Nine

95 8 0
                                    

CHAPTER 9

A knock on my classroom’s door made me look up from the papers I was checking. Hapon na kaya umuwi na ang mga estudyante ko. I had to stay behind kasi kailangan ko pang i-check at i-record itong mga papel nang kabilang section.

“You done?”

It was Luke. Nakahilig ito sa may pintuan habang nakasuksok ang isang kamay sa pocket ng jeans nito. He looked dashing in his white polo and dark jeans. For the past week, lagi niya akong sinusundo dahil nga ‘nanliligaw’ siya. Usually, naghihintay lang naman siya sa parking lot kaya ewan ko kung bakit siya nandito. Siguro masyado akong nagtagal kaya nainip siya sa paghihintay doon.

I returned my gaze on the papers. “Not yet. I still have to finish checking and then record these after. You can go first if you want.”

Napakunot ang noo ko nang makitang mali ang sagot ng estudyante ko. Nilagay nito na the diaphragm muscle relaxes when you inhale and contracts when you exhale which is wrong. Baliktad ang sagot nito. Napansin ko na mostly sa kanila ay dito nasasabit. They had it interchanged. Napailing ako.

“Why don’t you finish that at home?” narinig kong naglakad siya palapit sa akin.

I glanced at him. “Gagawa pa kasi ako ng powerpoint presentation pag-uwi ko. Pwede ko namang tapusin to ngayon dito kaya bakit dadalhin ko pa sa bahay?”

He grabbed a chair and sat beside me. Tinitingnan-tingnan nito ang mga papel.

“You’ve been working too much. Hindi ba yan makakasama kay baby?” Isinumping nito ang takas na buhok sa tenga ko at saka nangalumbaba habang tinititigan ako.

“This is the life of a teacher. Our work doesn’t end in school, dinadala pa nga sa bahay. Pero ginusto ko to kaya bakit ako magrereklamo? And the baby’s fine, don’t worry.” I stretched my hands when I was finally done checking the last paper. “Tapos na ako mag check, ire-record ko nalang to.”

Kinuha ko ang class record mula sa drawer ng table ko pero nabigla ako ng inagaw ito ni Luke.

“I’ll do it.”

My forehead creased. “Ako na. Mabilis lang naman to.”

I tried pulling the class record from his hold but his grasp on it tightened. I glared at him. Gusto na niya din ba maging teacher?

“Let me do it Red. I know you’re tired from working all day so rest first. I won’t mess the records up, I promise.” he said gently.

Aangal pa sana ako pero tama naman siya, pagod ako sa maghapong discussion. Since nag offer naman siya, why not take advantage? At saka, kapag tunog naglalambing siya wala akong magawa kundi pabayaan nalang siya sa gusto niya.

“Sige, pero ayosin mo ah? Wala pang bakas ng correction tape ang class record ko kaya dapat hindi ka magkakamali.” I threatened and handed him my G-tec pen.

Tinanggap niya ito at saka ngumisi. “Napaka istrikta niyo naman ma’am. Don’t worry I won’t mess up.”

I suppressed my smile. Baliw.

Nagsimula na siyang mag record ng scores at talagang focus na focus siya. Takot siguro talagang magkamali. My gaze wandered to his hands. It’s long and slender. Malinis din ang kuko nito which is a turn on for me. Ewan ko pero gusto ko yong lalaking malinis ang kamay at kuko.

Nang matapos siya-and yes, walang mali- ay umalis na kami ng school. Akala ko didretso kami sa bahay ko pero nagtaka ako nang iba ang daan na tinatahak namin.

“Akala ko iuuwi mo na ako?” nagtatakang tanong ko.

Tiningnan muna niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa daan.

“We’ll eat outside.” sagot niya.

My eyes widened. “What? Bakit di ka nagsabi? Naka uniform lang ako oh!” I complained.

Naman oh. Kakain pala kami sa labas di man lang nagsabi beforehand. Hindi man lang ako nakapag-ayos. Sigurado akong ang haggard ko tingnan.

“Why? What’s wrong with your uniform? I personally think you look hot in that.”

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. I slapped his thigh dahil hindi ko naman pwedeng hampasin ang braso niya at baka mabigla pa siya at mawalan ng kontrol sa manibela. Tumawa lang siya.

“You’re taking this ‘panliligaw’ thing too far, Lukas. Just admit that I look horrible.” I looked out the car window.

“I never think you would look horrible, Red. You’re beautiful. Damn beautiful.” he said adoringly.

I bit my finger to hide my smile. Buti nalang nakatingin ako sa labas kundi baka nakita na niya ang ngiti ko. Ayokong malaman niya na natutuwa ako sa sinabi niya. Aminin man natin o hindi, kapag ang babae ay nagsasabi na ang pangit na nila gusto pa din nila masabihan na maganda sila. Crazy, I know.

Nang makarating kami sa restaurant ay nalaman ko na nagpa-reserve na pala si Luke kaya hindi na kami nag-abala pang maghanap ng table. While we’re on our way to our table, may biglang tumawag kay Luke kaya sabay kaming napalingon.

“Luke! You’re here pala? I’m glad to see you!”

Tumaas ang kilay ko nang biglang yumakap ang babae kay Luke. Luke tapped the girl’s shoulder awkwardly at kaagad din itong inilayo sakanya. The girl’s wearing a black slip dress that defined her sexy curves. Nakakulot din ang buhok nito at napaka sopistikada nitong tingnan. I looked at my uniform and sighed, I am very underdressed.

“It’s good to see you too, Lyka. By the way this is Scarlett, my girlfriend. Baby, this is Lyka, a family friend.” pagpapakilala ni Luke sa amin.

Mukhang doon pa lang napansin ng babae ang presensya ko dahil gulat itong bumaling sa akin. Hindi ko na pinuna ang sinabi ni Luke na girlfriend niya ako dahil alangan namang sabihin niyang ako ang baabeng nabuntis niya? I gave her an obligatory smile na sinuklian naman niya ng isang hilaw na ngiti.

“Oh, hi, pleased to meet you.” sabi niya at saka bumaling kay Luke. “So you’re spending your birthday alone with her here? How sweet.” She smiled at him.

I snapped my head towards Luke. Birthday niya? Napanganga ako. Wala man lang akong alam! I don’t even have a gift! At pinag-record ko pa siya ng scores ng mga students ko! Omg, I’m so clueless!

“Ah, yeah. We were actually heading to our table so we’ll go first if you don’t mind.”

Hinila ako ni Luke at iginiya sa table namin. Nang makaupo na kami, I glared at him.

“You didn’t even tell me that it’s your birthday! I should’ve given you a gift at least!” I said in a harsh whisper.

He seemed to not even be slightly affected by my outburst. Tumaas lang ang isa nitong kilay. “Is that even necessary? Having you here with me is a gift already.”

Napatanga ako sa sinabi niya. Aba’t nakuha pang bumanat!

One Night Mistake [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon