Chapter Eight

1.9K 67 2
                                    


Nagulat ako kinabukasan ng paglabas ko sa banyo ay nakaupo na sa kama si Vince. Mabuti na lang at nakapagbihis na ako at tinutuyo ko na lang ang buhok ko.

"Vince? A..anong kailangan mo?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin. Nailang naman ako sa paraan ng pagtingin niya.

"Change your clothes at isasama kita sa Factory." Anya.

Nagtaka ako dahil sa kauna unahang pagkakataon ay niyaya niya akong sumama sa kanya.

"O...okey." sabi ko.

Pumasok ako sa walk in closets at pumili ng isusuot ko. Factory ang pupuntahan namin kaya mas pinili kong magsuot ng high waist pants at kulay itim na tube na pinatungan ko ng puting sleeveless blazer. Binili namin ang mga ito noong pumunta kami sa mall dahil naiwan lahat sa bahay ko ang mga damit ko. Tinernuhan ko yun ng isang kulay black na stilletos.

Paglabas ko ng walk in closets ay tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Tumayo siya at nagulat ako ng iabot niya sa akin ang handbag na dala ko noong kinuha niya ako sa mall.

"I think you need your stuff so im giving it back to you." Anya.

Tiningnan ko ang loob ng bag ko at nandon nga lahat ang gamit ko. Wallet, cards, id's, at ang cellphone ko.

"Thank you." Sabi ko.

"Let's go." Anya.

Sumunod na ako sa kanya pababa. Nang makita ko ang isang maid ay nagbilin ako. Napahinto din si Vince ng marinig akong magsalita.

"Manang ikaw na po ang bahala para sa breakfast ng mga bata. Tapos yung lunch nila ipagluto nyo sila ng Chicken Afritada at Ginisang kalabasa na may malunggay para makakain sila ng gulay. Kapag hinanap nila ako pakisabi sumama ako sa daddy nila papuntang Factory." Bilin ko.

"Opo madam." Sagot ng katulong.

Sumunod na ako kay Vince sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passengers seat. Pumasok na ako don at inayos ko ang seatbelt ko. Pumasok na rin siya at pinaandar na ang kotse. Tahimik kami habang nasa biyahe papunta sa Factory.

Pagdating namin don ay may kinausap siyang mga tao. Inilibot ko naman ang mga mata ko sa pabrika. Maingay doon at mabaho. Inabutan ako ng mask ng isa niyang trabahador doon.

"Salamat." Sabi ko.

Isinuot ko ang facemask dahil masakit sa ilong ang mga ginagamit nilang mga barnish at pintura.

Iba iba ang trabaho ng mga nandito. May nagliliha ng mga nabuo ng mga furniture at sa banda don naman ay may mga bumubuo palang. Nilingon ko si Vince pero busy pa siya sa mga kausap niya. Naglakad lakad ako at patingin tingin sa mga ginagawa ng bawat isa. Hanggang sa nakarating ako sa lamesa na puno ng sketch ng mga furniture.

Ganito ang negosyo ng Daddy ko noon dito sa Pampanga. Pero hindi dito ang pabrika namin. Nabalitaan ko na nagsara na din yon sa kadahilanang nalugi na. Napabayaan ito ng madrasta ko.

Tiningnan ko ang mga sketch. Madami don nireject ni Vince. Magaganda ang mga designs pero kulang ng disenyo. Mukhang mamahalin ang mga pinipiling designs ni Vince. Hindi pang masa. Dapat bumuo din siya ng design ng pang masa. Yung eleganteng tingnan pero pasok sa bulsa.

Naupo ako sa upuan at kinuha ang isang coupon bond don na blangko. Hindi lang sa damit ako marunong magdesign, marunong din ako sa mga furniture dahil natuto ako kay Daddy. Nag umpisa akong magdesign ng isang elegante pero pang masang sala set.

Nang matapos akong mag drawing ay napatingin ako sa mga retasong kahoy na pinagtabasan nila. Kaya muli akong nakaisip ng disensyo ng upuan gamit ang mga retasong kahoy. Pinagmasdan ko ang sketch ko ng magsalita si Vince na siyang ikinagulat ko.

My Unknown HusbandDär berättelser lever. Upptäck nu