Chapter Two

2.1K 59 1
                                    

Nang ikaapat na araw ko sa Pilipinas ay napagpasyahan naming mamasyal sa sikat na Mall dito sa pampanga. Iniwan ko ang dalawa sa loob ng sinehan dahil kailangan kong gumamit ng banyo. Paglabas ko ng bathroom ay may bata akong di sinasadyang mabunggo. Sa tantiya ko ay nasa edad 5 na ang batang babae na to.

"Oh, Im sorry little girl." Sabi ko saka ko siya itinayo.

Nang mapatingin sa akin ang bata ay mukhang natakot ito sa akin.

"I... im so...sorry m...mommy!" Kandautal nitong sabi.

Napakunot ang noo ko dahil tinawag akong mommy ng bata.

"Nasaan ba ang mommy mo? Bakit hinayaan ka niyang magpakalat kalat dito?" Tanong ko.

Mukhang takot na takot ang bata sa akin. Nang akmang hahawakan ko ito ay bigla na lang itong tumakbo palayo sa akin. Nasundan ko na lang ng tingin ang batang takot na takot na tumatakbo.

Napailing na lang ako at naglakad palayo. Babalik na sana ako sa loob ng sinehan ng mahagip ng paningin ko ang stall ng mga sketch pad. Pumasok ako don at tumingin tingin ng mga sketch pad. Nang hawakan ko ang isang sketch pad ay may humawak din nito. Nagkatinginan kami ng babae na sa tantiya ko ay nasa edad disisais na. Nabitawan niya ang sketch pad kaya ako na lang ang may hawak dito.

"Gusto mo ba ang design ng sketch pad na to? Sige ikaw na lang ang kumuha nito. Okey lang naman sa akin kahit ano design ng sketch pad ko e." Nakangiti kong sabi sa dalaga na mukhang gulat na gulat.

Hindi siya makapagsalita kaya napakunot noo ako.

"Miss are you okey?" Tanong ko.

Nang hindi siya sumagot ay nagkibit balikat na lang ako at nagpasyang lumabas na lang sa shop na yon. Tinext ko nalang si Tricia na pabalik na ako. Naglalakad na ako pabalik sa sinehan ng may biglang humablot sa braso ko.

"Ang tagal kitang hinanap dito lang pala kita makikita!" Sabi ng may hawak sa braso ko.

Tumingin ako sa taong yon at nakita ko ang pinaka guwapong mukha na lagi kong napapanaginipan. Pero bakit galit na galit ito sa akin?

"Wait! Do i know you?" Tanong ko.

Nanggagalaiti ito sa galit sa sinabi ko.

"Huwag kang umarte na parang hindi mo ako kilala Sabrina!" Anito.

Kilala niya ako! Pero sino ba ang taong ito at parang galit na galit siya sa akin?

"Teka ano ba? Nasasaktan ako! Hindi kita kilala! Sino ka ba?" Tanong ko.

"Sa bahay tayo mag uusap!" Anya saka niya na ako kinaladkad.

Nagpumiglas ako dahil hindi ko naman talaga siya kilala.

"Bakit ako sasama sayo e hindi nga kita kilala! Will you please let go of me?!" Sigaw ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao at mukhang nahihirapan na siya sa paghila sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong pangkuin at ilagay sa kanang balikat niya na parang nagbuhat lang siya ng isang sakong bigas.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko.

Bigla niya na lang akong ibinaba sa loob ng kotse. Tumabi siya sa akin at isinara ang pinto.

"Domeng sa bahay tayo." Sabi nito.

Umandar ang kotse. Isang sampal ang pinadapo ko sa mukha ng estrangherong ito.

"Pakawalan mo ako! Kidnapper ka! Idedemanda kitang walang hiya ka!" Sigaw ko.

"Ako pa ang idedemanda mo?! Sa laki ng pera ko na ninakaw mo baka ikaw pa ang makulong!" Singhal niya sa akin.

My Unknown HusbandOù les histoires vivent. Découvrez maintenant