The Brutal Killing of Tyler Hadley

49 0 0
                                    


The brutal killing of Tyler Hadley who hammered his parents head to death just to throw a party.

"They said he's kind, quiet obedient young boy or so they thought"

Taong 2011, ang 17 year old na si Tyler Hadley , isang mahiyain, introvert na binatilyo na may weird na pag uugali kung saan hindi makatingin ng derecho sa mata ng taong kinakausap ay nakatira kasama ang kanyang mga magulang na sina Blake and Mary Jo Hadley sa Port St. Lucie, isang maliit na komunidad 40 miles north sa West Palm Beach , Florida.

Ang kanyang mga magulang ay lumipat sa Port St. Lucie mula sa Port Lauderdale sa dahilang gusto ng kanyang ama na mapalapit sa mga magulang kung saan ilang block lang ang layo ng tahanan ng mga ito sa kanila. Si Blake na kanyang ama ay nagtatrabaho sa Port St. Lucie power plant bilang watch engineer habang ang asawang si Mary Jo na may depression ay isang elementary teacher by profession. Habang ang isa pang anak na si Ryan ay nag aaral nmn ng kolehiyo sa North Carolina.

As a child , Si Tyler ay tahimik at well behave na bata. Lumaking close sa kanyang mga magulang. Kadalasan kalaro nya ang kanyang ama , naglalaro ng soccer , kung hindi man enjoy syang kasama ang pamilya sa backyard ng kanilang tahanan. Pero nagbago ang kanyang ugali pagtuntong ng high school sa Port St. Lucie School. Naging pasaway sya , naging sakit ng ulo ng pamilya , isang binatilyong hyper na tila laging naghahanap ng trouble. Taong 2010 ng mapatunayang guilty sya sa kasong pagnanakaw. Sa parehong taon din ng sinunog nya ang isang establishment hindi kalayuan sa community park. April ng taong 2011 naman ng kasuhan sya ng mga otoridad ng pananakit nang ang isa sa mga kaibigan nya ang nireklamo sya. Buwan ng Hunyo ng kaparehong taon , dala ng sobrang kalasingan inihian nya ang kama ng isa sa mga kaibigan nya. Dahil sa mga maling gawain nya inenroll sya sa isang counselling , nang walang magandang epekto sa kanya , ang kanyang ina ay ipinasok na sya sa isang mental health facility.

On July 16, 2011 nagpost si Tyler sa facebook na ipinapaalam sa lahat na magkakaroon sya ng malaking party sa bahay para sa gabing iyon. Sinabi nya pa na walang makikialam sa kanila dahil sya lang mag isa sa kadahilanang nasa out of town ang mga magulang nya. By midnight , dumagsa ang napakarami nyang bisita na karamihan ay hindi sya kilala. Napuno ng malakas na tawanan ang kanilang tahanan , malakas na musika , mga couple na nagme-making out , mga bote ng alak at mga upos ng sigarilyo. Ang ilan pa sa mga bisita nya ay nanira ng gamit , nag-vandal sa mga pader , ang mga sofa ay ginawang ashtray.

Nang ang isa sa mga kaibigan nya ang nagpaalam para umuwi na hinila ito ni Tyler at kinausap. Sinabi nya ditong natatakot sya. Na baka dahil sa ginawa nya makulong sya habang buhay. Na alam nyang hindi maniniwala ito pero umamin syang nakapatay sya bagay na hindi pinaniwalaan ng kaibigan nya. Iniwan sya lumabas at nag-drive pauwi ng bahay. Sinabi din nya ito sa isa pang kaibigan nya pero tulad nong nauna pinagtawanan at nagkibit lamang ito sa kanya. At one o' clock that morning , kinausap ni Tyler ang matalik nyang kaibigan na si Michael Mandell at sinabing pinatay ko ang mga magulang ko bagay na nong una hindi din pinaniwalaan ng kaibigan. Dagdag nya pa na hindi sya nagbibiro. Isinama nya ang kaibigan sa garage kung saan nakita ni Michael na naka-park ang mga sasakyan ni Mr and Mrs Hadley. Nang i-on ni Tyler ang ilaw sa garage napansin ni Michael ang mga bakas ng dugo sa sahig. Bumalik sila sa loob ng bahay kung saan may mga iilan pa ding nagsasaya.

Isinama nya si Michael sa master bedroom. Sarado ang pinto pero may nakita din syang mga bakas ng dugo. Pagbukas ng pinto tumambad kay Michael ang duguang katawan ng mag asawa na nakabalot ng towel. Hindi natagalan ni Michael ang mga nakita kaya nagmadali itong lumabas ng kwarto.

Matamang nakinig si Michael kay Tyler habang isinasalaysay nito kung paano nito naisagawa ang kanyang karumal dumal na krimen. Sinabi nyang around 5 o' clock in the afternoon tinago nya ang mobile phones ng mga magulang. Uminum sya ng tatlong ecstacy pills kinuha ang claw hammer hinanap ang ina at nang makita walang awang pinagpapalo sa ulo habang nakaupo sa family computer. Ang amang si Blake na nag aayos ng sasakyan ng mga panahong iyon ay narinig ang sigaw ng asawa at nagmamadaling pinuntahan ito para saklolohan. Nang makita ni Tyler ang ama agad nya itong inatake at pinagpapalo sa ulo na agad ding ikinamatay nito. Pagkatapos nyang patayin ang mga magulang sa hindi malamang dahilan , binalot nya ng mga towel ang katawan nito at dinala sa master's bedroom. Saka nya nilinis ang pinangyarihan ng krimen.

Si Michael pagkatapos marinig ang pag amin ni Tyler kung paano nito naisagawa ang pagpatay ay nanatiling kalmado , bumaba , nakisaya at nag stay pa ng 45 minutes kung saan nag-pose pa sya kasama si Tyler.

At 2am in the morning , nagsabi ang ilan sa mga bisita na uuwi na sila. Tinangka pa silang pigilan ni Tyler at nagsabing marami pang alak pero hindi nakinig ang mga ito sa kanya , pagkatapos ng labing limang minuto , ang mga sasakyan na naka-park sa labas ay napuno ng mga kabataang nakatakdang lisanin ang tahanan ni Tyler.

Samantala , ang malakas na tawanan , ingay , komosyon ng mga naiwaang bisita ang kumuha sa atensyon ng mga kapitbahay dahilan para tumawag na ang mga ito sa otoridad. Dalawang police officer ang pumunta sa tahanan ni Tyler. Nakita nilang may hindi bababa sa dalawangpung kabataan ang nagsasaya. Agad kinausap ni Tyler ang mga pulis at nangakong hindi na gagawa ng anumang tatawag sa atensyon ng mga kapitbahay. Dahil sa sinabi nyang iyon , nagpasyang umalis na ng mga otoridad.

Nagpatuloy ang party hanggang 4 o' clock in the morning. By that time , nag umpisa ng maghinala ang mga naiwang bisita sa kakatwang ikinikilos ni Tyler. Isa sa mga party goer ang naglakas loob na nagtanong kay Michael kung ano ba ang nangyayari sa kaibigan nya. Ang kakatwang ikinikilos ni Tyler at ang tanong ng bisita ang nagtulak kay Michael para patagong tumawag sa mga otoridad. Idinetalye nya ang ginawang pag amin ni Tyler at sinabi na may dalawang bangkay ng mag asawa na hanggang sa mga oras na iyon ay nasa master bedroom pa. Pagkatapos ng ilang oras , bumalik ang mga otoridad.

Agad na inaresto si Tyler. Nadiskubre nila ang bangkay ng mag asawa sa master bedroom. Kinasuhan si Tyler ng two counts of first degree murder ng isang prosecutor. Tinangka pa ni Tyler na magpiyansa pero hindi sya pinayagan ng judge. Sa kulungan , sya ay naging instant celebrity para sa mga inmate.

On February 19, 2014, ilang buwan bago ang kanyang trial sa karumal dumal nyang pagpatay , ikinontesta ni Tyler ang nagawa nyang krimen. Habang isinasagawa ang trial noong March 20 , 2014 , ang kanyang abogado ay humiling sa judge na si Robert Makemon na sintensyahan si Tyler ng tatlongput taong pagkakabilanggo na may kasamang pag-review ng kaso nya pagkatapos ng dalawangpung taon. Pero ito ay kabaligtaran ng inaasahan nila dahil ang hukom ay hinatulan si Tyler ng two life sentences na walang posibilidad na parole.

Trivia : Nang magbigay ng pahayag si Michael Mandell sinabi nya na akala nya ay kilala na nya ng lubusan ang kaibigan na halos walong taon na nya kasa-kasama.

"Wala sa hinagap ko na magagawa nya ang ganong karumal dumal na krimen dahil normal naman sya kapag kausap mo. Nakikipagkulitan , kwentuhan , nakikipagtawanan. Kaya nong umamin sya sakin , nanatili lang akong kalmado. Sa isip ko nagawa nya to sa sariling magulang nya magagawa nya din to sa aming mga kaibigan nya. Trinato ko lang normal na bagay kahit awang awa na ko sa magulang nya. Nilaro ko lang ang sitwasyon ang hirap ng kalagayan ko nong panahong iyon dahil hindi ko alam kung yung best friend ko pa ba ang kausap ko o ibang tao na. Kaya nong nagkaron ako ng pagkakataon ako na mismo ang tumawag sa mga otoridad. Sa isip ko , hindi pwedeng tumayo lang ako at walang gagawin."

(c) Murder and Beyond

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon