Chapter Twenty

1.7K 60 1
                                    

Pasado alas dies na ng gabi ng makauwi kami sa beach house. Dahil sa pagod ay dumiretso na kami sa kanya kanya naming kuwarto para maglinis ng katawan at matulog. Nang makahiga na ako at pumikit na ay narinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Hindi na ako nag abala pang tingnan ito dahil antok na antok na ako.

Alas kuwatro pa lang ng madaling araw kinabukasan ay umalis na kami ng beach house para umakyat sa bundok. Naiwan si keisha dahil masyado pa siyang bata para umakyat sa bundok. Ang Mt. Tapulao ang bundok na aakyatin namin ngayon.

Nakajacket kami dahil malamig daw ang klima doon habang pumapaitaas kami. Nang mag umpisa na kaming maglakad ay sinabayan ako ni Vince sa paglalakad.

"Nilalamig ka?" Tanong niya.

"No. Sanay na ako sa lamig." Sagot ko.

"You need scarf?"

"No."

"Water?" Tanong niya ulit.

"No thanks." Sabi ko saka na ako nagmadali para makalayo sa kanya.

Nauuna ang kambal sa paglalakad. Sumabay ako kina Tricia at Terry.

"O bakit iniwanan mo yon?" Tanong ni Tricia.

"Hayaan mo siya." Sagot ko.

"Bahala ka, ahasij yon nung malaki ang joga." Sabi ni Terry.

"I dont care." Sagot ko.

"Mga mam and sir, magpapahinga po muna tayo dito. Hihintayin po nating sumikat ang araw bago po tayo tumuloy." Sabi ng guide namin.

Madami kaming kasabay sa pag akyat ng bundok. Ang mga guide ay nagsimula ng gumawa ng apoy para magpainit ng tubig na pangkape ng mga hikers na kasama namin.

Naupo ako sa tabi nila Terry at Tricia. Kasama din ang kambal.

"Mom its so cold!" Sabi ni Ivan.

"Come closer to me and i'll hug you." Sabi ko.

Lumapit naman si Ivan sa akin.

"Mom ako din." Sabi naman ni Irish.

Lumapit din siya sa akin at pareho silang nakayakap sa akin kaya medyo nabawasan din ang lamig na nararamdaman ko.

"Terry payakap nga naman. Nilalamig kasi ako e." Sabi ni Tricia.

At sa unang pagkakataon ay hindi nagreklamo si Terry. Niyakap nga niya si Tricia.

"Uyyy!" Tukso ng kambal.

"Titiisin ko na kesa mamatay ako sa lamig dito." Sabi ni Terry.

Gumawa ng bonfire ang isa sa mga guide kaya medyo naibsan ang lamig na nararamdaman namin.

"Can i join? Nilalamig din ako e." Narinig kong sabi ni Vince.

"Come daddy." Sabi ni Irish.

Kaya wala na akong nagawa ng yumakap si Vince kay Irish. Atleast hindi ako ang kayakap niya kundi ang anak niya. Nasa ibang pwesto naman si Maddie, malapit siya sa bonfire, nakita ko siyang nakatingin kay Vince.

"Where's your bonnet Irish?" Tanong ko kay Irish.

"Its in my hands mom." Anya.

"Put it in your head. Sisipunin ka sige ka." Sabi ko.

Mabilis naman niyang isinuot yon. Nang magbukang liwayway na ay muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. Patuloy ko pa ring iniiwasan si Vince.

"Tingnan nyo ang ganda dito!" Sabi ni Tricia.

Totoong maganda ang lugar. Ngayon lang ako nakaakyat sa ganito kagandang bundok. Sobrang lamig pa dito kahit sabihing summer season. Ang sabi ng guide bukas pa daw kmi makarating sa tuktok kaya matutulog pa kami dito mamayang gabi.

My Unknown HusbandWhere stories live. Discover now