The Gruesome Killings of Paul Bernardo & Karla Homolka

191 3 0
                                    

"PARTNERS IN CRIME"

Nakilala ni Paul si Karla taong 1980 sa Toronto, Canada. Nang panahong iyon si Paul ay may kaso na ng multiple rapes. Agad silang nag-click sa isa't isa na umabot sa puntong gusto na nilang magpakasal. Pero may problema. Paul wants a virgin wife at hindi iyon si Karla. Para maresolba ang problema. Sinabi nya na gusto nyang iregalo ang virginity ng kanyang 15 year old na kapatid na si Tammy kay Paul on that christmas eve. Nong dumating na yung gabing yun para maisagawa ang plano, Sinundo ni Karla si Tammy sa tahanan ng mga magulang para papuntahin sa kanila. Drinoga ni Karla at tinali ang kapatid para maisagawa ni Paul ang kanilang balak. Pero ang resulta ng kanilang ginawa ay hindi umayon sa kanilang plano. Pagkatapos i-video ni Karla si Paul habang ginagahasa at pisikal na inaabuso si Tammy sa loob ng ilang oras, Si Paul at Karla ay nagdesisyon ng magpahinga. Iniwan si Tammy ng nakatali at hindi na makagalaw. Nang gabi ding iyon, namatay si Tammy resulta ng panggagahasa at pisikal na pang-aabuso. Ang mga otoridad ay walang nakitang mga evidence para masabing ito ay foul play. Sa kabila ng nakita nila ang mga marka ng pagkakatali sa mga kamay ni Tammy bukod pa nakita nila ang hindi magandang kundisyon nito. Tinawag nilang "overlooked" ang senaryo habang ginagawa ang autopsy. (siraulong mga pulis). Dahilan para masundan pa ang mga magiging biktima nina Paul at Karla. 14 year old Leslie Mahaffy and 15 year old Kristen French ay ginahasa at brutal ding pinatay ni Paul sa pakikipagtulungan na din ni Karla. Bagay na hindi na malulusutan pa ni Paul dahil tumugma yung dna nya (semen) sa maselang parte ng katawan ng dalawang biktima na nakita. Nagkamali din si Paul nang minsang bugbugin nya si Karla dahilan para bumaligtad ito sa kanya at makipagkasundo na makipagtulungan sa mga otoridad at magbigay ng testimonya na magiging daan sa mga otoridad para matuklasan nila ang mga video tapes ng kanilang mga "gruesome murders" Nahatulan si Paul ng habangbuhay na pagkakabilanggo habang si Karla (sinabing sya ay inabuso at tinakot dahilan para mapilitan syang tulungan si Paul sa mga krimen nito) ay nakulong mula 1995 hanggang 2007. Sya ay malaya na ngayon at ina ng tatlong bata. Habang si Paul ay eligible para sa parole. (By this time malaya na si Paul kung tama ang pagkakatanda ko iba na ang kanyang pangalan. Pinalitan nya yung buo niyang identity).

Murder Facts*

Crime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon