Seven

103 11 5
                                    

CHAPTER 7

Narinig ko ang malakas na pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo habang nanatili akong tulala na nakaupo lang sa hospital bed. Pakiramdam ko namumula pati ang dulo ng buhok ko. Kung hindi pa siguro kumatok ang assistant ni Luke para ibigay ang pamalit nito ay ewan ko kung paano kami makakatakas sa napaka-awkward na sitwasyon na yon.

My gaze traveled down to my thigh. Ramdam ko pa din ang bagay na tumusok sa hita ko kani-kanina lang.

Bakit...Bakit matigas?

Kumuha ako ng unan at saka ibinaon ang mukha ko bago ko pinakawalan ang isang sigaw. Get over it Scarlett! Why do you have to think about it?!

Ano ngayon kung matigas? Ano ngayon kung malaki? I groaned.

I have a more serious problem to deal with than to think of his hard on rubbing against my thigh! Damn it!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. My hands flew to my belly. Am I really...pregnant? Nasapo ko ang mukha ko. Agad-agad ang pagbago ng emosyon ko. Ano na ang gagawin ko? Handa na ba akong maging ina? Makakaya ko ba siyang palakihin na ako lang mag-isa? Biglang nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Kung sana hindi ako nagpakatanga ng gabing yon! There’s no one to blame but me! At ngayon may madadamay pa na munting anghel sa kagagahan ko.

Napapunas ako ng takas na luha nang biglang bumukas ang pinto ng banyo.

“Are you crying?” Kunot-noong tanong ni Luke sa akin.

“No,” Pagsisinungaling ko. Ayokong kaawaan niya ako.

Shit. Sino ba naman ang hindi maiiyak diba? Malaman-laman mo nalang na buntis ka at hindi mo pa kilala ang nakabuntis sayo. Paano kung may lahi pala siyang baliw? O mamamatay tao?

Lumapit siya sa akin at hinawi ang buhok ko. Bigla akong napaigtad sa ginawa niya.

“Don’t lie to me.” he whispered.

Nakayuko siya sa akin habang hawak pa rin ang buhok ko na nasa likod ng tenga ko. His face is dangerously near. My breathing hitched. Hindi ako sumagot. Sinong matapang na tao ang makakapagsalita gayong ganito siya kalapit sa akin? Bumuntong-hininga siya.

Sakto namang bumalik ang doktor na siyang ipinagpapasalamat ko. Kinumpirma ng doktor ang sinabi ni Luke, buntis nga ako. Hindi ko man aminin pero may isang bahagi ng pagkatao ko na humihiling na sana nagkamali lang ang doktor sa examination niya sa akin. Inaamin ko na hindi pa ako handa sa responsibilidad ng isang ina pero wala na akong magagawa, narito na. Terminating my pregnancy never crossed my mind. Walang kasalanan ang anak ko sa kabobohang ginawa ko.

Napahilot ako sa sentido ko ng umalis ang doktor. Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano na ang magiging buhay ko pagkatapos ng mga nalaman ko. Surely everything won’t be the same.

“Does your head hurt?”

Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Luke. I can see genuine concern in his face.

“No.” Umiling ako. “Anyway, kailangan ko ng umuwi, mauuna na ako.”

Nagsalubong ang kilay nito. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

“We still have to talk.” he said in a commanding voice.

My forehead knotted. “Anong pag-uusapan natin?”

He looked at my belly pointedly. Kaagad kong ipinatong ang kamay ko dito, feeling the sudden urge to protect myself and my baby.

“We have to talk about our baby.” He gave emphasis on the word ‘our’. Para bang siguradong-sigurado siyang sakanya nga itong dinadala ko.

Bigla akong natakot. Paano kung gusto niyang ipalaglag ang anak ko? Paano kung may asawa na pala siya at ayaw niyang may makaalam na nagtaksil siya?

“Our baby? Paano ka nakakasiguro na anak mo to?”

He gritted his teeth and possessiveness crossed his eyes. He took a threatening step towards me. Tumigil siya nang gahibla nalang ang layo namin. Kinailangan ko pang tumingala dahil hanggang dibdib lang niya ako. My heart beats wildly inside my chest. Kung epekto ng kaba o dahil sa sobrang lapit niya ay hindi ko alam.

“Don’t play with me, Red. We both know that it’s mine.” he said in a low voice.

I sucked in a breath when his hand came up to carress my tummy and unto the side of my waist. Nakatungo siya sa akin at nanghahamon ang mga mata. He’s challenging me to prove him wrong. Itinulak ko siya, not liking the tingling sensation I felt when his hand carressed me.

Nag-iwas ako ng tingin. “A-Ano ngayon kung sayo nga?”

“Why didn’t you tell me about it?”

Ibinalik ko ang tingin sakanya. “I didn’t know okay? Ngayon ko lang nalaman. At baka naalala mong hindi kita kilala at hindi ko alam kung saan ka hahagilapin?”

He exhaled. “Right.Fuck.”

“Okay naba? Pwede naba akong umuwi?” Nagsimula nang mag-init ang ulo ko. Nagugutom na ako at gusto ko ng kumain.

“No, don’t leave yet.” He held my arm when I attempted to walk away.

I sighed exasperatedly. Ano pa bang gusto niya? Yon nga oh nalaman na niyang siya ang ama! Utang na loob naman, nagugutom na ako.

“Why?!” I exclaimed. Naiirita na talaga ako.

Mula sa braso ko ay dumausdos ang kamay niya papunta sa bewang ko at hinapit ako palapit sakanya. Nahigit ko ang hininga ko at maagap kong itinukod ang kamay ko sa malapad niyang dibdib para hindi ako mapasubsob sakanya.

“There’s one thing I haven’t said yet.” he replied seriously. His intense gaze did something to my body kaya hindi ko siya magawang itulak.

“A-ano?” Nauutal kong sagot. Lumikot ang mga mata ko.

Kapag ba may gustong sabihin dapat nakahawak sa bewang at ganito kalapit? Pakiramdam ko tumitindig ang mga balahibo ko dahil sa mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko. Hindi ko na din alam kung paano aawatin ang puso ko na nagririgodon.

“Marry me.”

One Night Mistake [ON HOLD]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang