The Tragic Death of 4-year old Darcey Iris Freeman

46 1 0
                                    

Warning: A sensetive topic because it involved a child. This one is heartbreaking.

She said "Daddy, I don't wanna wake up late 'coz tomorrow is my firstday of school."

The Tragic Death of 4-year old Darcey Iris Freeman who thrown/tossed in a bridgeby his own father.

February 11, 2004 - January 29, 2009
"Before her dubious murder"
Si Arthur Freeman na ama ni Darcey ay nasa kalagitnaan ng custody battle. Custody battle na tumagal at nagpatuloy ng dalawang taon sa kanyang estranged wife , Peta Barnes. Hiniwalayan sya dahil sa reklamo ng hindi mabilang na physical abuse. Si Peta , na naghayag ng pangamba at takot sa kanyang psychologist sa kung ano ang maaaring gawin ni Arthur sa mga anak para makaganti sa kanya. Pinatay si Darcey nong araw pagkatapos na maglabas ng final order ang korte kung saan nakalahad na binabawasan ng korte ang oras ni Arthur para makasama ang mga anak. Nong umaga bago ang pagkahagis kay Darcey sa tulay , Tumawag si Arthur sa isang kaibigan at sinabi ang kanyang dismaya tungkol sa kanyang pagkatalo sa custody battle. Ang ama nya ay napuna sya na tila stress , depress , at wala sa sarili noong umaga na inihatid nya ang mga anak sa school. Minuto bago ang pagpatay , Tinawagan nya pa ang estranged wife na si Peta para sabihing "Say goodbye to your children".
"Her Tragic Death"
Gumising ng maaga si Darcey dahil excited syang pumasok sa school. Iyon ang unang araw nya. Noong gabi bago ang kanyang first day of school , Dinala sya ng kanyang ama kasama ang dalawa nyang kapatid na lalaki sa isang beach house para makapag relax. Sinabi nya sa kanyang ama na ayaw nyang ma-late sa school dahil iyon ang unang araw nya. Bagay na ipinangako ng kanyang ama pero sa kasamaang palad , Hindi pala iyon ang plano nya.
On January 29, 2009, Si Darcey at ang kanyang dalawang kapatid na lalaki ay pumasok sa kotse para ihatid ng kanilang ama sa school na pinapasukan nila. While driving , itinigil ng ama nila ang kotse sa West Gate Bridge. Tinanggal ang buckel ng seatbelt ni Darcey , inilabas sa sasakyan at dinala sa gilid ng tulay kung saan matatanaw din ang mga sasakyang paroot parito sa isang abalang lugar sa Australia. Ang mga nakakita ay nagsisigaw at nagpanic ng makita syang ipwinesto si Darcey sa edge ng tulay at basta na lang inihagis 190 feet into the water below. Sa mismong harap ng dalawang anak nya.
Ang mga witness na na-shock , natakot ay agad tumawag sa mga otoridad para ipaalam ang pangyayari. Agad rumesponde ang rescue team para hanapin at iahon ang katawan ni Darcey sa tubig. Nagawa syang mahanap at iahon sa tubig at sa loob ang humigit kumulang na limampung minuto , Ang mga paramedics at pulis ay nagtulong tulong para i-revive ang katawan nya. Pero hindi na sila nagtagumpay. Saka sya dinala sa Children's Hospital sa pamamagitan ng isang helicopter kung saan idineklara syang patay. Ang paramedic team manger na si Trevor Weston na isa sa mga iilang rumesponde ay sinabing "Nakakadurog ng puso kapag alam mong bata ang involved. Walang muwang , Walang laban. Mga batang ang mga tawa ay nagpapasaya ng tahanan"
Ang Detective Inspector na si Steve Clark, mula sa Victoria Police homicide squad, ay sinabing ang mga witness ay nagkaroon ng matinding shock , ang iba parang panandaliang nawala sa mga sarili nila kaya wala isa man ang nagkaroon ng oportunidad na mapigilan si Arthur. Dagdag pa nya "Napakabilis ng mga pangyayari. Lumabas sya sa sasakyan nya bitbit ang anak nya na walang kaalam alam sa mangyayari , lumakad at dumiretso sa edge ng tulay saka ipwinesto ang anak at basta na lang inihagis"
Habang ang mga rumespondeng rescuers ay abala kay Darcey , Ang amang si Arthur ay nagdrive kasama ang dalawa pang anak sa pinakamalapit na court law para isuko ang sarili. Sinabi nya isa sa mga otoridad na kung maaari ay tignan ang dalawa nyang anak na sina Ben ( 7 ) at Jack ( 2 ). Ibinigay ang plate number ng sasakyan at itinuro ang kotse kung saan nag aantay ang dalawa nyang anak. Pagkatapos , dinala sya ng mga otoridad sa isang prison cell at isinailalim sa suicide watch. Habang ang inang si Peta ay tumawag sa mga otoridad para magreport ng malaman nya na hindi nakarating sa school ang mga anak noong umaga na yun. Sa mga kinauukulan lang din nya nalaman ang sinapit ng anak. Na labis na ikinadurog ng kanyang puso. Nasa tabi sya ni Darcey ng ideklara itong wala ng buhay. Na-charge si Arthur ng murder sa pagkamatay ng anak nya. Ang mga paramedics at rescuers na rumesponde sa nangyari ay isinailalim sa counselling. Ang inspector officer na si Steve Clark ay sinabing "Ito ang pangyayaring maalala mo gabi gabi lalo na at yung batang involve ay kilalang masayahin , bibo , carefree. Batang mahal ang pagkanta at pagsayaw. Habang si Tim Barnes , uncle ni Darcey ay isinalarawan ang pamangkin. Free spirited , matalino at magalang na bata. Ang pagkamatay nya ay mag iiwan ng malaking bitak sa puso ng mga taong nakakakilala sa kanya. Nakatanggap ng overwhelming response sa ibat ibang panig ng mundo ang pamilya ni Darcey. Ang ilan ay humiling pa na sana ang pagkamatay ni Darcey ay maging aral at bukas na aklat para sa mga magulang na mahalin at alagaan ang mga anak.
"Trial and Verdict"
Si Arthur na at the time ay 35 years old ay nasa acute psychiatric state ay hindi dumalo sa trial ng ma-charge sya ng murder sa pagkamatay ng anak nya. Abogado nya ang humarap at sinabing hindi sya makakarating. Bigo din syang makakuha ng mga detalye kay Arthur. Sinabi din nyang unstable ito. May mga pagkakataon na tila wala sa sarili bagay na sinag ayunan ni Police Inspector Acting Sargeant Damian Jackson.
In May of 2009, ay naireport na si Arthur ay nagpaplano na i-contest ang charge na murder laban sa kanya. Bagay na pinayagan ng korte at binigyan sya ng 3 day contested commital hearing noong Oktubre. At that time , Labing anim na witness ay sumailalim sa cross examine na ginawa ng mismong abogado nya. The day after the trial , Ang inang si Peta ay hindi na dumalo at nagpakita pa sa korte para sa contested criminal hearing nang umabot sa kaalaman nya na si Arthur ay ikinokontesta ang ginawa nyang krimen. Itinuon nya ang atensyon nya sa dalawa nyang anak na labis na nagdala ng takot at trauma sa nasaksihang pangyayari sa kanilang kapatid.
In April of 2011, Ang judge na si Paul Coghlan ay sinentensyahan si Arthur ng guilty sa pagkamatay ng anak. Si Arthur ay 37 years old na nong panahong iyon. Hinatulan sya ng 37 years to life in prison without the possibility of parole. Ang judge na si Paul ay binasahan ng hatol si Arthur na tumagal lamang ng 40 mins kung saan si Arthur ay hindi nagpakita ng kahit anong emosyon at tila hindi alam kung gaano kabigat yung crime na na-commit nya. Sa kabuuan ng trial at verdict , Wala man lang nakitang remorse o pagsisisi sa kanya base sa facial expressions at body langauge nya kaakibat ng krimeng nagawa nya.

Murdered Angels*

Crime StoriesWhere stories live. Discover now