Chapter Fourty Four

2K 64 1
                                    


Heto na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ang araw ng aming church wedding. Sa konting araw na ibinigay ko kay Vince ay nagawa niyang maiayos ang lahat. Syempre sa tulong na din ng mga kakilala niyang tao. Inuna nilang tapusin noon ang mga invitation cards at mabilis na ipinamigay.



Sa St. Ferdinand Metropolitan Cathedral Church of San Fernando Pampanga ang napili ni Vince na pagdausan ng aming kasal at sa The Country Garden ang reception.



At kahit biglaan ang araw ng kasal ko ay dumating pa din sina Monique, Shane, Andrea at Desiree.



"Hindi halatang buntis ka na diyan sa suot mong gown ha?" Sabi ni Shane.


Isang off shoulder white wedding gown na may mahabang laylayan sa likod ang suot kong wedding gown. Regalo ito ni Mrs. Luarca sa akin. This gown cost a lots of money kaya hindi pumayag si Vince na hindi ibigay ang kalahating presyo nito kay Mrs. Luarca.



"Kaya nga e. Mabuti na lang healthy naman ang baby ko."



"Kaya nga.. kung nagkataon kami ang sisisihin ni Vince." Sabi naman ni Andrea.



Tumingin ako kay Desiree na parang hindi mapakali.



"Ano bang nangyayari sayo Des?" Tanong ko.



"Hay naku, nagkasalubong sila ng kuya mo diyan sa labas kaya hayan yang sister in law to be mo, hindi mapakali." Sabi ni Monique.


"Tse! Manahimik ka nga diyan!" Sabi ni Desiree.



Bumukas ang pinto at pumasok doon sina Kuya at Tito Rene.



"Oh my! Ang ganda ganda talaga ng pamangkin ko!" Papuri ni Tito Rene sa akin.



"Thank you Tito." Sabi ko.



Humalik naman sa akin si Kuya.



"Your groom is waiting for you, lets go?" Sabi ni kuya.



Tumango naman ako. Nauna ng lumabas ang mga kaibigan ko at sumunod kami nila kuya. Inalalayan ako ni kuya na sumakay sa bridal car bago sila naunang umalis sa akin.




Nang makarating ako sa simbahan ay nag umpisa na silang martsa. Isinara nila ang pinto bago ako bumaba at inalalayang makatayo sa harap ng pintuan.



Nang bumukas ang pinto ay nakita ko na ang lahat ay nakatingin sa akin. Nakaabang sina kuya at Tito Rene sa gitna ng aisle. As i walk into the aisle isa isa kong naalala ang mga pangyayari sa buhay ko.



I met this man ng mapagkamalan niya na ako ang asawa niya. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko malalaman na may isang tao na palang gumagamit ng pagkatao ko ng hindi ko nalalaman.


Naranasan ko din ang masaktan niya ako at mapagbuhatan ng kamay pero naintindihan ko kung bakit nagawa niya yon. I did'nt expect that i will fall for his charm despite of our age gap. Tinanggap ko ng buo ang pagkatao niya kahit may anak na ito na kalaunay nalaman ko din na mga pamangkin ko pala ang mga ito.



Sinaktan ko din siya ng magsinungaling ako sa kanya na hindi ko siya mahal.


Humalik ako kina kuya at Tito Rene ng makalapit ako sa kanila.


"Huwag kang umiyak. Youre ruining your make up." Bulong ni Tito.



Kinuha ni kuya ang panyo sa bulsa niya at bahagya niyang iniangat ang belo ko sa ulo para makapasok ang kamay niya at punasan ang mga luha ko.



My Unknown HusbandWhere stories live. Discover now