Chapter Twenty Two

1.7K 54 0
                                    


Kinabukasan ay dumating nga si Drew sa bahay ko.



"Nice house!" Anya.



"Thank you. Maupo ka."



Naupo naman siya sa sofa.


"Coffee, tea or juice?" Tanong ko.




"Coffee please." Anya.



Iniwan ko muna siya sa sala at nagtimpla ako ng kape. Nagdala na rin ako ng tinapay sa sala.




"Heto ang mga pictures ng taong kumuha ng pagkatao ko." Sabay abot sa kanya ng picture.



"She really look like you pero medyo mas matured ang hitsura niya." Sabi ni Drew.



"May hinala ako na siya ang stepsister kong si Samantha De Castro. Siya lang ang may motibo para gawin yan." Sabi ko.



"Anong motibo niya?" Tanong niya.



"Lahat ng ari arian namin ay sa akin ipinamana ni Daddy. Ngayon ko lang nalaman na lahat ng yon ay naibenta na nila. Ang dati naming bahay lang ang nahabol ko. Ginaya nila ang pirma ko para magawa yon." Kwento ko kay Drew.



"And what about her marriage with Vince Dela Serna?" Tanong niya.




"Its simple. Its all about money. Ang sabi ni Vince sa akin bago umalis ang impostorang yon ay ninakawan niya si Vince ng ten million pesos."



"Kailangan natin si Vince sa kasong ito. Siya ang nakahalubilo ng babaeng yon for ten years."




Napabuntong hininga ako. Hindi ako siguradong makakausap ko si Vince. Baka aayaw din yon kapag nalaman niyang si Drew ang kinuha kong detective agent.



"I dont think na papayag siyang makipag cooperate sa atin." Sabi ko.



"Wala man lang bang nabanggit si Vince sayo na kasamang ibang tao ng impostora? Ipinakilalang kapatid, ina o ama?" Tanong ni Drew.




"Meron. May ipinakilalang mommy ang pekeng Sabrina kay Vince." Sagot ko.




"Kapag nakilala mo ang sinasabing mommy ng pekeng ikaw, may lead na tayo sa kaso mo. Kailangan mong makausap si Vince. Kung may litrato ka ng madrasta mo, ipakita mo yun kay Vince at ipa identify mo sa kanya kung yung babaeng yun nga ang mommy na ipinakilala ng pekeng Sabrina."



"Im not sure kung may naiwan silang picture sa luma naming bahay." Sabi ko.



"We can go there if you want." Anya.




Tumango naman ako. "Sure. Magpapaalam muna ako sa mga kasama ko."



"I'll wait you here." Anya.



Tumayo ako at pinuntahan ang dalawa sa itaas.



"Terry aalis muna ako." Paalam ko kay Terry.



"Saan ka pupunta?" Tanong niya



"Sa lumang bahay. Kasama ko si Drew."



"Ay! Anong gagawin nyo doon?" Tanong ni Terry.



"Huwag madumi ang isip Terry! Titingnan ko lang kung may naiwang picture doon si Tita Lucila." Sabi ko.


"Ows?"




Binato ko na lang siya ng tissue roll bago ako umalis. Kinuha ko ang sling bag ko sa kuwarto ko at bumaba na ako.



My Unknown HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon