Chapter Fourteen

1.8K 70 0
                                    


Hindi ako umuwi sa bahay ko ng gabing yon  gaya ng sinabi ko kina Terry. Doon ako natulog sa bahay ni Vince. Kinabukasan ay hindi nakasabay sa aming kumain si Vince ng agahan dahil daw masama ang pakiramdam. Ako na ang nagpresintang magdala ng breakfast niya sa kuwarto niya. Nang pumasok ako ay kalalabas lang niya sa banyo at katatapos lang maligo at tinutuyo na lang ang buhok niya.


"Akala ko masama ang pakiramdam mo. Bakit ka naligo?" Tanong ko.



"I have an headache." Anya.


Nakita kong nakasuot lang siya ng pambahay kaya hindi siguro ito pupunta ng factory.

"Kumain ka na." Sabi ko.


Umupo naman siya sa sofa at tiningnan ang mga pagkain sa tray na inilagay ko sa table.

"Ito na lang coffee. Para kasi akong masusuka e." Anya.

"Kumain ka ng konti para makainom ka ng gamot." Sabi ko.


Tumingin siya sa akin. "Thank you for saving my life yesterday."

"Wala yon. Next time huwag kang iinom kung hindi mo kayang dalhin. Mapapa trouble ka sa ginagawa mo." Sabi ko.


Tumango siya.


"Vince pwede bang doon na ako tumira sa bahay ko? Papunta punta na lang ako dito sa inyo." Sabi ko.

"Ayaw mo na ba dito sa amin?" Tanong niya.


"Hindi naman sa ayaw ko. Kaso kasi-"


"Kahit hindi ikaw ang pinakasalan ko kasal ka pa rin sa akin. Asawa pa rin kita dahil pangalan mo ang ginamit ng babaeng yon. Alam kong may masama silang plinaplano kaya niya ginawa yon. Mas ligtas ka kung nandito ka sa akin." Anya.

"Pero Vin-"


"You can do whatever you want, mamasyal ka sa mall, sa salon kahit saan basta dito ka lang sa akin. Please Sabrina.. I care for you, and i dont want you to get hurt by those people."

Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. He care for me?

"Pwede mo ding dalawin mga kaibigan mo, mamasyal ka doon, matulog ka doon sometimes but with me."


Napatingin ako sa kanya. Pero seryoso ang mukha niya at alam kong hindi siya nagbibiro.



"Kapag natapos na ito ikaw ang masusunod kung babalik ka na ba sa New York o mananatili na lang dito sa amin. Its all up to you." Dagdag niya.



"Okey." Yun lang ang nasabi ko.


Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at mabilis na nagtungo sa banyo. Narinig ko ang pagduduwal nya don. Sinundan ko siya don at hinagod hagod ko ang likod niya.



"Sino ang ina niyan? Sabihin mo sa akin!" Biro ko sa kanya.


Hinugasan niya ang bibig niya at nagpunas ng tissue.

"What?" Naguguluhan niyang tanong.

"Sabi ko sino ang ina niyan at hahanapin ko para panagutan ka." Sabi ko.


"Youre crazy!" Naiiling niyang sabi sa akin.

"E nagdududuwal ka diyan na parang naglilihi e. Oh my God!" Sabi ko sabay tutop ng bibig.

Napakunot ang noo niya sa akin.


"Hindi kaya may nabuntis ka at naglilihi siya ngayon?! Baka nabuntis mo ang sekretarya mong haliparot?!" Sabi ko sa kanya.


My Unknown HusbandWhere stories live. Discover now