Chapter Fourty Five (WAKAS)

2.9K 99 19
                                    

Vince's POV...

I met a woman noong Nalasing ako isang gabi. Nagising na lang ako kinabukasan na wala na siya sa tabi ko. Pero naalala ko ang pangalang sinabi niya. Sabrina Buenavista. Hindi ako nag aksaya pa ng panahon na hanapin ang babaeng yon dahil para sa akin ay one night stand lang siya. Naging abala din ako sa negosyong naiwan ng namayapa kong ama.

Lumipas ang anim na taon at naparating ko na lang ang babaeng yon at sinabi niya sa akin na nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin. Ipinakita niya sa akin ang kambal na bata. Kahit tutol ang mama ko ay pinakasalan ko ang babaeng yon.

Kalaunay napalapit naman ang mga bata kay Mama.

"Madalas ka yatang ginagabi na ng uwi?" Tanong ko kay Sabrina.

"Pwede ba Vince huwag mo na nga akong pakialaman. Kasi ikaw hindi naman kita pinapakialaman e." Anya.

"Huwag ka lang gagawa ng ikasisira ng pangalan ko kung ayaw mong hiwalayan kita!" Sigaw ko sa kanya.

Inignora lang niya ako at saka na siya umalis. Ganon ang buhay ko sa piling niya. Ilang taon kaming nagsama at muli siyang nagdalang tao at nanganak ng isang batang babae.

Aaminin ko na madalas akong walang oras sa pamilya ko. Hindi ako naging malapit sa tatlong anak namin. Hanggang sa mag away kami ng todo at may inamin siyang nagpagimbal sa akin.

"Hindi ikaw ang ama ng mga anak ko Vince! Narinig mo ba ako?! Hindi ikaw ang ama nila.!"

Sa galit ko sa kanya ay nasakal ko siya.

"Sabihin mo sa akin kung sino ang ama nila! Sabihin mo!" Sigaw ko.

"Dad tama na po!" Sigaw ni Irish na isa sa kambal.

Nabitawan ko ang mommy nila pero hindi ito nilapitan ng mga bata at ako pa ang niyakap nila.

"Go to your mom! I am not your father!" Sigaw ko sa kambal.

Pero nanatili silang sa akin nakayakap at ayaw nilang lapitan ang ina nila. Hindi man ako naging ganon kalapit sa kanila pero minahal ko sila bilang mga anak ko. Kaya ang sakit malaman na hindi pala sila sa akin.

"Alam kong ni minsan ay hindi mo ako minahal Vince! Magkatabi nga tayong matulog pero ni minsan hindi mo ako nilambing! Saka mo lang ako gagalawin kapag lasing ka! For ten years Vince tatlong beses ka palang sumiping sa akin! Sabagay wala naman akong pakialam dahil hindi naman talaga kita minahal!" Sigaw niya.

Pagkasabi niya non ay nagmamadali na siyang tumakbo at umalis ng bahay. Akala ko babalik pa siya pero hindi na siya bumalik. Saka ko lang nalaman na tinangay na niya ang sampung milyong pera ko.

Galit na galit ako sa pagnanakaw niya sa akin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya matagpuan. Naiwan pa rin ang mga bata sa poder ko.

Ilang buwan ang ginugol ko para hanapin siya at pagbayarin sa kasalanang ginawa niya sa akin.

Nakatanggap ako ng tawag mula kay Irish.

"Hello. Are you done shopping?" Tanong ko. Pinayagan ko silang mamasyal na magkakapatid sa Mall ng araw na yon.

"Dad, i saw mommy." Anya.

Napatayo ako at muling umusbong ang galit na nasa puso ko.

"Where?" Tanong ko.

"She's here in the mall. But she look so young and sexy right now." Sabi ni Irish.

"Ginamit niya ang pera ko para magpaganda at magpasexy. Follow her. Im coming."

Mabilis akong nagpunta ng Mall. Nang maituro sa akin ni Irish kung nasaan ang mommy niya ay ipinahatid ko na sila pauwi.

Noong una ay nag alangan ako kung ito nga ba ang naglayas kong asawa. Mas maputi kasi ang babaeng nasa harapan ko ngayon, mas payat at higit sa lahat mas bata sa Sabrina'ng nakilala ko ng siguro ay sampung taon.

My Unknown HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon