Real Life Monsters : Milwaukee Cannibal (Parts 1-4)

46 0 0
                                    


Part 1


BABALA: Ang Istoryang iyong mababasa ay nangyari sa totoong buhay. Ang mga sumusunod na impormasyon ay pawang katotohanan lamang. Ang mga larawan ay maaring karimarimarin at hindi angkop sa mga mahihina ang loob.

Si Jeffrey Lionel Dahmer ay isang amerikanong serial killer, sex offender, rapist, cannibalistic at murderer. Sa kabuuan, 17 lalaki at menor de edad na lalaki ang kanyang naging biktima. At karamihan sa kanyang krimen ay may kasamang Necrophilia (pakikipagtalik sa bangkay) cannibalism at permanenteng pagpreserba ng katawan ng kanyang biktima. Kadalasay mga kalansay na ang mga ito.Pero sino nga ba si Jeffrey Dahmer? Si Jeffrey Dahmer ay ipinanganak noong ika-21 ng Mayo taong 1960. Ang ina ni Dahmer na si Joyce Annet ay nagtatrabaho bilang isang teletype machine instructor (Machine na ginagamit sa pagtransfer ng mga imahe noong world war). At ang ama naman nyang si Lionel Herbert Dahmer ay isang estudyante sa Marquette University na nooy kasalukuyang kumukuha ng degree sa Chemistry. Bagamat masasabing normal ang buhay nila noon ay hindi nabigyan ng sapat na atensyon noon si Dahmer nong maliit pa lamang ng lanyang mga magulang at madalas pa'y nag aaway ang mga ito. Ang kanyang ina ay may pagka war freak na kahit mga kapit bahay ay inaaway. At lumaki syang nakikipag agawan ng atensyon ng kanyang ama sa kanyang ina. Sabik sa atensyon ang kanyang ina lalo na nung itoy magkasakit at naging bedridden. At ang naalala lang ni Dahmer sa kanyang kabataan ay isang magulong pamilya.Sa murang edad, nahilig si dahmer sa mga patay na hayop. Nangongolekta sya ng ibat ibang insekto at nilalagay ang mga ito sa garapon. Namumulot din sya ng mga bangkay ng mga hayop at iuuwi nya ito sa kanilang tahanan. Doon paghihiwahiwalayin ni Dahmer ang bangkay ng hayop at saka ilalagay sa garapon. Minsan nama'y chinop chop nya ang katawan ng isang aso saka ito ipinako sa isang puno. Ayon na rin sa kanyang ama. nag simulang magkaroon ng interest si dahmer sa mga buto o kalansay noong 4 na gulang pa lamang ito. Sobrang nati-thrilled daw ito sa tunog ng mga buto at madalas syang mag disect ng hayop upang malaman kung sang parte ng katawan matatagpuan ang mga buto nito. At sa pag aakalang scientific curiosity lamang ang pagiging interisado ng kanyang anak na si jeffrey sa mga buto, tinuruan nya ito kung paano ang tamang pag preserve ng mga buto/kalansay.During highschool years ni Dahmer isa syang outcast at di masyadong nakikisalamuha sa mga kaeskwela. Naging alcoholic din sya. Madalas syang magpuslit ng alak sa eskwelahan ngunit isa sya sa maituturing ng kanyang paaralan na pinakamatalino sa klase.Noong syay magbinata napagtanto ni Dahmer na syay may pusong babae. Hindi nya pinaalam sa kanyang mga magulang ang tungkol dito. Nagkaroon man sya ng karelasyon na kapareho nya ng kasarian ay di pa nya naranasang makipagtalik sa mga ito. Di nagtagal nagkaroon sya ng pantasya na magkaroon ng aliping lalaki na buong buong ibibigay ang sarili nito sa kanya. Kasabay noon ay nagkaroon sya nang pagnanasang makapagdisect ng isang walang malay na alipin. May isang pagkakataon sa edad na 16, binalak nyang pumatay ng isang lalaki para maisagawa ang pantasya ngunit di sya nagtagumpay. Pero ayon sa kanya yun ang pinakaunang pagkakataon na binalak nyang pumatay ng tao.Sa edad na 18, ika-18 ng hunyo taong 1978 may pinick up si dahmer na isang hitchhiker na nagngangalang Steven mark Hicks at hinikayat itong doon muna tumuloy sa kanyang tirahan. (Noong panahong iyon magisang namumuhay si Dahmer sa kanilang bahay dahil naghiwalay na ng tuluyan ang kanyang mga magulang. Ang nag iisa nyang kapatid ay nasa poder ng kanyang ama.) Ayon kay Dahmer matapos nilang uminom nais na daw umalis ni Hicks. Pero ayaw ni Dahmer kaya naman hinampas nya ito ng isang 10lbs na dumbell sa ulo dahilan para mawalan ito ng malay sinakal nya ito gamit ang dumbell hanggang sa itoy mamatay. Saka nya ito hinubaran at inumpisahan na nyang mag masterbate habang nasa ibabaw ng bangkay ni Hicks. Nung sumunod na araw dinisect ni Dahmer ang katawan ni Hicks sa basement at saka nilibing sa mababaw na hukay sa likod ng kanyang bahay. Pagkaraan ng ilang linggo muli nya itong hinukay at hiniwalay ang natirang laman sa buto. Tinunaw nya ang mga nakadikit pang laman sa buto gamit ang acid saka ito finlush sa toilet ang mga lamang natunaw ng acid. Dinikdik at pinino naman nya ang buto ni Hicks at saka sinaboy sa paligid ng bahay nya. Anim na linggo matapos ang pagpatay kay Hicks. Bumalik ang kanyang ama sakanilang tahanan. Nagcollege si Dahmer ngunit nag dropped out din dahil sa pagkalulong nito sa alak. Resulta nitoy pinilit ng ama ni Dahmer na pumasok ito sa US military. Doon nagsilbi sya bilang isang Combat medic ng 2nd battalion, 68th armored Regiment, 8th Infantry division. Ngunit makaraan ang humigit kumulang isang taon ay tinanggal sa serbisyo si Dahmer dahil sa pangre-rape nito sa dalawang kapwa sundalo. Dinadrugged nya muna ang mga ito bago gahasain.Nagpatuloy ang buhay ni Dahmer na labas masok sa kulungan. at nagpalipat lipat ng matitirhan. (Masyadong hahaba pag isasama ko pa ang buong detalye) until he end up in Milwaukee sa poder ng kanyang mahal na lola. Nagkaroon sya ng ilang relasyon sa ibat ibang lalaki ngunit hindi sya nasisiyahan sa partner nya kapag gumagalaw ito habang nagtatalik sila kaya naman ang ginagawa nyay pinapainom nya ang mga ito ng alak na may sleeping pills. pag tulog na ang mga ito saka nya ito gagahasain sa ganiong paraan naeenjoy ni Dahmer ang kangyang sex life.Ika-20 ng Nobyembre taong nang makilala ni dahmer ang nooy turistang si Steven Tuomi sa isang bar. Hinikayat ni Dahmer na tumuloy muna sa inupahan nitong kwarto sa Ambassador Hotel para sa gabing yun. Ayon kay Dahmer wala daw syang intensyong patayin si Tuomi. Drinoga nya lamang ito at ginhasa kagaya ng nakaugalian nyang gawin sa mga nakarelasyon nya. Pero kinabukasan nagising na lamang sya na hindi na humihinga si Tuomi habang nakadagan sya sa bangkay nito. Parang nalamog umano ang dibdib ni Tuomi at nagkukulay asul at itim na. Marami din daw itong galos sa buong katawan. Walang naaalala si Dahmer na pinatay nya ito kaya ang ginawa nya para ma-despose ang katawan ni toumi, bumili sya ng malaking maleta saka sinilid ang katawan ni Toumi doon. Iniuwi nya ito sa tahanan ng kanyang lola at doon itinago. Makaraan ang isang linggo saka pa lamang nya ito pinugutan ng ulo saka chinop-chop. Hiniwalay na muna nya ang mga buto sa laman saka hiniwa ng maliliit ang mga laman. Binalot nya sa tela ang mga buto saka ito pinukpok ng sledgehammer upang magkapira piraso.Ang lahat ng body remains ni Toumi ay isinilid nya sa isang trash bag at saka itinapon sa basurahan maliban na lang sa ulo nito. Inabot lamang sya ng dalawang oras para magawa ang lahat ng prosesong ito.Pag kalipas ng dalawamg linggo. Pinakuluan ni Dahmer ang itinago nyang ulo ni Toumi sa pinaghalong Soilex ( an alkali-based industrial detergent) at Bleach para mapreserba ang bungo ni Toumi. Ginamit nya sa pagmamasterbate ang bungo ni Toumi pero dahil sa masyado itong naging marupok, gawa na din ng bleaching process ,. napagdesisyunan nya ding pinuin ito hanggang sa maging pulbura at saka ito itinapon.

Crime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon