Chapter Twenty Three

1.7K 52 1
                                    


Sobrang sakit ng katawan ko ng magmulat ako ng mata. Puting kisame ang nakita ko, bigla akong bumangon ng maalala ko ang nangyari.

"Calm down." Anang isang tinig.

Tiningala ko yon at nakita ko ang mukha ni Vince.

"Vince!"

Mabilis akong yumakap sa bewang niya. Napaiyak na ako sa takot. Pakiramdam ko gagawan ulit ako ng masama ng taong yon. Umupo si Vince sa kama at niyakap din ako pabalik.

"Vince natatakot ako! Baka nandiyan pa siya!"

"Shhh! Wala na si kuya. Nakakulong na siya. Hindi ko hahayaang gawan ka niya ulit ng masama." Sabi niya.

Tiningnan ko siya. "Kuya?"

"He's my adopted brother. Siya si Vincent Dela Serna."

"Siya ang kabit ng asawa mo, sinabi niya yon kanina. Siya din ang ama ng mga bata, Vince!" Sabi ko.

Nakita ko ang pagkagulat na rumehistro sa mukha niya. Maya maya pa ay nakita ko ang pagtagis ng mga bagang niya.

Nagulat ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Sa takot ay mahigpit akong napayakap kay Vince.

"He's here!" Sigaw ko.

"Sabrina Calm down. Hindi siya ang pumasok" sabi ni Vince.

"Sab..." boses yun ni Drew.

Tumingin ako kay Drew. Nakita ko na kasama niya sina Terry at Tricia. May pasa din sa mukha si Terry.

"Drew..."

Nagpunta sa kabilang side ng kama si Drew. Kumalas naman ako ng pagkakayakap kay Vince. Naupo si Drew sa kama sa harapan ko at kinuha ang mga kamay ko.

"Okey ka na ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagkakagulo na pala doon sa bahay mo kaninang kausap mo ako?"

"Drew mabilis ang mga pangyayari. We need to find the fake Sabrina. Masyado na akong nasasaktan dahil sa mga ginawa ng taong yon." Sabi ko.

Pinunasan ni Drew ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.

"Gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Hindi naman ako kagaya ng iba diyan na walang ginagawa at hinahayaan ka lang masaktan." Sabi ni Drew.

"Ako ba ang pinariringgan mo?" Sabi ni Vince.

"Bakit? Tinamaan ka ba?" Si Drew

Tumayo si Vince at hinarap si Drew.

"Baka nakakalimutan mong ako ang nandoon kanina at iniligtas si Sabrina."

"Kapatid mo ang nanakit kay Sabrina, malay ko ba kung magka kuntsaba kayo."

"Aba gago ka pala e!"

"Hey boys, huwag kayong mag away dito. Alalahanin nyong may trauma pa itong si Sabrina. Kung gusto nyong magbasagan ng bungo doon kayo sa labas okey?" Sabi ni Terry.

"Hindi ko kayo kailangang dalawa kung mag aaway lang kayo. Malaya kayong makakalabas ng kuwartong ito." Sabi ko.



"Im sorry." Sabi ni Drew.



Tumingin ako kay Vince at hinihintay na mag sorry din siya.


"Im sorry." Sabi din ni Vince.



"Nasaan si Vincent?" Tanong ko kay Vince.



"Nakakulong siya ngayon. Hindi pa kami nakapag usap dahil idinala kita dito sa hospital." Sabi ni Vince.


My Unknown HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon