The Evil Mask of Social Media

66 1 0
                                    

The Horrific Murder of 15-year old Kayleigh Haywood

Si Kayleigh ay isang dalagitang 15 year old na mahilig sa pop music, kumain sa Mcdonalds at lumabas at mag-hang out kasama ang pamilya. Nanggaling sya sa pamilyang stable at mapagmahal bukod pa sa mga hardworking na magulang. Masayahing dalagita, Matalino at kilala dahil sa pagiging palakaibigan. Mahal sya ng lahat dahil lahat ay kaibigan ang trato nya. Puno ng buhay at pangarap ang dalagitang si Kayleigh.

However, si Kayleigh ay maagang nagkaroon ng access sa internet. Sa panahon ngayon, normal na lang sa kahit sino ang ma-access ang internet anuman ang edad nito. Ang internet ang mundo nya. Nakikinig ng musika, nakikipag-chat sa mga kaibigan, nagba-browse sa facebook. Wala syang kamalay-malay na mabibiktima sya ng isang "grooming" na tinatawag. Sila yung mga taong gumagawa ng inappropriate contact for sexual satisfaction and exploitation. Nakikipagrelasyon sila sa mga kabataan sa pamamagitan ng social media pero sa maling identity. Nakikipagkita sila sa kanilang mga possible victims at kinukuha ang tiwala ng mga ito (medyo malapit sya sa fake account, poser or dummy account na mas kilala ng term ngayon. correct me if i'm wrong).

Noong Halloween ng 2015, gamit ni Kayleigh ang kanyang cellphone. Normal lang na araw iyon. Nagba-browse sya sa facebook nang makatanggap sya ng isang friend request sa lalaking nagngangalang Luke "fun times" Harlow. Dahil inosente at kilalang palakaibigan , tinaggap nya ang request. Si Luke nang malaman ay nag-umpisa ng kuhanin ang tiwala ni Kayleigh. Nag-umpisa sa pangungumusta, paghingi ng number at sunod-sunod na padala ng mga mensahe na umabot sa daang bilang sa pagitan lamang ng isang linggo. Si Kayleigh na walang ideya sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya ay na-flattered sa atensyon na pinapakita ni Luke. Nadala sya sa affection at matatamis na salita ng lalaking nakatakdang pumatay sa kanya.

Pagkatapos ng ilang araw, tuluyan ng nakuha ni Luke ang tiwala ni Kayleigh. Inimbitahan nya ito sa kanyang flat para lalo pa silang mapalapit at mas makilala ang isa't isa. Tinuruan pa nya si Kayleigh kung ano ang sasabihin sakaling hindi sya payagan ng mga magulang. Bagay na ginawa ni Kayleigh. Paalam nya sa ina na mag-o-overnight sya sa tahanan ng isa sa mga bestfriends nya. Hindi nya sinabi ang totoo sa mga magulang dahil alam nyang hindi sya maiintindihan ng mga ito. Kaya noong November 15, 2015, ang amang si Martin, ang huling tao na makakakita na buhay si Kayleigh ay inihatid ang anak sa labas ng school nito sa paniniwalang mag-o-overnight ang anak kasama ang iba pa. Nakarating si Kayleigh sa flat kung saan pinainom sya ng alak at pinagsamantalahan (sexually) ng 28 years old na si Luke. Hindi pa sya nasiyahan, tinawagan nya ang kapitbahay at kaibigan din nyang 29 years old na si Stephen Beadman at sinabing may babae sya sa kanyang flat, tulala at intoxicated.

Ang mga sumunod na nangyari ay ang kalunos-lunos na sinapit nya sa mga kamay ng dalawa nyang sexual predator. Nakapag-text pa sya sa isa mga kaibigan nya para humingi ng tulong. Ang witness na nakatira hindi kalayuan sa flat ni Luke ay nagbigay ng pahayag. Sinabi nyang nakarinig sya ng malakas na kalampag at sigaw ng bandang 10:30 ng gabi. Ang isa naman ay sinabing nakita nya si Kayleigh na tumatakas (half naked) sa flat ni Luke around 3:30am. Ang mag-asawang witness ay nagbigay din ng pahayag at sinabing noong 3:30am ay nakarinig sila ng sigaw mula sa isang babae na tila humihingi ng tulong. Isa sa mga pahayag ng witness" (mag-asawa), "Pumunta ako sa bintana at nakita ko ang inakala ko noong una na pulis hawak-hawak yung ulo ng babae at itinutulak pababa sa ground. Hindi ko nakita kung sino sya pero nakasuot sya ng black jacket na may white stripes kaya inakala kong alagad sya ng batas. Sumilip pa ako pagkatapos ng ilang minuto, nakita ko yung babae ng ganon ulit na tila pinapaluhod nya. Maya-maya yung mga braso ng babae nakalagay na sa mga balikat nya at yung mga kamay nya ay magkapatong na nakalagay sa batok nya. Porma ng isang tao na tila pinasusuko. Pagkatapos nakita ko sila na bumalik ng flat na magkasama" Sa kabila ng mga naging pahayag ng mga nakakita at nakarinig, ni isa sa kanila ay walang naglakas ng loob na tumawag sa mga otoridad.

Pagkatapos, dinala ni Luke at Stephen si Kayleigh sa isang secluded area kung saan hinampas ni Stephen ng bato sa ulo si Kayleigh ng makailang ulit hanggang sa hindi na makilala. Ang katawan nya ay puno ng galos at sugat. Nang matiyak na wala ng buhay, saka nila iniwan ito ng half naked. Ilang araw pa ang lumipas bago sya natagpuan ng mga otoridad at ng kanyang mga magulang. Naaresto ang dalawa sa tulong ng mga witness na nagbigay ng pahayag at isang kaklase na nagawang mapadalhan ni Kayleigh ng mensahe kung saan nakalagay ang salitang "help".

On 20 November 2015, shortly after na maaresto ang dalawa sa kaso ng pagkawala at brutal na pagkamatay ni Kayleigh, sinabi ng mga otoridad na si Stephen ay may iba pang kaso ng rape at murder at si Luke ay may mga kaso din na may kinalaman sa pananamantala (sexually). Inamin ni Stephen ang krimen sa brutal na pagpatay kay Kayleigh habang si Luke ay sinabing ang panggagahasa ay kanyang ideya. Ang jury na humawak ng kaso ay hinatulan si Luke ng guilty kasama ang kanyang sentensya noong June 28, 2016 at si Stephen noong July 1 , 2016. Nasentensyahan si Luke ng labindalawang taong pagkakabilanggo habang si Stephen ay nasentensyahan ng minimum term of 35 years. Natuklasan din ng mga otoridad na bago si Kayleigh, si Luke ay may dalawa pang dalagitang biktima na muntikan ng kumagat sa mga plano nya pero hindi natuloy dahil agad napigilan ng mga magulang ng dalawang dalagitang involved.

On 24 November 2015, isinagawa ang inquest. Ang pagkamatay nya ay resulta ng massive head and facial injury sanhi ng hindi mabilang na pagkakahampas ng bato sa kanyang ulo at mukha. Lumalabas din sa post mortem examination na sya ay ginahasa. Ang brutal na pagkamatay ni Kayleigh Haywood ang nagtulak para mabuo ang ''Kayleigh's Love Story'' a film produced by Leicestershire Police and Affixxius Films kung saan ito ay ipinalabas sa iba't ibang parte ng United Kingdom.

Murder and Beyond*

Crime StoriesWhere stories live. Discover now