The Baffling disappearance of Brian Shaffer

52 2 0
                                    

"He just vanished without a trace"

The Baffling disappearance of Brian Shaffer

Taong 2006 ang pinaka mahirap na taon para kay Brian Shaffer. Buwan ng March ng bawian ng buhay ang kanyang ina matapos ang matagal ding pakikipaglaban sa cancer. Dala ng kalungkutan at pagdadalamhati , Ang 27 year old na medical student ay nagdesisyon na ienjoy ang gabi sa pamamagitan ng pag inom sa isang bar kasama ang former roommate na si Clint Florence noong April 1 , 2006. Ito ay para pansamantalang makalimutan ang problema ayon na din sa kanya. Pero bago pa iyon , sa huling pagkakataon nakasama pa ni Brian sa isang dinner ang amang si Randy at ang nakababatang kapatid na si Derek.

Ang dalawang lalaki ay namataan nong gabi ding iyon sa South Campus Gateway's Ugly Tuna Saloona bar na ang lokasyon ay sa Arena District ng Columbus, Ohio, dumating sila ng around 9 pm. Just before 10 pm , nakausap pa ni Brian ang kanyang girlfriend na si Alexis Waggoner , isang medical student sa isang unibersidad sa Ohio State. Natapos ang tawag sa mga salita kung gaano nya kamahal ang kanyang kasintahan. Katagalan , ang dalawa ay nagdesisyon na mag-bar hopping. Nagtravel ang dalawa across Short North kung saan nakipagkita din sila sa kaibigan ni Clint na si Meredith Reed. Pagkatapos ng ilang shot , Nag offer si Meredith sa dalawa ng ride pabalik sa Ugly Tuna Saloona Bar bagay na sinang ayunan nila. At 1:15 am , ang surveillance camera ay namataan ang tatlo na pumapasok sa building at sumakay ng escalator papunta sa second floor ng bar. 2 am ng makita si Brian sa camera na kausap ang dalawang college-aged women na tila nagpapaalam bago lumakad palayo sa kanila. Yun na ang huling beses na nakita sya.

In-assume ni Clint at Meredith na nakauwi si Brian sa kanyang apartment pero nang tinawagan nila ito ng buong weekend , hindi ito sumasagot dahilan para mag alala sila. When Monday morning arrived , naalarma ang pamilya ni Brian nang malaman nila na hindi ito nakarating sa kanyang scheduled flight papuntang Florida dahilan para tumawag sila sa mga otoridad para ireport syang nawawala. Dagdag pa ng amang si Randy , ang anak ay naka-schedule din na pumunta ng Miami para magbakasyon kasama ang kasintahang si Alexis na ayon pa sa kanya ay nakatakda nyang pakasalan. Natagpuan ng mga otoridad ang kanyang sasakyan sa parking lot ng kanyang apartment hindi din kalayuan sa Ugly Tuna Saloona Bar kung saan huli syang nakita. Nagsagawa ang mga otoridad ng massive search para sa kanya. Ilang mga otoridad ang paroo't parito sa mga dumpters at sewing system , ayon pa sa kanila ang Ugly Tuna Saloona Bar ay nasa high crime area kaya ang murder ay isang malaking posibilidad. Nang ilang araw na walang resulta , pinasok din nila ang apartment ni Brian pero bigo din sila sa dahilang wala sila makitang ano man na pwedeng makatulong sa kaso. Ang amang si Randy , na nagdadalamhati pa din sa pagkamatay ng asawa ay desperado na makita ang anak. Kumunsulta pa ito sa isang psychic na nagsabi na ang katawan ng anak ay nakalubog sa tubig malapit sa isang tulay bagay na pinaniwalaan nito dahilan para magsagawa ang mga otoridad ng search and rescue sa nasabing area pero nanatiling bigo ang mga ito. Walang anumang trace ni Brian. Maging ang kasintahang si Alexis ay labis din ang pag-aalala. Gabi gabi nya pang tinatawagan ang cellphone number ng kasintahan pero laging voicemail ang sumasagot. One night of September , namangha si Alexis nang mag-ring ng tatlong beses ang cellphone ni Brian ng tawagan nya ito. Tumawag pa sya ulit pero voicemail na ulit ang sumasagot. Sinabi nya to sa mga otoridad. Nagawa nila itong ma-trace. Ang signal ay galing sa isang town ng Hillard , labing apat na milya ang layo mula sa tahanan nila Alexis. Ang pag asa nya na maaaring buhay pa ang kasintahan ay agad na nabaliwala nang sabihin ng mga otoridad na ang pag-ring ng cellphone nito at ang signal ay maaaring bahagi lamang ng isang system error at hindi nangangahulugan na ini-on ni Brian ang kanyang cellphone.

Kalaunan , everyone in Brian's life, kasama ang mga taong nakasalamuha/nakasama nya sa bar nong gabing iyon ay nagsumite ng polygraph test maliban kay Clint Florence. Ayon sa abogado nito , ang kanyang kliyente ay walang tinatago pero handa umano itong magbigay ng impormasyon sa mga otoridad kung kinakailangan. Bagay na kinagalit ng kapatid na si Derek. Ayon pa sa kanya , si Clint ay nagsasalita ng mga bagay na hindi maganda tungkol sa kapatid nya pagkatapos ito mawala dahilan para pagdudahan sya ng karamihan na maaaring may kinalaman sya sa pagkawala ni Brian. Agad na kinontra ito ng mga otoridad dahil wala nmn umano derektang ebidensya ang maaaring mag ugnay dito sa kaso. Kahit ang dalawang babae na nakita sa surveilance camera na kausap ni Brian bago nawala ay nagawang linisin ang kani-kanilang pangalan. Lahat ng pagod at attempt na mahanap at masagot kung nasaan si Brian at kung ano ba talaga ang nangyari dito ay walang kinahantungan. Sadly , ang amang si Randy ay namatay din taong 2008 ng hindi man lang nagkaron ng oportunidad na malaman ang katotohanan o mailibing man lang ang anak kung sakali man na patay na ito.

"Mga Teorya"

1. Si Brian ay aksidenteng nahulog sa open window ng bar ng walang nakakapansin dala marahil ng kalasingan bagay na sinuportahan ng mga kuha sa surveilance camera kung saan nakita sya na pumasok at umakyat sa second floor pero hanggang sa magsara na ang bar hindi na sya nakitang lumabas pa. Agad na kinontra ito ng pamilya nya maging ng ilan sa mga otoridad. Anila kung aksidente syang nahulog , nasaan ang katawan?

2. The Smiley Face Killers

Dalawang retired NYPD detectives na nagngangalang Kevin Gannon at Anthony Duarte ang nagsabing maaaring si Brian ay biktima ng isang random murder lalo at ayon pa sa kanila talamak ang ganong kaso noong panahong iyon na karamihan sa mga biktima ay hindi nalalayo ang itsura sa kanya kung pisikal na anyo ang pag uusapan. Anila may mga naitalang kaso ng mga kabataang after mag night out sa mga bar ay basta na lang natagpuang patay sa kahina-hinalang paraan. Ang grupo ng mga killer na ito ay tinatawag na Smiley Face na karamihan sa kanilang mga biktima ay natagpuan hindi kalayuan sa isang smiley face grafitti.
Isang investigating officer ang di sumang ayon sa teoryang ito. Ayon sa kanya kung si Brian ay biktima ng isang unknown group of killers , na tulad ng sabi nila na ang karamihan sa mga biktima ay hindi nalalayo ang itsura dito at base din sa mga report ang katawan ng mga biktima ay natagpuan , tanong ng investigating officer , nasaan ang katawan ni Brian? Dagdag nya pa na mas malapit na sabihin na maaaring biktima sya ng robbery gone wrong o ng isang random crime na basta na lang itinapon sa kung saan ang katawan.

3. Si Brian ay pumunta sa exit ng bar , nahulog sa butas ng isang construction site at aksidenteng natabunan ng semento.

Ang nag iisang exit bukod sa isang designated exit ay ang emergency exit na papunta sa isang construction site. Ayon sa pamunuan ng construction site , hindi nila inaalis ang posibilidad dahil nakainom na ito nong gabing iyon at madilim sa bahaging iyon ng building. Pero isang malapit sa pamilya ni Brian ang kinontra ito , ayon sa kanya kung nahulog si Brian at aksidenteng natabunan ng semento tulad ng sinasabi ng mga ito napakaimposible na wala isa man sa mga construction worker ang nakapansin dito lalo na at magdamagan ang nature ng trabaho ng mga ito.

4. Si Brian ay maaaring namatay sa loob ng Ugly Tuna Saloona Bar.

Isa ding posibilidad na aksidente syang namatay sa loob ng bar lalo at kung ang pagbabasehan ang record ng surveilance camera na nakita syang pumasok ng bar at umakyat sa second floor pero hindi nakitang lumabas pa. Maaaring sa takot na mademanda ang pamunuan , gumawa ang staff ng paraan para malinis ang krimen. Dagdag pa ng ilan , maaring ang katawan nya ay nasa loob pa at basta na lang itinago sa kung saan. Pero ang paniniwalang ito ay nabalewala ng magsagawa ang ang mga otoridad ng 24 hour investigation sa bar.

5. Si Brian ay basta na lang umalis at nag umpisa ng bagong buhay.

Ayon sa mga kaibigan ni Brian napaka imposible nito lalo at wala ito sa personalidad nya. Anila , namatay ang kanyang ina tatlong linggo bago ang kanyang pagkawala , nakita nila umano ito kung paano na-handle ng maayos ang pagdadalamhati. Maayos ang relasyon nito sa kasintahang si Alexis. Katunayan , nakatakda ng ikasal ang dalawa. Maayos din ang record nya sa school na pinapasukan nya. Dagdag pa nila kung intention ni Brian na basta na lang umalis ng walang paalam paano ipapaliwanag ng mga otoridad ang apartment nito nong pinasok nila na ang mga gamit maging ang mga damit na maayos na nakasalansan sa mga lagayan nito na tila anomang oras ay babalik ito kung ang pagbabasehan ay ang ayos ng apartment nang datnan nila. Isa pa sa nakita nilang butas , ayon sa kanila kung sinadya nito umalis bakit hindi nito dinala ang sasakyan , ang kotse ay natagpuan ng mga otoridad sa parking lot ng kanyang apartment.
Isang malapit sa pamilya ni Brian ang nagsabing naniniwala sya na umalis ito ng bar na may (mga) kasama pero siniguro ng mga ito na hindi sila mahahagip ng surveilance camera paglabas nila. Dagdag nya pa , imposible yung sinasabi ng ilan na ang katawan nya ay nasa bar pa at basta na lang inilibing. Imposibleng walang makaamoy sa nabubulok nitong katawan bukod pa sa nagdala ang mga otoridad ng mga trained dog para ma-locate ang kanyang amoy pero kahit iyon wala din kinahantungan.

Kung nasaan at kung ano ba talaga ang nangyari kay Brian ay walang nakakalaam. Dagdag nya pa , ang sigurado ay ang napakahirap na pinagdaanan ng kapatid nito na si Derek sa pagitan ng mga taong 2006-2008. Una , namatay ang ina nito sa sakit na cancer. Tatlong linggo ang nakalipas , misteryosong nawala ang kapatid. Pagkatapos non , namatay ang kanyang ama ng aksidenteng mabagsakan ng isang malaking sanga ng puno sa ulo. Ayon pa kay Derek , napakasakit ng mga pangyayari pero nananatili syang matatag sa mga nakalipas na taon patuloy na umaasa na maaaring buhay pa ang kapatid nya.

Unsolved Mysteries*

Crime StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora