Eleven

97 6 0
                                    

CHAPTER 11

I was already closing my classroom door when my phone vibrated. I fished it from my pocket. It was a text message from Luke. Medyo matatagalan daw siya kasi may inaayos pa siya pero sinabi niyang susunduin pa rin niya ako. I shrugged. Sa study area nalang siguro ako maghihintay, medyo malapit lang naman yon sa parking space kung saan kadalasan nagpa-park si Luke.

Kadalasang nakaupo dito sa outdoor study area ng university namin ay mga college students na hanggang gabi pa ang klase. Kaunti nalang ang mga highschoolers kasi dismissal time na. Umupo ako sa bench kung saan medyo malayo sa mga estudyante. Today’s actually the tenth day of Luke ‘courting’ me. Malapit nang matapos ang two weeks na sinasabi niya and up until now, I am still undecided. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung tatanggapin ko ang alok niya o hindi.

I decided to open the Viu app on my phone to watch some movies while waiting for Luke. Nitong mga nakaraang araw kasi gustong-gusto kong tingnan ang mukha ni Lee Jong Suk kaya mina-marathon ko lahat ng movies niya. Mukha lang din niya ang laman ng gallery ko. I don’t know pero ang sarap talagang tingnan ng mukha niya. He’s just too cute and handsome at the same time. Ang gwapo-gwapo niya ngumiti tapos ang sexy pa niya. Gusto ko nga boy si baby tapos kamukha niya hehehe.

I paused the movie when a text suddenly popped on my phone. Hindi na daw ako masusundo ni Luke kasi matatagalan siya sa kompanya pero pupuntahan naman daw niya ako sa bahay pagkatapos. I sighed and stood up. Nairita ako bigla. Sana pala hindi nalang niya ako pinaghintay.

I was still sulking when I got home. Natapos ko na lahat ng mga pwede kong gawin pero walang Luke na dumating. Nakapag-prepare na ako ng mga instructional materials para sa lecture ko bukas pero ni anino niya wala akong nakita. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Masyado naba akong nasanay na nakikita siya araw-araw?

I decided to wait for him in the living room. Nakasimangot ako habang nanonood nang W sa netflix at pinapapak ang isang bowl ng mango ice cream. Nakakakilig ang palabas pero hindi ko maramdaman kasi masyado akong distracted. Maya’t-maya kong tinitingnan ang cellphone ko, umaasa na may text si Luke pero nada. I stared at the wall clock and it says it’s already 9:30 pm. Pupunta pa ba siya dito? Okay, I know naman na busy siyang tao pero kasi sinabi niyang pupunta siya eh. I blinked when the corner of my eyes teared up. Naiirita na talaga ako sakanya. Kanina pa ako mukhang tanga na naghihintay sakanya na wala naman atang balak na tuparin ang sinabi niya.

I tossed my phone to the carpeted floor after checking it for the nth time and finding out that he still hasn’t messaged me.

“Eh kung ayaw niya edi wag!”

Kung hindi siya matutuloy dapat nagsabi man lang siya diba? Para hindi ako mukhang timang na naghihintay sa kanya dito. At saka bakit ba ganito ang reaksyon ko? Girlfriend ba ako? Asawa? Hindi naman ah!

Napasinghot ako. “I hate you, Lukas!”

Despite telling myself that I won’t wait for him anymore, I still jumped from the couch the second I heard the doorbell rang. Agad-agad akong pumunta sa pinto pero nahamig ko ang sarili ko. Bakit ba parang excited pa ako? Galit nga ako diba? Hmp. Masyado naman siyang swerte kong i-we-welcome ko siya with open arms matapos niya akong paghintayin ng ilang oras at hindi man lang nag-abalang i-update ako. I frowned before opening the door.

My frown turned into shock when I saw who’s standing outside.

“T-Troy?”

“H-Hi, can we talk?”

The disappointment I felt when I saw him instead of Luke is immeasurable. And the nerve of this guy to come to me after cheating on me with his bestfriend!

“Wala na tayong dapat pang pag-usapan.” I sneered and slammed the door pero pinigilan niya ito gamit ang kamay niya.

