and I'm right. And now I'm here crying, again.

Napatayo ako ng tumulak pabukas ang pinto. Thinking that it was Logan agad akong nagpunas ng luha. Pero ng makita ko si B nakahinga ako ng maluwag at muling tumulo ang luha ko. Wala akong pakialam kahit makita pa niya.

"Umalis na. Nag-away kayo?" Tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at tinungo ang kama ko at naupo. Inilapag ko rin ang baunan sa tabi ko.

"Lagi kang umiiyak, nagkukulong ka pa sa kwarto. Hindi makakabuti sa iyo 'yan."

"I'm okay."

"Aysus okay ba yan? E tangina kulang na lang humagulgol ka diyan!"

"Hindi ako okay! Ano?! Masaya ka na?!" Pagtataray ko sa kanya.

I think I need to find a new room. I want to be alone. Naiinis ako sa kanya!

"Hindi! Bakit ako sasaya? Ang babaw ko naman!" Pagtataray niya rin pabalik pero parang hindi siya nagtataray ang bait niya tingnan. Bakit ganon?! Maganda talaga siya!

"Pwede ba let me cry alone."

"Ano ba kasing problema?"

"Wala lang pake!"

"Sige na! Curious na kaya ako! Narinig ko sa baba na kaibigan mo 'yong mga bagong dumating pero bakit nandito ka? Bakit hindi ka sumasama sa kanila? Tas ngayon nag-away pa kayo ni Logan? Na sabi niya boyfriend mo siya. Si Logan na mabait na laging umaakyat dito para bigyan ka ng pagkain. So anong problema? Hmm let me guess? Ikaw ang problema te? Ang sama kaya ng ugali mo!"

Pinanlisikan ko siya ng mata!

"Wala kang alam!"

"Kaya nga nakikitsismis te! Para mabigyan kita ng words of wisdom! O sampalin kita ng katotohanan dali na!"

"Manahimik ka nga!"

"Sige na!" Pangungulit nito kaya nabuwisit na ako.

"Oo! Kaibigan ko sila!" Sigaw ko. "Pero hindi na ngayon. Kaya wala akong pake kahit nandito na rin sila! Oo boyfriend ko siya pero dati 'yon!"

"Bakit? Ano bang nangyari?"

"Logan took care of my brother but he lost him on his care, nakuha ang kapatid ko kaya nagalit ako sa kanya at nakipaghiwalay! And my friends are not helping the situation by siding on him! It's Logan's fault! Kung hindi niya kinuha si Jayjay kay Rodmar edi sana nandito pa siya!"

Left (Season 4): Fear.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon