Chapter Nineteen

1.8K 56 0
                                    


I woke up in the morning na wala na si Vince sa tabi ko. Bumangon ako at lumabas ng tent. Sinilip ko ang mga bata sa tent at mukhang kagigising lang din nila.

"Good morning kids."

"Good morning mommy." Magkasabay nilang bati sa akin.

"Get up now at maligo na kayo sa room ninyo. Magpreprepare na ako ng breakfast." Sabi ko.

Inaantok silang lumabas ng tent dala dala ang mga kumot at unan nila. Nakabukas na ang tent nila Terry kaya alam kong gising na sila at pumasok na sa loob.

Pagpasok ko sa beach house ay dumiretso muna ako sa kuwarto ko para maglinis ng katawan. Pagbaba ko ay nakita ko na ang mag asawang caretaker na niligpit na ang mga ginamit naming mga tent. Sinilip ko muna si Mama kung gising na pero nakita kong tulog pa rin ito.

Nagpunta na ako ng kitchen naabutan ko ng nag aalmusal na ang dalawa doon kasama ang kambal at si keisha. Mukhang maagang nakaluto ang katulong nila sa beach house.

"Nasaan si Vince?" Tanong ko kina Terry.

"May kausap sa cellphone niya kanina at mukhang nag aalala nga e. Tapos mabilis na nagbihis at saka umalis." Sagot ni Terry.

Saan naman kaya siya pupunta? Umuwi kaya siya ng Pampanga?

"Tawagan mo kaya?"sabi naman ni Tricia.

"Ang dinig kong pangalan na nabanggit niya kanina e Maddie. That's her secretary right?" Si Terry.

Tumango ako. Ano ba tong nararamdaman ko? Nagseselos ba ako? Anong meron at nag aalala si Vince?

"Naku kumain ka na muna. Mamaya mo na tawagan." Si Tricia.

Sinunod ko amg sinabi ni Tricia. Kumain na muna ako. Pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa cottage malapit sa dalampasigan. Sinubukan kong tawagan si Vince pero hindi niya sinasagot ang tawag.

"Saan kaya siya nagpunta?" Bulong ko.

Narinig kong nagring ang cellphone kaya mabilis ko itong tiningnan sa pag aakalang si Vince yon. Pero nagkamali ako, si Tito Rene ang tumatawag.

"Tit-"

"Haliparot kang babae ka! Ano tong nabalitaan kong nagtabi kayong matulog ng lalakeng yan?!"

Bungad niya. Nailayo ko pa sa tenga ko ang cellphone ko dahil mababasag yata ang eardrum ko sa pagsigaw niya. Sinumbong siguro ako ni Terry kasi si Tricia alam kong hindi yon magsusumbong kay Tito Rene.

"Ipasok mo sa kukote mo na hindi ka niya asawa! Akala ko pa naman napakatalino mo pero bakit ganito ang ginawa mo?! Tell me Sabrina! Tell me!"

Sa boses pa lang niya alam kong galit na galit na siya sa akin. Sa tuwing magtangka akong magsalita ay nagsasalita siya.

"Sinisira mo ang buhay mo dahil lang sa lalakeng yan?! I dont care kahit napakayaman pa niyan! Paano kung hindi ka naman pala niya mahal?! Paano kung yung asawa niya ang mahal niya?! Huwag kang tanga Sabrina!"

"Tito, wala naman pong nangyari sa amin e. Natulog lang po ka-"

"Stupida! Sa palagay mo maniniwala ako sayo?! Sampung taon ang agwat ng lalakeng yan sau at may tatlong anak na! Ang dami ko pang pangarap para sayo tapos kakalimutan mo na lang yon ng basta basta nang dahil diyan sa impokritong yan!"

Hindi ko masisisi si Tito Rene kung bakit ganito na lang ang galit niya. Tama siya, napakadami nga naming pangarap. Pangarap na hindi pa natutupad.

"Tell me Sabrina! Do you love that man?!"

"Y... Yes Tito." Sagot ko.

Sigaw na punong puno ng panggigigil ang narinig ko kay Tito Rene.

My Unknown HusbandWhere stories live. Discover now