When the Stranger Calls

52 1 0
                                    


The Bizarre and Unsolved Murder of Dorothy Jane Scott

Dorothy ay 32 year old na single mother na nakatira sa Stanton , California kasama ang kanyang 4 year old son na nagngangalang Shawn, kasama din nya ang isang distant aunt nya. Para masuportahan ang pamilya , Si Dorothy ay nagtatrabaho bilang isang sekretarya sa Anaheim , California. Kilala ng mga katrabaho at kaibigan bilang isang devoted christian. Ang klase ng ina na mas gugustuhin pang nasa bahay lang kung wala din lang trabaho para mag-spend ng kanyang libreng oras sa anak. Ang Auntie nya ang pinagkatiwalaan nya sa anak nya habang sya ay nagtatrabaho para masuportahan ito. Iilan lang ang na-entertain nya para makadate at wala isa man sa mga ito ang naging opisyal nyang nobyo dahilan para mas lalo nyang pagtuunan ng atensyon ang nag iisa nyang anak.

Pero ang tahimik nyang buhay ay nakatakdang magulo ng makatanggap sya ng tawag sa kanilang tahanan mula sa lalaking ayon sa kanya ay hindi nya kilala. Tawag na sa simula ipinagwalang bahala nya pero kalaunan nagdala na ng takot sa kanya. Takot na lahat ng detalye ng buhay nya ay alam ng misteryosong caller. Kulay ng sasakyan na gamit nya , mga lugar na pinupuntahan nya , ano ang ginagawa nya , kung saan sya nagtatrabaho , sino mga kasama nya , kulay ng mga damit na sinusuot nya , at mas lalo nya ikinabahala ang detalye na binigay ng caller tungkol sa anak nya. Mga paglalahad ng detalye tungkol sa buhay nya na nauwi sa pagbabanta ng sabihin ng caller na nasa paligid lang sya. Pinapanood ang mga kilos nya. Na kung mabibigyan sya ng pagkakataon , kukunin nya si Dorothy , papatayin , paghihiwa-hiwalayin ang katawan at itatapon sa lugar kung saan kahit ang pamilya nya hindi na sya matatagpuan. Tumagal ang tawag sa loob ng ilang buwan. Dahil dito nag-enroll si Dorothy sa isang karate/judo class para maprotektahan ang kanyang sarili.
At noong umaga ng May 20 , 1980 , Inihatid ni Dorothy ang kanyang anak sa tahanan ng mga magulang pagkatapos umalis na sya para pumasok sa opisina. Pagdating nya , nakatanggap sya ng tawag mula sa misteryosong caller na sinasabing "mag iingat ka" , "malapit na" at kung ano ano pang pagbabanta. Noong hapong ding iyon , Nagkaron ng problema sa opisinang pinapasukan nya. Isang katrabaho nya ang nakagat ng isang poisonous na spider. Bilang isang mabait na empleyado , Nag-volunteer sya na dalhin ito sa ospital. Kasama ang dalawa pa , Dinala ni Dorothy ang katrabaho sa ospital at hindi sya umalis sa tabi nito hanggat hindi natatapos ang medical treatment dito. Halos midnight na nong makalabas sila ng ospital. Sinabi ni Dorothy sa mga kasama na antayin na lang sya sa harap ng ospital dahil kukunin nya pa sa parking lot ang sasakyan nya. Pumunta sya sa parking lot habang ang mga kasama nya ay nag aantay sa bungad kung saan mismo dadaan ang sasakyan nya. Nag antay sila ng 20 mins nang makita nila ang sasakyan ni Dorothy papunta sa kanila pero nilampasan sila. Bagay na ipinagtaka nila. Nag antay pa sila pero pagkatapos ng dalawang oras na walang Dorothy na bumalik , Nagreport na sila sa mga otoridad. Tinawagan ng mga pulis ang pamilya ni Dorothy at at napag alaman nila na hindi pa ito nakakabalik galing trabaho para daanan ang anak. Agad umaksyon ang mga otoridad at nagpakalat ng impormasyon tungkol kay Dorothy.
4:30am ng matagpuan ng mga otoridad ang sasakyan ni Dorothy. (White toyota wagon 1979) labing anim na kilometro ang layo mula sa ospital kung saan huli syang nakita. Natagpuan nila na nasusunog ang sasakyan pero wala ang katawan ni Dorothy. Dumaan ang mga araw pero walang Dorothy na bumalik dahilan para magdala na ng takot at pag aalala sa pamilya at anak nya. Pagkatapos ng isang linggong pagkawala nya , Ang ina ni Dorothy ay nakatanggap ng tawag mula sa misteryosong lalaki at sinabing "I've got her" at inaming pinatay nya si Dorothy. Every wednesday nakakatanggap ng tawag ang ina ni Dorothy mula sa lalaki pero yun at yun lang ang mensahe. Ang monitoring equipment na inilagay ng mga otoridad sa tahanan ni Dorothy ay bigong ma-trace kung saan galing ang tawag sa dahilang "it was outside radar". Maging ang ex husband ni Dorothy ay kinuwestyon na ng mga otoridad. Ang alibi nya na nasa ibang state sya ng mangyari ang pagkawala ni Dorothy ay pinaniwalaan ng mga otoridad. Bagay na napatunayan din nya dahilan para ang pagkawala ni Dorothy ay walang resulta sa loob ng apat na taon.
Until August 6 , 1984 , Isang contruction worker ang nakakita sa isang human bones kasama ang dalawang aso na nakalibing sa gilid ng canyon road , Sta Ana. Ang mga human bones na nakita ay inireport sa mga otoridad. Nakakita din isang singsing at isang relo showing 00:30 , isang oras pagkatapos lumabas ang sasakyan ni Dorothy sa ospital ayon sa mga otoridad. Ang nagsagawa ng forensic ay sinabing ang mga human bones ay pag aari ni Dorothy kabilang ang ilang gamit na nakita pero ang cause ng pagkamatay nya ay hindi na natukoy pa.

Namatay ang ama ni Dorothy taong 1994 habang ang kanyang ina pumanaw taong 2002 nang hindi man lang nila nalaman kung sino ang walang awang pumatay sa anak. Bakit at ano ang motibo. Habang ang anak ni Dorothy na si Shawn ay gumawa ng personal blog na dedicated sa kanyang ina. Patuloy na umaasa na darating ang araw na masasagot ang mga katanungan nya.
Murder and Beyond*

Crime StoriesWhere stories live. Discover now