Chapter Thirty

1.7K 54 0
                                    


Mag liliwanag na sa labas ng magmulat ulit ako ng mata. Ang sakit na ng katawan ko dahil nakaupo akong nakatulog. Puputok na din ang pantog ko at naiihi ako. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit.

"Ang aga yatang nagising ng prinsesa?" Si Samantha.

Silang tatlo ang pumasok. Nag iwas ng tingin sa akin si Kuya. Mukhang hindi pa rin siya naniniwala sa akin.

"Samantha puputok na ang pantog ko dito. Kanina pa ako naiihi." Sabi ko.

"Kalagan mo yan Vincent at baka diyan pa yan magkalat." Sabi ni Samantha.

Mabilis naman akong kinalagan ni Vincent. Napangiwi ako sa sakit ng iangat ko ang mga kamay ko. Nangawit ang mga ito dahil sa pagkakatali ko.

"Tayo!" Sabi ni Samantha sabay tutok ng baril sa akin.

Itinulak niya ako sa isang gilid sa bodega.

"Diyan ka umihi, bilisan mo!" Utos niya.

Wala akong nagawa kundi ang hubarin ang suot kong pantalon at umihi na lang doon. Nang matapos ako ay muli niya akong itinulak papasok.

"Samantha De Castro sumuko ka na! Napapaligiran ka na namin!"

Nagulat kami sa sigaw na yon!

"Letche Samantha bakit may mga pulis?!" Tanong ni Vincent.

"Aba malay ko?!" Sagot ni Samantha.

"Kailangan nating makatakas dito!" Sabi ni Vincent.

Hinablot ako ni Vincent. Sabay sabay kaming lumabas ng bodega pero nahiwalay kami sa mag ina ng may mga nagpaputok na pulis.

"Kuya ano ba?!" Pilit kong hinihila ang kamay ko sa kanya.

Itinabi niya ako sa isang gilid.

"Ako ang tumawag ng mga pulis. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. Hindi ko sinasadyang patayin ang ama natin. Hindi ko alam." Anya.

Napaluha na ako ng marinig ko ang mga yon. Sa wakas ay naniwala na siya sa akin na kapatid ko siya.

"Kailangang magbayad ni Samantha. Pagkatapos nito handa akong makulong para pagbayaran ang lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Kayo na ni Vince ang bahala sa mga anak ko." Anya.

"Kuya hayaan mo ng ang mga pulis ang tumugis kay Samantha!"sabi ko.

"Kailangan ko ding makaganti sa kanya. Dito ka lang at huwag na huwag kang aalis dito." Anya.

"Kuya sasama ako sayo!"

"Papatayin ka ni Samantha kapag nakita ka niya! Makinig ka sa akin. Hayaan mong gawin ko ito para makabayad ako ng atraso ko sayo."

"Pero kuya-"

"Shhh! Wala ng pero pero." Anya.

Mahigpit niya akong niyakap saka na siya umalis. Pagkatapos non ay sunod sunod ng putok ang narinig ko. Napaupo ako sa sulok kung saan niya ako iniwan.

"Oh God, help my kuya please!" Sabi ko.

Hindi ako mapakali kaya umalis ako kung saan ako iniwan ni Kuya. Pumasok ulit ako sa bodega.

"Sabrina!"

Napalingon ako. Nakita ko si Vince. Lalapit na sana ako sa kanya ng may biglang humablot sa akin.

"Akala mo matatakasan mo ako ha?!" Si Samantha.

"Samantha sumuko ka na!" Sabi ko.

"Namatay ang mommy ko dahil sayo!" Anya na garalgal ang boses.

My Unknown HusbandWhere stories live. Discover now