The Bone-Chilling Murder of Moore Family (including 2 house guests)

126 2 1
                                    


"HOME BECAME HELL"

THE VILLISCA AXE MASSACRE

Habang nasa attic at nag-aantay ang killer na brutal na pumatay sa buong pamilya Moore kasama ang dalawang batang house guests ay naninigarilyo, matiyagang nag-aantay sa pagitan ng 12am to 5am noong June 10, 1912. Nag-aantay ng tamang oportunidad para gawin ang isa sa pinakakarumal-dumal na krimen sa Villisca, Iowa ng bansang America na hanggang sa mga oras na ito ang kaso ay nananatiling walang kasagutan. Ang pamilya Moore at ang dalawang batang house guests ay mahimbing na natutulog sa kani-kanilang kwarto pagkatapos um-attend sa isang performance para sa children's day ng isang lokal na simbahan kung saan ang inang si Sarah ang isa din sa mga nag-organisa. Ang killer ay nag-umpisa sa kwarto ng mag-asawa, gamit ang palakol paulit-ulit na pinagtataga ang amang si Josiah kung saan umabot pa sa puntong lumabas na ang mga mata nito. Bakit si Josiah ang inuna? Ang killer ay naniguro na hindi magagawang protektahan ni Josiah ang kanyang pamilya. Nang masigurong patay na ang ama, sinunod naman ng killer ang inang si Sarah sa paraan kung paanong pinatay din nya si Josiah. Pagkatapos, ang killer ay maingat na pumasok sa kwarto ng mga bata at pinagtataga sina Herman Montgomery (11) Mary Katherine (10) Arthur Boyd (7) at Paul Vernon (5) sa paraang halos kapareho din ng kanilang mga magulang. Pagkatapos, ang killer ay bumalik pa sa kwarto ng mag-asawa para paulit-ulit pang tagain ang mga ito. Saka sya tahimik na pumasok sa guest room kung saan mahimbing na natutulog ang magkapatid na Ina Mae (8) at Lena Gertrude Stillinger (12) at walang awang pinatay ang mga ito. Ayon sa mga pulis, Si Lena lamang ang bukod tanging nag-attempt na lumaban sa killer base na din sa mga nakitang sugat sa mga braso nito at base na din sa position ng katawan nya nong makita. Ang damit na pantulog ni Lena ay nakapaitaas hanggang baywang nya , wala na din siyang saplot indikasyon na bago sya patayin ay ginahasa din sya.

Sa kabila ng maraming posibleng mga suspect ang iniharap kabilang na ang isang State Senator, isang Farmer (na may kaparehong palakol na ginamit sa pagpatay) at isang Reverend pero walang konkretong ebidensya ang nagtuturo sa kanila dahilan para ang kaso ng Pamilya Moore ay manatilinh "unsolved" hanggang ngayon.

Cold case blogger*

Crime StoriesWhere stories live. Discover now