Chapter Fourty Three

1.8K 52 0
                                    


Touch down, Philippines....



Kinuha na namin ang mga bagahe namin at sabay sabay kaming lumabas sa airport.



"Mom! Dad!"



Nakita namin ang mga bata kasama sina kuya at Terry. Tuwang tuwa ang mga batang yumakap sa akin ng makalapit ako sa kanila.



"Hey kids, ako ba hindi ninyo yayakapin?" Tanong ni Vince sa mga bata.



Lumapit naman ang mga bata kay Vince saka mabilis siyang niyakap at hinalikan saka muling lumapit sa akin.



"Ganon lang?" Sabi ni Vince.



"E daddy, one week ka lang naman pong nawala. Si mommy ang tagal e." Sabi ni Ivan.



"Sabi ko nga." Sabi ni Vince.



"Pwede ko naman bang mayakap ang kapatid ko?" Si kuya.



"Syempre naman po Papa." Sabi ni Irish.



Lumapit sa akin si kuya at niyakap ako saka ako hinalikan sa noo.



"Hay naku, doon na tayo magkuwentuhan sa bahay. Ihatid nyo na muna kami sa bahay Vince bago kayo umuwi ni Sabrina sa bahay ninyo." Sabi ni Tito Rene.



"Sige Tito. Lets go." Sabi ni Vince.




Sa bahay ko muna kami tumuloy para ihatid sina Tito Rene at Tricia bago kami umuwi sa bahay ni Vince.



"Iha." Sabi ni Mama ng dumating kami ni Vince.



Lumapit ako saka ako yumakap sa mama ni Vince at humalik dito.



"Salamat naman at hindi ka tuluyang nawala sa buhay namin. Natupad na ang pangarap ko para kay Vince na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya." Anya.



Ngumiti ako kay Mama, hinawakan ko ang mga kamay niya.



"You know how much i love your son, Mama." Sabi ko.



"Anong ibig mong sabihin honey?" Singit ni Vince.



Tumingin si Mama kay Vince at ngumiti siya dito.



"Sinabi niya noon sa akin kung gaano ka niya kamahal. Kaya nga siya umalis noon para iwasan ka at pigilan ang namumuong pag ibig niya para sayo. But then nalasing ka at hindi ka niya kayang pabayaan kaya bumalik siya." Kwento ni Mama.



Lumapit sa akin si Vince at masuyo akong inakbayan.



"I love you honey." Anya.



Kitang kita ko sa mga mata niya ang labis na kasiyahan. Ibang iba na siya sa Vince na nakilala ko noon na puno ng galit.



"I love you too." Sabi ko.




"Halina kayo sa hapag kainan. Nagpahanda ako ng mapagsasaluhan natin. Alam kong gutom na kayo at namiss na nitong si Sabrina ang mga paborito niyang Filipino foods."


Nilingon namin ang mga bata na hinahalungkat na ang dala naming balikbayan box. Kinakain na nga ni keisha ang isang toblerone na nakuha niya doon.



"Hey kids mamaya nyo na ipagpatuloy yan. Kumain na muna tayo." Tawag ko sa kanila.





Sabay sabay kaming nagpunta sa hapag kainan para kumain. Natutuwa akong pagmasdan na kumpleto kami sa hapag kainan. Hindi ko lubos maisip na mag aasawa ako sa edad na bente sais. Ang plano ko noon ay kapag tumuntong na ako ng trenta ay saka pa lang ako mag aasawa.





My Unknown HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon