Fourteen

77 6 0
                                    

CHAPTER 14

“Let me answer that for you. Hindi ka pa nakaka-move on.” wika ni Grace nang mapansin ang pananahimik ko.

Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong tingnan siya sa mata dahil baka mas lalo lang niyang makumpirma na totoo ang sinasabi niya.

“Two years din yon Grace,” mahinang sagot ko.

I was taking too long to answer dahil hindi ko maamin sa sarili ko na hindi pa nga ako tuluyang nakakalimot kay Troy. Hindi ko maamin na sa kabila ng lahat ng ginawa niya, may parte pa rin ng sarili ko na umaasa sa kanya. Can you blame me? I loved him for two years. Two years!

“Sinasabi ko na nga ba. How will you work things out between you and your baby’s father then? Kung hanggang ngayon si Troy pa rin ang laman niyan?” tinuro niya ang puso ko.

I returned my gaze to her. “Kakalimutan ko si Troy, Grace. Matatagalan, oo, pero kakalimutan ko siya.” sumpa ko.

“Paano kung bumalik siya at humingi ng tawad? Matatanggihan mo ba?”

Gusto kong sabihin sakanya na nagawa na nga ni Troy yon. Pero gaya ng sinabi ko, hindi ako tanga para balikan ang taong nanloko sa akin at pinagmukha akong tanga. A simple I’m sorry and I still love you won’t make me come running back to him. Hinding-hindi ko hahayaan na pumasok uli siya sa buhay ko. Ayokong wasakin na naman niya ako gayong binubuo ko palang ulit ang sarili ko.

“I could’ve given him a chance kung ginawa niya iyon matapos ko siyang mahuli na naglalaro ng apoy kasama ang bestfriend niya. Kaso anong ginawa niya? Sumama pa siya kay Kate sa party ni Lissa. Kaya hindi, hindi ko siya matatanggap kahit ilang tawad pa ang marinig ko galing sakanya.” umiling ako. I gritted my teeth.

Kung totoong mahal nga niya ako, bakit ngayon lang niya naisipan na humingi ng tawad sa akin? He had all the chances! Bakit pa niya pinaabot ng ganito katagal?

“I’m glad to hear that. Ayoko rin na bumalik ka pa sa gagong ‘yon.” She gave me a tight smile.

“Yon ang hindi mangyayari,” I assured her.

She nodded, satisfied with my answer.

“Ano nga ulit yong pangalan ng fiance mo?” pag-iiba niya ng usapan.

“Lukas Augustus Sebastian,” I smiled.

She raised a brow. “In fairness, ang manly ng pangalan ha. What’s he like? Mabait ba?” ipinatong niya ang kamay sa baba niya. I can feel the heavy atmosphere lifting. Nakahinga ako ng maluwag.

“Mabait? Oo. Not to mention that he’s really good-looking. And he takes care of me really well too. Pansin mo yung milk ko sa kusina? Chocolate flavor na yon, binilhan niya ako kasi naalala niyang ayaw ko sa lasa nong plain pero ayaw ko namang itapon kasi ayoko magsayang. I didn’t even expect that he would remember it or would even mind it. And one time, noong sinundo niya ako sa school, he offered to record the papers I was checking.” I paused when I remembered what happened when he took me home after that. I cleared my throat to shake away the scenes that is starting to play in my head. “At m-minsan din kapag nandito siya, tinutulungan niya akong gawin ang mga powerpoint presentations ko kasi ayaw niyang masyado akong nagpapagod. Sinasaway ko nga siya dahil alam ko namang busy din siya sa kompanya niya, still, he insisted. He’s also the sweetest. Palagi niyang kini-kiss ang tummy ko kapag umuuwi na siya and though I find it awkward at first, I got used to it. Natutuwa nga ako kasi para bang mas excited pa siya na makita ang baby kaysa sakin. Oh, did I mention that he sometimes talk to my tummy too?--”

I bit my lip to stop myself from talking when I saw Grace grinning from ear to ear. My cheeks immediately heated up when I realized that I talked too much. Tinatanong lang naman niya kung mabait ba si Luke pero kung saan-saan na napunta ang kuwento ko.

Gosh. Nakakahiya.

“Kung hindi ko lang alam, iisipin kong naka move-on ka na kay Troy. Bigla kang sumigla ng pag-usapan natin si Luke eh.” panunukso ni Grace na mas lalong nagpapula ng pisngi ko.

“H-hindi ah! Sumigla ka diyan!” nag-iwas ako ng tingin. Mas lalo lang siyang natawa.

Bakit ba kasi ang daldal ko? Damn it, Scarlett!

“Well, based from your story, mukhang mabait naman yang si Luke. Pero hinay-hinay lang ah? Baka sa sobrang tuwa mo sakanya, di mo namalayan na nahuhulog ka na pala.” she reminded me gently.

“Hindi mangyayari yon no. Nababaitan lang ako sakanya talaga.” kaagad na sagot ko.

Hindi ko na kailangan sabihin kay Grace na sa tuwing kasama ko si Luke ay nakakalimutan ko si Troy. Nakakalimutan ko ang sakit. Ayokong asarin na naman niya ako. Pero imposible namang nahuhulog na ako sakanya. Hello, kakaamin ko lang na I’m still not over Troy.

Pero bakit pumapayag kang makipaghalikan sakanya? Kontra ng matinong bahagi ng utak ko.

Pakiramdam ko nag-iinit na naman ang buong mukha ko. I don’t have the exact reason why I let him kiss me. Maybe because we were both attracted to each other physically? At saka mag-iinarte pa ba ako? Magkakaanak na nga kami. At saka gusto ko din naman.

“Well, pinapaalala ko lang naman. Don’t be so defensive.” natatawa niyang saad.

“Heh! Kailan ka ba uuwi sa inyo? Nawiwili ka na yata makitira dito.”

Dinampot ko ang throw pillow at saka hinampas ng mahina sakanya. Sinalo lang niya ito.

“Sus, kunyari ka pa. Gusto mo lang pumunta si Luke dito eh.” pang-aasar niya.

Pinandilatan ko siya ng mata. “Grace!”

She giggled.

“Don’t worry, aalis na ako bukas. Basta sa weekend ah? I’ll tell mommy na pupunta ka.”

Tango lang ang isinagot ko sakanya. Kinabahan na kaagad ako sa ideyang sasabihin ko na kay Tita at Tito ang lagay ko. I muttered a silent prayer. Sana magiging maayos ang kalalabasan ng pag-uusap namin.

One Night Mistake [ON HOLD]Where stories live. Discover now