I glared at him. “Ano ba?!”

“Please, babe, I need you. Mag-usap tayo please. Ayusin natin ang lahat.”

Napanganga ako sa kakapalan ng mukha niya. After all those weeks that he had the chance to talk to me ngayon pa lang talaga siya pupunta dito? Bakit? Nag-away na ba sila ng kabit niya kaya sa akin naman siya kakapit?

“Wala na tayong aayusin Troy dahil ikaw mismo ang sumira sa relasyon natin! Now, get lost! I don’t want to see your cheating face!”

“Alam kung mahal mo pa rin ako Scarlett, at mahal pa rin kita! Let’s get back together. Magbabago na ako, I promise.” pagsususmamo niya.

I stared at him in disbelief. Ang kapal naman talaga ng mukha niya para sabihing mahal ko pa rin siya pagkatapos ng panggagago niya sa akin! Oo, naging parte siya ng buhay ko pero hindi ako ganoon katanga para magpadala na naman sa mga pambobola niya.

“Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security.” I said through gritted teeth.

Habang tumatagal na nakikita ko ang mukha niya mas nadadagdagan ang galit ko.

“No, papasukin mo ako at aayusin natin to.”

Nabigla ako nang tinulak niya ang pinto para makapasok siya. Itinulak ko siya para hindi niya magawa ang binabalak niya pero masyado siyang malakas.

“Umalis ka na!” I pushed him but he just won’t budge.

“Mag-uusap tayo!” nabigla ako nang sumigaw siya at hinawakan ang kamay ko na tumutulak sakanya palabas, sinubukan kong kumawala pero masyado siyang malakas.

“Bitawan mo nga ako!” pagpupumiglas ko.

“Wag ka nang magmatigas! Sa loob tayo mag-uusap!” sinubukan niyang hilahin ako sa loob pero nagpabigat ako. I dug my heels to the ground so he cannot bring me with him. I cannot trust him at this moment. Pakiramdam ko isa siyang demonyo na hinihila ako.

I’ve never known Troy to be this desperate.

“Nasasaktan ako! Let me go!”

Pakiramdam ko namumula na ang pulso ko sa higpit ng hawak niya. My hearbeat is booming in my chest loudly.

“I believe that is my fiance you’re harassing, man.”

A deep and commanding voice made Troy loosened his grip on me. Napalingon kaagad ako sa kung sino ang nagsalita and I’ve never felt more relieved seeing Luke. Agad akong tumakbo sakanya at saka yumakap. Thanks God he’s here!

His hands wrapped around my waist immediately.

“Sino ka naman?” maangas na tanong ni Troy.

Lumingon ako sakanya at nakita ko ang nagtataka niyang tingin sa kamay ni Luke na nasa bewang ko.

“I’m the fiance and I suppose you are the ex.” diniinan ni Luke ang pagbanggit sa huling salita. “Tapos na kayo kaya wala ka nang karapatan sakanya. I suggest you leave now before I break your face.” seryosong saad ni Luke. Ramdam ko ang gigil sa bawat salita niya.

Napunta ang tingin ni Troy sa akin. “Fiance? Wala pa ngang dalawang buwan nang mag break tayo nakahanap ka na agad ng iba? Akala ko ba matino ka? Eh puta ka naman pala.”

Everything happened so fast. Hindi ko namalayan na nawala si Luke sa tabi ko at sinugod na niya ng suntok si Troy. Napasigaw ako ng matumba si Troy habang nasa ibabaw niya si Luke at nakaamba ulit ang kamao.

“Luke, stop it!” tumakbo ako papunta sakanya at hinawakan ang kamao niya.

“The next time you call my girl that way, hindi ka na sisikatan ng araw.” Luke said harshly and let go of Troy’s collar. Umubo si Troy pagkatapos.

“Utang na loob, umalis ka na Troy!”

Tumayo si Troy at saka nagpalipat-lipat ang masamang tingin sa amin ni Luke.

“Hindi pa tayo tapos.” banta niya kay Luke at saka umalis.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Ang gulo ng araw na to.

One Night Mistake [ON HOLD]Where stories live. Discover now